64. JeongCheol & You

428 9 2
                                    

|xudieytism17🍊|
-

"Good evening! Ano pong order, Sir?"

Nakangiti kong bati sa customer.

"Iced Choco. Two orders please."

Parehas kaming natawa.

"Too formal."

Sabi niya.

"Psh. Sige na, doon ka na sa pwesto mo. Layas."

Sumunod naman siya. Tsaka teka, bakit kaya dalawa yung in-order niya?

"Hmm? Baka may kasamang parating?"

Nagkibit-balikat na lang ako at ginawa na yung order niya.

Well, masarap akong gumawa ng iced choco. Hindi naman sa pagmamayabang, pero parang ganun na nga! HAHAHA.

Nang natapos ko nang gawin yung order, lumapit na ako sa kanya para ibigay iyon.

"Oh ito na po, Sir."

Itinuro niya yung upuan sa harap niya.

"Sa'yo yang isa. Upo ka muna.."

"S-salamat. Nako bakit ba?"

Taka kong tanong.

"Wala ba diyan yung kasama mo? Sub muna siya sayo, saglit lang naman."

Tumango ako. Hinanap ko yung kasama ko na papetiks-petiks lang sa buhay. Sinabi kong siya muna yung pumwesto sa pwesto ko, gladly, pumayag.

Lumapit na ako ulit kay Jeonghan at naupo.

"So, ano ba yun?"

He cleared his throat bago magsalita..

"Ano kasi, Y/N.. Sana di magbago yung pakikitungo mo sa akin pagkasabi ko nito..."

Huminga siya ng malalim, ako naman nakatitig lang sa kanya.

"Y/N, I li---"

"Guess who?"

Hindi ko na narinig pa yung sinasabi ni Jeonghan dahil yung tibok ng puso ko, nakakabingi sa sobrang lakas.

"S-seungcheol.."

Narinig ko siyang tumawa..

"Tama! Galing ah!"

Napangiti ako.. Kumpleto na naman araw ko..

"Uy, Jeonghan. Andito ka pala, pre."

Shocks! May sasabihin nga pala yung mokong.

"Jeonghan ano nga ulit yung sasabihin mo?"

Nagulat ako kasi bigla na lang siyang tumayo at nag-abot sa akin ng pera.

"Ayan na yung bayad. Una na ako."

Diretso lang siya sa paglakad at di na tumingin pa ulit sa direksyon namin. Hays.

"Anong nangyari dun?"

Nagkibit-balikat ako.

"May sasabihin kasi siya.. Hindi ko na narinig kasi eh.. Baka dahil dun.."

Tumango-tango si Seungcheol.

"Bakit ka pala nandito?"

Sana sabihin niyang, 'para dalawin ka' AAAAHHHH kinikilig ako.. HAHAHA

"Ah! Remember the girl na kinukwento ko sayo?"

Oh my Gosh! Umaasa akong, ako talaga yung sinasabi niya eh..

Hindi kasi siya nag-name drop. Secret daw muna. And I guess, aamin na siya sa akin ngayon..

Well, based sa characteristics, akong ako talaga eh. HAHAHA

SEVENTEEN IMAGINES •COMPILATION•Where stories live. Discover now