Sa hindi ko malamang dahilan ay patuloy ang paglabas ng luha ko kahit na gaano karami ang naluha ko.Parang walang katapusan ang pagluha ng nga mata ko.

"Hindi mo gusto pero hindi mo rin inisip ang magiging consequences ng mga actions mo.Hindi mo masisisi ang mga pinsan niya.Ikaw lang ang dahilan ng lahat."

"Dahil siguro hindi ko matanggap na pinagkait nila sakin ang alaala ko at nagsinungaling pa sakin.Giving me new name and new identity.I should know the truth!"

“He just want to protect you"napatingin kami sa nagsalita na si Calyx. “I want to clear something to you.Hindi pinagkait ni Storm ang alaala mo.Ayaw niya lang madaliin mo ang lahat dahil pag naalala mo ay baka masaktan ka.Pinili niyang masaktan para sayo.Hindi ko maintindihan kung bakit masyado kang desperado sa mga alaalang iyan."

"Hindi ko makuha yung point niya kung bakit kailangan niyang magsinungaling!!"

Sinuklay ni Calyx ang buhok niya at umigting ang panga niya.Halatang naiinis na siya sakin.Hinawakan ni Lexi ang braso nito para pigilan na kumawala ang galit nito.Ilang buntong hininga ang pinakawalan nito bago nagsalita.

"Hindi mo ba makuha yung point ko?!Gusto ka nga niyang protektahan dahil mahal ka niya!Ayaw niyang umabot sa punto na hahanapin mo yung pagmamahal ng ibang tao habang siya ay nandito inaalay ang buong puso niya sayo."sabi ni Calyx sakin na sobrang sakit para sakin.

"Talk to him,Jerish.You need to clear things between you and Storm.That's what you need."

Umalis na sila at naiwan ako.Kailangan ko ngang kausapin si Storm nang masinsinan.Ayokong magtagal pa itong problemang ito.Tinakbuhan ko na ito at naging duwag.

PAGKAGISING ni Storm ay agad niya akong tinanong kung babalikan ko na ba siya,kung bakit ako bumalik rito.Na-miss niya raw ako at nag-aalala sa ilang buwan kong pagkawala.Umaakto siyang okay pa rin ang lahat.

"I want to talk about us."

Napansin ko ang pagseryoso ng mukha niya at umayos siya ng upo.

"What about us?"

Ilang buntong hininga ang ginawa ko bago ko nasabi ang gusto kong sabihin.

"Hindi ko alam kung mahal pa kita."

Nakita ko ang sakit na bumalatay sa mukha niya.Alam kong masakit ito para sa kaniya pero kailangan niyang malaman ito.

"Mahal mo ba talaga ako o minahal mo lang ako dahil sa kasinungalingan ko?"

Ako ang hindi makapagsalita sa sinabi niya.Hindi ko alam pero yun yung totoo.Yun yung sinasabi ng puso ko.May parte siya sa puso ko pero hindi bilang lalaking mahal ko.

"I'm sorry."

Pagak siyang tumawa.May mapait na ngiti sa mga labi.

"Natandaan mo na siguro,na ako si Storm Smith,yung kaibigan mo lang,yung pinsan ng mahal mo,yung kailanman ay hindi mo magugustuhan.Natanggap ko naman.Natanggap ko naman na hanggang dun lang talaga pero di ko alam kung bakit itong puso ko patuloy na umaasa."dinuro pa niya ang puso niya at tumulo ang butil ng luha sa mga mata niya.

Nakikita ko yung sakit sa mga mata niya.Gusto kong punasan ang mga luha niya pero hindi pwede,ayokong umasa pa siya.

"Humihingi ako ng tawad sa mga kasinungalingang pinilit kong ipasok sa utak mo.Katulad ng boyfriend mo ako,totoong anak natin si Riku.Alam ko naman kung ano ang tama at mali,pero nagpapakabulag ako.Ginagawa kong tanga ang sarili ko.Pinapahirapan ko yung sarili ko,kasi nasobrahan ako sa pagmamahal sayo."

Ang sakit na itong napakabuting taong ito na minahal ako,umiiyak sa harap ko at nasasaktan ng dahil sakin.Hindi ko alam kung bakit ako pa yung minahal niya kahit alam niyang masasaktan lang siya.

"Ayokong mahalin ka,Storm,dahil lang ayaw kitang masaktan.Gusto kitang mahalin dahil mahal kita hindi dahil masasaktan ka at naawa ako sa iyo.Pero alam mong hindi iyon mangyayari diba?"

Nabalot ng katahimikan ang buong kwarto.Pinipigilan ni Storm na umagos ang mga luha niya pero hindi niya ito magawa.Alam kong nasasaktan rin siya.Alam kong gusto niyang bumalik lang kami sa dati,yung masaya pa kami.Pero hindi pwede,niloloko lang namin ang isa't isa.

"Hahayaan kitang pag-isipan muna ito at ganun rin ako...."natigilan ako sa sinabi niya at napatingin "...dahil hindi ko na alam ang kinakalagyan ko sa buhay mo.Ayokong umasa pa rin sayo.Ayokong mabuhay na sayo lang umiikot ang mundo ko.Ayokong maging extra lang sa istorya mo.Kasi akala ko sa istorya na ito,ikaw at ako ang bida pero akala ko lang pala lahat dahil isang extra lang ako.Babalik na lang ako kapag maayos na ang isip ko at ang isip mo."

Tumayo na siya at akmang aalis pero napatigil siya sa sinabi ko.Ayokong isipin niya na ganun lang siya.

"Oo,pwedeng extra ka lang sa buhay ko.Pero ikaw yung extra na nagpaintindi sakin ng mga bagay.Mahalaga ka sa istorya.Mahalaga ka sa istorya ko."nginitian ko siya pagkatapos kong punasan ang luha ko.

"Pwedeng extra ka lang sa buhay ko,pero pwede ka namang gumawa ng sarili mong istorya at maging bida nito.Malay mo mahanap mo na yung kasama mong magiging bida sa sarili mong istorya."ngumiti siya ng tipid sakin bago ako iniwan sa kuwartong ito.

Living with this Hot but Annoying Jerk [Book 2]Where stories live. Discover now