5. VerHao & You

583 17 1
                                    

✨ SEVENTEEN ✨
#Bubbletowt_Imagine_VerHao
|@xudieytism17🌻|
-

"OPPA SARANGHAAAAAAEEEE!"
Di mo ineexpect na mangyayari 'to sa tanang buhay mo.

Living how many years in this world, ngayon mo lang naramdaman yung ganito kasayang pakiramdam.

"MINGHAAAAAOOO! SARANGHAEYOOOOO!"
You shouted at the man infront of you.

Nakaupo ka sa isang sofa at nasa bahay niyo ang ganap ng fan meeting nila.

Kaya lang nagtataka ka kasi tanging si Minghao at Vernon lang ang umattend sa nasabing fan meet.

Konti lang din ang nagpunta pero di mo na 'yon inasikaso pa. Ang tuon ng pansin mo lamang ay ang dalawang miyembro ng iniidolo mong grupo.

Natatawa lang sa'yo si Minghao at gumawa pa siya ng finger heart para sa'yo.

"OWMAYGHAAAAAAD! KYYAAAAAAH~"
Para kang bulateng inasinan sa kinauupuan mo ngayon.

Sobrang kinilig ka sa ginawang iyon ni Minghao.

Para kang baliw kaya siya yung nahihiya para sa'yo.

"WAAAAAAAAHH! OWEMJIII HAOOO! I LOVE YOUUUUU!"
Muli mong sigaw. Maging si Vernon ay natatawa din.

Maya maya pa, napansin mong tumayo siya papunta sa pwesto mo ngayon.

"Gooosh! Mabango pa naman ata ako? Bahala na!"
Impit mong sabi.

Nang tuluyan siyang makalapit, kinausap ka niya in Korean.

Ikaw naman, parang magdudugo na ang ilong dahil di mo siya naiintindihan.

Nakanganga ka pa nga hanggang sa matapos siya.

"Hehe. Mianhae.. I didn't understand what you've said.."
Kakamot-kamot mong sabi.

Nangunot ang noo ni Hao..

"Mwo?"
Tanong niya, sa wakas ay naintindihan mo.

"I think I need, Vernon.."
You said.

Naintindihan lang ni Hao ang 'Vernon' kaya tinawag niya ito para sa'yo.

Pagkalapit ni Beonon..

"Vernon oppa. Can you translate what he's saying? I really can't understand.."
You said in a sad tone.

Vernon just laughed at you.

"Okay. I will."
Minghao started to talk again and Vernon really helped you out to figure out what Minghao is saying.

You ended up nodding and smiled.

"Oh.. I also have many friends here. Because I'm a friendly person.."
Sabi mo kay Vernon na inexplain niya naman kay Hao.

Bago muling bumalik si Hao sa kinauupuan niya kanina ay ngumiti muna ito sayo and you also smiled back.

Tinanong niya kung mayroon ka ba daw mga kaibigan na trinanslate nga ni Vernon para sa'yo.

"Thank you, oppa.."
You bowed your head and he just smiled.

Nagkuwentuhan pa kayo ng matagal tagal at halata naman sa inyong dalawa na nagkakatuwaan kayo sa pinag-uusapan niyo.

Napatingin ka sa pwesto ni Hao at napansin mong wala na siya.

Bigla kang nagpanic at tinanong mo si Vernon kung nakita ba niya si Hao, pero umiling lang ito..

"Did you see Minghao?"
Tinuro nila yung kanto sa bahay niyo.

Nagpasalamat ka at dali-daling nagpunta doon.

"Nandyan ba si Hao?"
Tanong mo sa kapitbahay mo.

"Nako wa-----"

"HOY Y/N! ANONG ORAS NA! GUMISING KA NA DIYAN!! KUNG ANO ANO PA YANG PINAGSASASABI MO DIYAN!!"
Rinig mong sigaw ng nanay mo.

Lumingon ka sa paligid pero wala naman siya.

"HOY IKAW NA BATA KA! SA SOBRANG KAADIKAN MO DIYAN SA MGA KOREANONG YAN, KUNG ANO ANO NA SINASABI MO! BUMANGON KA NA DIYAN AT MAY MGA GAWAIN KA PA!!"
Binatukan ka ng nanay mo at tsaka ka nagising.

"ANO BA YAN, MA!"
Tinarayan ka lang ng nanay mo at lumabas na ng kwarto mo.

"Juskoooo! GRABENG PANAGINIP NAMAN YUN!! DI NAMAN AKO NAGKRIMSTIX KAGABI BAGO AKO MAKATULOG AH?"
Muli, kinilig kilig ka na naman nung naalala mong sa mismong bahay ninyo nag fanmeet ang VerHao.

"Baka may ibig sabihin 'yun.."
Sabi mo pa na todo- ngiti.

-End

©Keyrot_bongie |Kath Xu

SEVENTEEN IMAGINES •COMPILATION•Where stories live. Discover now