39. Woozi & You

317 9 0
                                    

#JIHOON
|xudieytism17✨|

-
"Mr. Lee, salamat talaga at naibenta mo na rin sa akin ito. Obviously, you're careful at handling your properties. It's well organized."

Sabi ng lalaking nasa mid-40s ang edad kay, Jihoon.

"Thank you, sir. Ilang beses pa akong nag-alangang ibenta ito dahil maraming memories ang nakatago dito. Nakakapanghinayang, pero kailangan kong gawin, sir."

Maluha-luha niyang sabi. Ayaw niyang igive up ang isa sa kanyang memorabilya noong kasikatan niya.

Akala niya kasi, kung aalis siya, naroon pa rin ang mga taong susuporta sa kanya. Pero nagkamali siya. Ikinakahiya na siya ng mga fans niya, maliban sa isa.

"Mauuna na ho ako, Mr. Torres."

Tumango lamang ang lalaki at saka umalis.

.
.

"Hon, nandito na ko. Binenta ko na yung nag-iisang mahal ko. I know you wouldn't let me do that, but I care for you. You're my priority."

Napabuntong-hininga siya nang makitang nahihirapan at tulog pa rin ang nasa harapan niya.

"Hon, wake up. Miss na kita.. You're already one year here at the hospital. Gumising ka na, please?"

Muli ay napaluha siya. Naalala niya ang sinabi ng doktor sa kanya nang mapansin nito na matiyaga siyang nagbabantay sa isang babae.

'We're not one hundred percent sure sa paggising niya, Mister. Sa ngayon ay tinutulungan na lamang siya ng mga aparato para mabuhay.'

Pero di siya naniwala. Alam niyang hindi siya nito iiwan, nangako ito.

"Hon.. Sorry ha? Di na kita magagawan pa ng mga kanta. Di ka na makakapagrecord pa ng kanta. Sorry, Hon. My passion is not important to me anymore, ikaw na ang importante sa akin."

Napahikbi si Jihoon..

"You're my life now. Ikaw ang nagbigay sakin ng pag-asa. Ikaw yung nag-iisang nagtiwala sa akin. Ikaw yung nag-iisang fan na nanatiling updated sa buhay ko. Ikaw yung naging kaibigan, kapatid, minsan pa nga nanay kasi nagger ka eh."

He chuckled. Mukha na siguro siyang baliw dahil iiyak at tatawa.

"Pero sa huli? Di ko akalain na mamahalin kita, na mamahalin mo ko.. Tignan mo, kinasal pa nga tayo. Ang swerte natin sa isa't isa, Hon. You're my everything. Gumising ka na.."

Haplos haplos niya ang pisngi nitong tila wala nang laman. Sobrang payat na nito. Puro pasa na rin dahil sa sakit niya.

Sabi ng doktor ay marahil sobrang nahihirapan na raw ito kaya hindi na nagising.

*toooooooooooooott*

Natigil sa pag-iyak nang marinig ang tunog na kailanma'y di niya naisip na tutunog.

"No.. No.. DOK! DOK!"

Nagpapanic na lumabas si Jihoon at tumawag ng doktor.

"DOK! YUNG ASAWA KO DOK! DOK KEEP HER ALIVE PLEASE! PLEASE DOK!"

Hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak hangga't naririnig niya ang tunog ng monitor ng heartbeat (di ko alam tawag, sorry!) ng kanyang asawa.

He's silently praying. Pacing back and fort. He's thinking positive things dahil yun ang payo noon ng kanyang asawa.

Bumukas ang pinto at lumabas mula roon ang doktor. Automatic na napahinto siya sa paglakad-lakad niya.

"DOK! Stable na ba siya? Gising na ba siya? K--"

"Sorry, Sir. She didn't make it. Bumigay na ang katawan niya. Hindi na rin nagfa-function ang ibang organs niya. We're very sorry."

.
.

"Hyung. Umiiyak ka na naman."

Napahid niya ang luha na tumutulo na pala kanina pa..

"Sorry, Chan. Naalala ko lang ang noona mo. Buti pala nakadalaw ka."

Inakap siya ng dati niyang kabanda na masasabi niyang malaki ang pinagbago. Naging mas brusko na ito at tumangkad na rin.

"Lahat kami, hyung. Gustong gusto naming puntahan ka dito dahil sa balita, pero hindi kami pinayagan ni manager. Sabi niya pa nga'y karma mo raw iyan. Nagalit si Coups hyung at muntik nang patulan si manager pero napigilan siya agad ni Jeonghan hyung."

Napabuntong hininga siya. Sa malaking bahay na tinutuluyan niya'y naging sobrang tahimik. Naubos na rin halos ang mga gamit nilang nabili niya pa mula sa ibang bansa upang ipangbayad sa hospital at punerarya.

"Hyung, tutulungan kita.. Hahatian kita sa sweldo ko, ganun din sila--"

"Wag. Itago niyo yan. Ipunin niyo. Ayos lang ako. Ano ba kayo. Matagal na 'yon."

Nag-insist pa ang binata pero di talaga ito tinatanggap ni Jihoon.

Mahirap ang mabuhay mag-isa, lalo na kung nasanay ka sa presensya ng isang tao. Nanghinayang siyang ibenta noon ang kanyang studio room, pero mas nanghinayang siya noong araw na mawala ang mahal niya.

Noong una'y akala niya kaya niya. Pero hindi pala. Bigo siya. Gabi-gabi siyang umiiyak at kinakausap ang hangin.

[E N D]

©Keyrot_bongie | Kath Xu

SEVENTEEN IMAGINES •COMPILATION•Where stories live. Discover now