Natawa ako sa sinabi niya. Gago talaga ang isang ito!

Nakarating kami ng maayos sa bahay, syempre hindi naman kasi uminom si George. Kung pati siya iinom, baka parehas na kaming patay dahil sa car accident. At ayaw ko pang mamatay dahil kelangan ko pang makita ang mag-ina ko. Nais ko pang makita ang paglaki ni Alexis ganun din ang magiging apo ko.

“Lasing na naman?”

“Oo Jen. Ikaw nang bahala. Ito pala ang susi nang kotse.”

“Dalhin mo na muna yang sasakyan, para di ka na magcommute. Sandali at tatawagin ko lang yung ibang maid para tulungan ka kay Kuya.”

Nakapikit ako habang pinapakinggan ang pag-uusap ni Jen at George. Naramdaman ko na lang na may nag-angat sa akin mula sa pagkakaupo sa sasakyan. Halos hindi ko na maimulat ang aking mga mata sa sobrang kalasingan.

“Tangina bro! Ang bigat mo. Bukas talaga hindi na kita sasamahan!”

Naramdaman ko na lang na nasa kama na ako. Ang sarap humiga. Humarap ako sa kaliwang bahagi ko upang yumakap ngunit naalala kong tatlong araw na nga pala akong walang katabi sa malaking kama na ito.

Kahit lasing na lasing ako, hindi mawala sa isip ko ang pag-alis ni Jess at Alexis. Bukas mararamdaman ko na naman ang sakit at pangungulila.

Handa na akong matulog nang marinig ko ang paglock ng pinto. Sino ba ito?

“Naglasing ka na naman Kuya!” Singhal sa akin ni Jen. Wala akong panahon makinig sa mga sasabihin niya.

“Hwag na hwag mo akong tatawaging Kuya dahil wala akong kapatid!” Sa kabila nang pagkakalasing ko, nagawa ko pa rin sabihin yun sa kanya.

“Now, I want you out of this room!” Inayos ko ang pagkakahiga ko. Damn! Hilong-hilo na ako tapos may magsesermon pa sa akin! I hate this life!

Alam kong mali ang sinabi ko pero I’m tired of pretending! Pretending na okay lang sa akin na bigla na lang may susulpot akong kapatid. In my existence, sanay ako na ako lang ang anak nila Mommy at Daddy. At hindi ako makapaniwala na in an instant, magkakaroon ako nang kapatid! Like fuck it!

Hinayaan ko na lang ang sarili kong makatulog kaysa isipin ko pa kung paano ako nagkaroon ng kapatid!

Jen’s POV

Sobrang sakit kapag sinasabihan ako ni Andrei nang ganun. Alam kong hanggang ngayon hindi niya matanggap na may kapatid siya. Sino ba naman hindi magugulat na bigla na lang may susulpot sa buhay mo then kapatid mo pala? Parang kabute na bigla na lang tutubo.

Hindi ko rin naman ginusto na maging kapatid siya. Hindi ko ginustong maging kapamilya nila. Buong akala ko isa akong CASTRO, katulad nang kinalakihan ko. Jenny Lei Castro. Ngunit hindi pala. Naiyak na lang ako habang iniisip ang lahat-lahat. Nagkulong ako sa kwarto at doon bumalik lahat nang alala…

Take Me To Your Heaven (PUBLISHED BY POP FICTION - SUMMIT)Where stories live. Discover now