3. Minghao & You

1K 21 2
                                    

✨ SEVENTEEN ✨
#Bubbletowt_Imagine_The8
|@xudieytism17🌻|
-
"WAAAH I HATE YOU HAO!"
Sigaw mo sa nobyo mo. Paano kasi, tinapon niya yung mga pampaganda mo. Wala siyang tinira, maski isa.

"Tss. I told you, wag ka ng gagamit ng mga make-up!"
Tinalikuran ka niya at lumakad palayo sayo.

"GRABE KA HAO! YAN NA NGA LANG PINAGKAKAABALAHAN KO TAPOS TINAPON MO PA! NAKAKAINIS KA!"
Napaiyak ka na kasi pinag-ipunan mo yung pinambili mo ng mga yun.

"Hays. Babe naman, I'm sorry.."
Nilapitan ka niya, nagpout ka na parang bata habang iyak pa din ng iyak.

"Alam mo babe, wag ka na kasing gumamit ng mga yun."
Hinawakan ka niya sa magkabila mong balikat. Lalo kang napasimangot sa mga narinig mo.

"Madali lang sayong sabihin yan Hao kasi di ka naman babae!"
Bulyaw mo pa sa kanya. Dinig mo ang pagbuntong-hininga ng nobyo mo.

"Yeah, di nga ako babae. Wala akong alam. Pero kung magiging babae man ako, I won't use any of those make-ups. Babe, you're pretty."
Nag-init ang magkabila mong pisngi kaya naman mas pinili mo na lang na yumuko.

"You're beautiful, inside and out. With or without make-up. It's okay to be simple, babe. Di ako sanay na naglalagay ka ng ganun! I've known you for being who you are, a simple one. Walang arte sa katawan. Please babe? Wag kang pasaway. Pwede namang mag-cuddle tayo, babe. Yun ang gawin nating libangan. You know, I want to hug and kiss you always."
Napatingin ka sa kanya. Di makapaniwala sa mga sinabi at napayakap ka sa kanya. Niyakap ka niya pabalik ng may ngiti sa kaniyang labi.

"Really? Totoo lahat ng sinabi mo, babe?"
Natawa siya sa pagiging isip bata mo. Gusto mo kasi na lagi kang nilalambing ni Hao at mukhang na-spoiled ka na ata ng nobyo mo. Haha.

"Yes. Di naman ako sinungaling, babe. Mahal kita, okay? Di yun magbabago."
Tumingin kang muli sa kanya at hinalikan ang labi ni Hao. Saglit lang iyon pero parehong gumuhit ang mga ngiti sa labi niyo.

"Mas mahal kita, Hao. Promise, di na ako gagamit ng make-up."
Parehas kayong natawa sa sinabi mo at napuno ng saya at pagmamahal ang buong silid na kinalalagyan niyo.

-End

©Keyrot_bongie |Kath Xu

SEVENTEEN IMAGINES •COMPILATION•Där berättelser lever. Upptäck nu