57. Jihoon & You

0 8 5
                                    

|xudieytism17💚|
-

Too much happiness, can be the cause of too much pain.

Too much love, can cause too much hurt.

And too much laughter can be too much cry.

Naniniwala ako dyan. Well I guess, hindi lang ako.

Lahat ng sobrang nasaktan at iniwan ay nakakarelate dyan.

"Hay.. Buhay nga naman. Idagdag mo pa si tadhana na kung maglaro, wagas.. Pisti."

Napailing-iling na lang ako. Totoo naman kasi diba?

Lahat ng kaligayahan mo mapapalitan ng kalungkutan sa isang iglap lang.

Nagmahal lang naman tayo ah? Ang problema, hindi pa ito yung panahon. At hindi pa ang taong nanakit sa atin yung ika ngang 'The one' natin.

"Uy, Y/N! Ang aga aga, lukot na agad mukha mo."

Bungad sakin nung suki ko.

Tindera kasi ako ng almusal, syempre sa umaga yun, almusal nga diba?

"Wala 'to. May naiisip lang."

Kinuha ko na agad yung lagi niyang ino-order at binalot na sa supot.

"Yung ex mo na naman?"

I sighed. Tumango rin ako.

"Bakit kaya ganun, Jihoon? Ginagawa naman natin lahat para sa pag-ibig, pero bakit hindi pa rin sapat? Bakit kailangan pa tayong iwan?"

Hays. Dramatic Y/N is coming..

Naupo siya sa tabi ko at inakbayan ako.

"Alam mo kasi Y/N, lahat ng nagaganap sa buhay natin, masaya man o hindi, may reason. Alam mo naman yan diba?"

Tumango ako.

"At tsaka, everything that you have is just temporary. Buhay nga natin hindi pangmatagalab eh, pag-ibig pa kaya diba?"

Hmm.. May point naman siya.

"Pero syempre, dapat kung gaano ka kabilis mahulog sa isang tao, ganun ka rin kabilis makalimot, pilitin mo. All you need is acceptance and forgiveness. Kasi malay mo, nasa tabi tabi lang pala yung tamang lalaki, nabubulag ka lang sa pagmamahal sa maling tao. Minsan, you need to see other's effort to make you feel so important and valued. You need to let go, kahit gaano pa kasakit."

Napatingin ako sa kanya. Himala at parang seryoso siya ngayon? Anong himala ba ang nangyari?

"Jihoon? Ikaw ba talaga yan? Ibang klase! Diba ayaw mong pinag-uusapan yung mga ganitong bagay? What happened?"

Sunod sunod kong saad. He's not like this, and I'm not used to him.

"At tsaka, sobrang meaningful naman nung mga sinabi mo. Sobrang lalim para sa taong no girlfriend since last year. Tagos na tagos! Damang dama!"

Pabiro kong sabi, pero seryoso siyang nakatingin sakin.

Nagbawi ako ng ngiti at napakamot sa batok ko. Hehe. That was awkward.

"SanamapansinmorinakobalangarawY/N.."

Di ko naintindihan yung mga sinabi niya sa sobrang bilis.

"Ha? Anong sabi mo?"

Tanong ko.

"Ah wala. Sabi ko, buksan mo lang yung mata mo. Buksan mo yung paningin mo sa iba. Full focused ka kasi sa pagmamahal pa rin aa ex mo eh. Let go, Y/N."

He patted my shoulder.

"Tignanmogustokita,hindimonamanpinapansin. Bulag ka kasi, Y/N..

Pabiro kong hinampas balikat niya.

"Bakit ba ang bilis mong magsalita? Wala akong naiintindihan!"

May sapak ata sa utak to. Nagfe-feeling rapper. Hays.

"Ayoko lang masaktan, Y/N.."

"Huh?"

Nagtataka na ako sa mga pinagsasabi ng lalaking 'to ah! So weird..

"Wala. Diyan ka na."

Psh. May sapi ata yun..

Bago pa siya tuluyang makalayo, may isinigaw siya.

"Y/N! ANG SABI KO GUSTO KITA! KAYA LANG DAHIL BULAG AT MANHID KA, HINDI MO NAKIKITA YUN! HINDI MO NARARAMDAMAN!"

Tapos umalis na siya..

At ako? Eto. Naiwang nakanganga yung bibig.

"Watdapak?"

Sinubukan kong mag-focus na lang sa pagtitinda..

Kaya lang may naalala ako bigla..

"PUCHA, JIHOOOOON! WALA KA PANG BAYAAAAAD!"

Sigaw ko kahit di ko na siya matanaw sa malayo.

Hays. Ano kayang gagawin ko kapag nagkita ulit kami? Ni hindi ko rin alam kung anong sasabihin. Hays. Ano ba yaaaan!

-End

©Keyrot_bongie | Kath Xu

SEVENTEEN IMAGINES •COMPILATION•Where stories live. Discover now