60. Dokyeom & You

243 9 1
                                    

|xudieytism17🍒|
-

Why does love hurt us?

Why do we love wrong people?

Marami tayong tanong na kahit kailan at kahit sino, walang makakasagot.

"Oh my God!"

Nagulat ako ng may bagay na bumagsak galing sa kung saan.

I walked towards the direction of that thing.

Pero ganun na lang ang pagkagulat ko nang makitang  hindi into bagay.

It's a man.

I panicked! He's all naked, kaya nagmadali akong hubarin yung jacket ko at ipinulupot sa bewang niya.

Ipinasok ko siya sa bahay ko at naghagilap ng mga lumang damit ni kuya na naiwan dito.

"I hope this will fit."

Dinamitan ko siya. And yeah, it fitted.

Kinapa ko yung pala-pulsuhan niya, he's still breathing.

Walang malisya 'to. I was worried to him.

I started to make a soup para pagkagising niya, mainitan yung sikmura niya.

"Psyche?! Teka, nasaan ako?"

Gising na siya.

Nagpunta ako sa pwesto niya, at nakita ko siyang tila ba may hinahanap.

"Calm down."

Napadako yung tingin niya sa direksyon ko.

His expression softened and slowly walks towards me.

"Psyche!"

Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng sobrang higpit.

Unti-unti ko siyang itinutulak palayo sa akin.

"Hindi ka ba nagagalak sa aking pagbabalik? Magsasama na tayong muli, mahal ko!"

Teka, ano?

"Hindi ako si Psyche. At tsaka ayos ka lang ba? You fell hard out of nowhere at tinulungan kita."

"Ano ba ang lenggwaheng gamit mo? Hindi kita maunawaan. Halika na, sumama ka na sa akin! Ako ang asawa mo, si Cupid.."

I was so shocked.

"Pft.. HAHAHAHA"

I burst out laughing. Like what the heck? Myth lang si Cupid at Psyche! I was still on High School nung tinuro yan.

"Is this some sort of good time? Kasi, nakakatawa talaga!"

I laughed again. Pero napansin kong seryoso siya. Kaya pinilit kong magseryoso na rin.

"Kung ganoon ay tama nga si ina. Nakakatakot sa mundong ito, sa mundo ng mga tao.."

Eh? Seryoso?

"Saan ka ba galing? Tao ka rin gaya namin!"

Umiling siya.

"Hindi ako tao, ganoon ka rin. Ikaw si Psyche! At hindi ka dapat nasa mapanganib na mundong ito! Kailangan na nating umalis.. Wala ka bang naaalala?"

Ang creepy naman nito...

"Una sa lahat, wala akong alam sa mga sinasabi mo. Hindi totoo ang mga Greek Gods and Goddess. Mitolohiya lang sila. At panghuli, ang naaalala ko lang, tinulungan kita at---"

Inilapat niya ang kanyang mga palad sa aking magkabilang pisngi at tumitig sa mga mata ko.

"Ipaaalala ko sayong muli kung sino ka, at kung sino ako.."

Mula sa mga mata niya, nakikita ko ang isang napakagandang lugar.

Naroon ako! At magkasama kami.

Bakas ang mga ngiti sa aming mga labi.

Ngunit may babae, napakagandang babae. Kita ko yung galit sa mga mata niya.

Pinaglayo niya kami.

Ngunit, patago kaming nagkikita sa gitna ng gabi. Sabik na niyayakap ang bawat isa.

Hanggang sa may naramdaman akong sakit sa bandang puso ko, ganun din ang babae sa aking nakikita.

Naramdaman kong napaluhod ako sa sakit..

Muling nagpakita ang babae..

"Pumili ka Cupid, mamamatay siya, o mabubuhay siya ngunit hindi ka na niya maaalala?"

Nakatingin ang laki sa katawan ko na naghihingalo na..

"Patawad.."

Muli akong nanumbalik sa reyalidad.

"Ako nga si Psyche.."

Hindi makapaniwalang tumingin ako kay Cupid.

"Pinili kong mabuhay ka, Psyche. Ngunit hindi naging masaya si ina. Kaya ka niya ipinatapon dito.."

Napatango ako. Naalala ko na.. Hindi ako gusto ng Diyosa para sa kanyang anak.

"Pero nahanap mo ako, Cupid.. Lalong magagalit ang iyong ina."

"Hindi na. Tanggap na niya ang pagmamahalan natin. Ayaw niyang makita akong nababaliw sa kahahanap sayo sa mundo namin, kaya pinayagan niya akong lakbayin ang mundong ito para mahanap kita. At ngayon, sa tingin ko'y kailangan na talaga nating bumalik. Maraming naghihintay sa iyo.."

Nag-alangan ako..

"Hindi ganoon kadali iyon. May pamilya rin ako sa mundong ito. At hindi ko pwedeng iwan sila.."

Ngumiti siya.

"Naroon na sila.."

"Ano? P-paano?"

"Tingin ko'y sila ang mga alagad ni ina na inutusan niyang bantayan ka, at nakakausap ko rin sila gamit ang aking isip. Ano, halika na?"

Tumango ako.

Gumawa siya ng bilog sa hanging at maya maya pa'y tumawid na siya doon.

"Ito ang portal pabalik sa atin. Halika na, mahal ko."

Tuluyan na akong sumama sa kanya pabalik kung saan ako nagmula.

-End

©Keyrot_bongie | Kath Xu

SEVENTEEN IMAGINES •COMPILATION•Where stories live. Discover now