59. Mingyu & You

288 11 0
                                    

|xudieytism17🍒|
-

"Hey nerdy! Umalis ka d'yan! That seat is already taken."

Inilibot ko ang nga mata ko para humanap ng upuan pero wala na talagang bakante.

"A-ah, wala pa naman yung may-ari. D-dito muna ako, wala na rin kasing bakante.."

I am a newly transferred student. Pang-limang school ko na 'to this year. Reason? I always got bullied, ang masama pa, lagi akong binabaliktad.

I'm not that type of person na kahit naagrabyado na ako, hindi pa rin ako lalaban. Well, money can buy everything. Kaya ayan, nasusuhulan yung mga school staffs.

"Malakas din yang loob mo ha? Let's see pag dating niya kung kaya mo pang umusap."

She left me. Akala ko aawayin niya rin ako, physically.

Hindi na ako umaasang walang mambubully sakin dito, that's way too impossible.

"Andyan na siya."

Rinig kong sabi ng karamihan.

Napatingin ako sa pinto. May matangkad na lalaking pumasok.

"Good luck, nerdy."

I started feeling nervous. Yumuko na ako agad at nagkunwaring nagbabasa ng libro.

"Alis--- Y/N?"

Uh, kilala niya ako?

Dali-dali akong tumayo sa upuan at napagpasyahan kong tumayo na lang.

"Hey, Y/N.. Good to see you again.. Di mo ba ako naalala?"

"Huh? Magkakilala sila?"
"Paanong hindi masungit sa kanya si Gyu?"
"Oh my gosh! Is this a wattpad feels?"

Mas lumakas yung bulong-bulungan sa paligid. And I feel so unease right now. I don't want to look at him. Kahit pa alam niya yung pangalan ko.

"Hey you!"

Sigaw nung lumapit sakin kanina.

"How dare you not to speak with Mingyu! Wala kang respeto!"

I looked at her. Sino ba yang Mingyu na yan? And who is he for me to respect?

"Shut up! Ikaw ang walang respeto! Who are you to talk to her like that?"

Nakita ko yung babae na napaatras. Maski ako ay natatakot na rin.

"S-sorry, Gyu. Kasi---"

"Give me your chair. Now!"

She immediately picked her chair and gave it to Mingyu.

"Dito ka umupo, Y/N. And you, little brat, tumayo ka! Do not sit unless I said so!"

Nanginginig ang tuhod kong umupo sa upuang inalok niya.

Nagsitahimik na ang lahat. Kahit ako ay nagtataka sa inaasta ng lalaking ito.

"S-salamat.."

"Di mo na ba talaga ako natatandaan, tabachingching?"

Huh?

"Ako yun! Yung iniwan mo sa cotton candy store kasi bumalik ka sa bahay niyo para humingi ng pera sa mom mo, and you did not came back."

He chuckled.

Oo may bata akong nakalaro noon. Payat yun, tapos maliit lang. So he is..

"Punggok?"

He covered my mouth before nodded.

"Grabe ang laki ng pinagbago mo! Ang tangkad tangkad mo na, tapos ang laki ng katawan mo! No wonder, takot halos lahat sayo."

We both chuckled. I am comfortable with him lalo na noong mga bata pa kami, nag-iba lang talaga kanina dahil nakakatakot talaga siya.

"Ikaw rin. Hindi ka na mataba. And based sa mga libro sa harap mo, seems like you're a genius."

Pabiro ko siyang hinampas sa braso.

"Nako, hindi 'no! I just love reading books."

"Hmm. Okay."

--

"Huy, Y/N! Gising!"

Naramdaman kong niyuyugyog ako.

"Ano ba! Nag-uusap pa kami ni Mingyu!"

"Hibang! Maypa-english english ka pa dyan! Epekto na yan ng kakanood mo sa mga koreanong yan eh!"

Teka ano? Ibig sabihin...

"Nananaginip lang ako kanina?"

Tumango si ate at binatukan pa ako.

"Para ka ngang baliw. Nakangisi ka pa.. May pa 'I love reading books' ka pa, eh tamad ka ngang magbasa ng mga libro!"

Napabangon ako sa higaan ako at sinimulang ihampas yung unan ko sa kama ko.

"Hindi pwedeee! Sabi sa panaginip ko, kaibigan ko siya nung bata pa kami! Alam niya nga yung palayaw ko eh!"

Napailing-iling si ate.

"Nako, Y/N! Kung ako sayo, titigilan ko na yang pagiging adik ko sa kpop! Lalo na kung ganyan magiging epekto! Hay, diyan ka na nga!"

Lumabas na siya ng kwarto ko. Hindi ako makapaniwalang panaginip lang yun!

Bumalik ako sa pagkakahiga, tumitig ako sa poster niya na nakadikit sa kisame ko.

"Mingyu, ano bang ginagawa mo sakin? Sobrang realistic na nung scene natin eh! Nagtatagalog at nage-english ka pa! Ano ba namaaaaan~"

-End

©Keyrot_bongie | Kath Xu

SEVENTEEN IMAGINES •COMPILATION•Where stories live. Discover now