42. Junhui & You

278 9 2
                                    

|xudieytism17💙|

-

"Hi! Ginawan kita ng pagkain mo para sa lunch! May note ako sana basahin mo!"
.
.
"Good morning! Wag ka namang umiwas sakin! Di mo na ba ako best friend?"
.
.
"Good day! Kamusta ka? Nagawa ko na yung project mo! Sabi mo liligawan mo ko ah? Hihintayin ko ha?"
.
.
"Hi! Ang ganda ng boses mo! Di mo sakin pinarinig yan noon ah? Hihi. Salamat sa harana!"
.
.
"Uy! Sabi sakin ni Jjeona may kasama kang babae? Di ako naniniwala kasi alam kong ayaw niya lang sayo."
.
.
"Kamusta field trip niyo? Sayang di ako nakasama. Wala kasing budget eh. Ingat kayo ha? Mahal kita!"
.
.
"Hi babe! Sinasagot na kita! Sa wakas, akala ko di kita magiging boyfriend. Akala ko talaga trip mo lang ako eh hihi."
.
.
"Uy! Sorry na. Di pa kasi ako nakakapag-ipon para dun sa pinapabili mong tablet. Mahal kasi yung nagastos namin para dun sa research!"

Di ko namalayan na tumutulo na pala yung luha ko. Ang sakit isipin na all this time, niloko niya lang ako at pinaniwalang mahal niya ako.

Ang bobo ko! Di ko naisip na malayong malayo ako sa mga tipo niyang babae. Aish!

"Will you be my girlfriend?"

Lahat ng nasa paligid namin, kinikilig at nagtitilian. Masaya sila. Samantalang ako? Nanonood lang at di nila ako nakikita. I felt betrayed.

"Yes! Yes! Mahal kita, Jun!"

Nagyakapan sila. At itong mga peste kong luha, nagsituluan na naman. Pumalakpak lahat ng tao sa paligid at bakas talaga sa mukha nila ang saya.

"Y/N?"

Shit! Kung minamalas ka nga naman. Dali dali kong pinahid yung mga luha ko at umalis na doon. 
.
.
.

Para akong tanga na nakasubsob yung mukha sa tuhod ko. Akala ko tapos na akong umiyak kanina? Hindi pa pala. Ang sakit sakit pa pala. Mismong mga kaibigan mo? Niloko ka?

"Pano nila nagawa 'to sakin?!"

Humagulgol ako at sigaw ng sigaw. Hanggang sa naramdaman kong may mga brasong pumulupot sa aking baywang.

"Y/N, sorry. Patawarin mo kami."

Inalis ko yung mga braso niya sa baywang ko at hinarap siya. Ngumiti ako.

"Ayos lang yun, ano ka ba? Congrats ha? Ako nga dapat mag-sorry kasi panggulo ako sa love story niyo."

Pilit akong tumawa at tumingin sa wrist watch ko.

"Sige na. Mauuna na ako ha? Baka mahuli ako ng guard niyo. Mahirap na. Lagot ako sa dean namin sa school. Congrats ulit!"

Tumalikod na ako ulit at akmang papaalis na pero pinigilan na naman niya ako. Hinatak niya ako kaya napasubsob ako sa dibdib niya.

"Huy Jun! Baka makita tayo ni Jjeona! Selosa pa naman yun! Malelate na rin ako."

Pinilit kong hindi gumaralgal ang aking boses. Ayaw kong magmukhang kawawa sa harap niya.

"Saktan mo ko, Y/N. Sampalin mo ko! Suntukin mo ko! Hate me! Curse me! Tadyakan mo ko kahit san mo gusto! Murahin mo ko!"

Humiwalay ako sa kanya at tinitigan siya.

"Alam mong hindi ko kaya yan, Jun. Ni pangloloko nga sa tao, di ko magawa. Hayaan mo na ako. Kasalanan ko naman eh. Naghabol ako sayo at napaniwala mo ko. My fault, not yours."

Wag kang iiyak, Y/N.. Pigilan mo..

"Y/N naman. I deserve all the pain na manggagaling sayo. Bumawi ka sakin, Y/N. I'm sorry. Kaibigan lang an---"

"Alam ko naman, Jun. Nakalimutan ko lang noong nahulog yung loob ko sayo. Wag kang mag-alala, pinapatawad ko na kayo. Pasensya na at nanghimasok ako sa istorya niyong dalawa ha? Sige alis na muna ako.."

Naglakad na ako pero sa baba lang ang tingin ko. Bawat sulok sa paaralan nila may ala-ala para sa akin. Lahat ng kasinungalingan niya, dito naganap. Hays.

"Aray!"

Napaupo ako dahil sa lakas ng impact ng pagkakabunggo ko.

"Y/N!"

Dali dali akong tumayo bago pa ako alukin ng tulong ni Jun.

"Sorr--- Jjeona."

Muli ay ngumiti ako sa kanya. At masasabi kong nagulat siya nang makita ako. Bakas ang guilt sa mukha niya. I hugged her.

"Congrats, Jjeona."

Bulong ko sa kanya. Umalis na ako doon at dumaan sa bakod nila. Mahirap nang mahuli ng guard.

"Bye sa inyo"

Napatingin ako sa kabuuan ng school nila at umalis na.. Hanggang sa muli..

[ E N D ] 

©Keyrot_bongie | Kath Xu

SEVENTEEN IMAGINES •COMPILATION•Where stories live. Discover now