“Mas mahalaga ba yan ngayon? Ang sakit na nga ng bukol ko!” mangiyak-ngiyak si Lexi.

“E kasi kung hindi mo ginalaw, di sana wala tayong bukol!”

Si Melvin, hindi gets ang pinag-uusapan ng dalawa. Napansin niya na ang tablet.

 “Tablet ba yan?”

“Obvious ba?” irap ni Lexi. Sabay siko ni Anika kay Lexi.

“Aray!” bawi agad si Lexi, “Obvious bang hindi?”

“Wala to!” biglang tago ni Anika ng tablet.

Si Melvin may iba pang napansin, si Joe. Parang may kinakausap na hindi nila nakikita. Kanina pa bulong ng bulong.

“Okay lang ba yang boyfriend mo?” tanong ni Melvin kay Anika.

Napatingin sina Anika at Lexi kay Joe.  Si Joe, parang may kinakausap nga. Mabuilis ang kilos ng bibig.

Si Anika, nagpalusot agad “Ah kasi…ano…nagme-memorize ng dialogue yan, may play kasi siya!”

“Ahhh” mukhang naniwala agad si Melvin. Sabay nagring ang phone nya.
RINGGGGG!

Agad sinagot ni Melvin. Lumabas sandali.

Muling inilabas ni Anika ang tablet. Agad chineck ang app. Kaso, may nag-pop up na message: ERROR!

Hala! Bakit Error? Lexi!!! Pano to?”Natakot si Anika. Pinasa agad kay Lexi ang tablet.

Pinindot ni Lexi ang mga buttons. Walang nangyayari.

Bakit ganon? Ayaw na gumana! ?”

Si Lexi, maiisip “Hala, nasira yata! Diba nabagsak ko?”

Si Anika, mapapatingin muli kay Joe. Napapadasal na…

Wag ka ngang topakin ngayon Joe! Wag ngayon na nandito si Melvin!

Pumasok uli si Melvin. Naalala uli ang agenda sa pagpunta.

“O ako na gigising kay Steffi!”

Si Lexi, nakulitan na kay Mevin, “Tulog pa nga kasi di ba?! Mahirap ba intindihin yon?” 

“Hindi naman. Pero kasi nga…” biglang may naresib naman na text si Melvin.

Beb bilisan mo k?

Biglang nagbago isip ni Melvin. Nagpaalam, “Sige na nga! Daan na nga lang uli ako mamaya!”

Si Anika, hindi nadinig ang sinabi ni Melvin. Nakatingin lang kay Joe. Kaya si Lexi na lang ang sumagot.

“Kahit wag na!” sagot ni Lexi.

 ***

Iniwan ni Melvin ang mga rosas. Nagmadaling umalis. Si Anika, late reaction…

 “Asan na si Melvin?”

“Umalis na kaya!”

“Ha? Bat mo pinaalis?”

“Sisihin ba ko, friend?” sabi ni Lexi. Kutob niya, “Umalis yon, kasi may kikitain siyang ibang girl!”

Biglang nalungkot si Anika. Iba ang naisip na dahilan sa pag-alis ni Melvin. 

“Baka naman nagselos siya? Hindi man lang ako nakapagpaliwanag ng maayos…na hindi naman kami talaga ni Joe. Sana hindi siya galit…”

 “Lam mo, friend.  Ako ang magagalit sayo e!” Asar si Lexi.

“Bakit naman, inaano ba kita?”

“Kasi lumalala na yang asyumera syndrome mo! Pa-check up ka na, please!”

Pero kung may kailangan ng check up agad. Si Joe yon! Lumalala na ito. Muling bumalik ang pagkaweirdo. Epekto ng pagbagsak ng tablet!

Biglang nilapitan si Anika. Paulit-ulit na bumabati ng “Hey Beautiful!...Hey Beautiful…Hey Beautiful!”

Natakot si Anika! Sasawayin nya si Lexi, “Friend! Tigilan mo na nga pagpindot dyan sa tablet! Mag-aaway na talaga tayo!”

“Ha? Wala akong pinipindot!” sabi ni Lexi.

Kung walang pumipindot? Anong nangyayari kay Joe?

Kinuha ni Joe ang mga rosas. Biglang luhod kay Anika. Inabot ang mga ito.

Nagsalita ng different languages! Sunod-sunod!

May Arabic…Ana behibek!

May Finnish…Mina rakastan sinua!

May Somalia…Waan kujeclahay!

Sina Anika at Lexi. Nosebleed. Hindi maintindihan si Joe.

Ano dawww?

Agad tinignan ni Lexi ang language settings. Pinindot ang Filipino languages button. Kaso…

Nagsalita si Joe sa Cebuano…Nahigugma ko nimo!

Nagsalita sa Ilonggo…Gipalangga ta ka!

“Wait, parang gets ko na gusto nyang sabihin” ngiti si Lexi.

“Ano sinasabi nya?”

“Sandali…” sinubukan pa rin ni Lexi ayusin ang settings.

Kaso si Anika, natatakot na talaga kay Joe. Para sa kanya, parang may Alien sa harap niya. Gwapong alien! Hindi niya talaga maintindihan.

Interpreter please!

Sa inip ni Anika. Inagaw niya ang tablet, “Ako na nga, friend!”

May mga hinanap sa settings. Todo dutdot. Kung anu-anong buttons.

Pero, no effect. Puro lang…Error! Error! Error! Para siyang minumura ng tablet.

Sabay awat sa kanya ni Lexi, “Friend, anuba! Lalong masisira yan!”

“Wag mo kong pigilan!” sabi ni Anika. Pero tuloy ang pagpigil ni Lexi. Agawan sila. Hanggang sa hindi sinasadya.

Shingggggg! Boogsh!

Tumalsik ang tablet! Bagsak uli!

Stop sina Anika at Lexi. Pinakiramdaman kung anong effect sa tablet. Anong effect kay Joe.

Naka-freeze si Joe. Tulala.

Nag-hang?

Para maka-sigurado. Nilapit ni Anika ang mukha kay Joe. Chineck ang mga mata, ilong, bibig, ang buong mukha.

“Anong nangyari kay Joe? Ano ba ang gusto niyang sabihin kanina pa?”

Nang biglang, ngumit si Joe. Nakakaloko.  Sabay sabing, “Hey Anika, Mahal kita!”

Ano???? 

Gulat si Anika. Pero hindi pa doon natatapos. Biglang ninakawan ng kiss ni Joe si Anika.

MWAHHHHHH!

Hindi sa labi. Hindi sa noo! Hindi sa pisngi!... Sa ilong! Swak na swak!

Hindi agad tinanggal ni Joe ang labi sa ilong ni Anika. Parang naka epoxy ang lips ni Joe sa ilong ni Anika. Si Lexi, gulat. Si Anika, hindi maipaliwanag ang naramdaman. Parang nanlambot ang tuhod. Na naiihi. Na nanginginig.

 Nanginginig? O kinikilig?

MY APP #BOYFIETempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang