50. Dokyeom & You

259 10 0
                                    

|xudieytism17🌈|
-

Wala ka nang ibang mahihiling pa kapag natamasa mo na ang minimithi mong makamtan na nagdudulot sayo ng kasiyahan.

Mayroon kang masayang pamilya.

Mayroon kayong payapang pamumuhay.

Mayroon kang trabaho kung saan ika'y dalubhasa.

At mayroon kang kasintahan na karamay mo sa lahat.

"Ang sarap balikan ng mga ala-ala"

Sambit ng isang babaeng nakahiga sa damuhan sa gitna ng gabi na ranging buwan lamang ang nagbibigay liwanag.

Napangiti siya. Naalala niya pa ang huling beses na maligaya siya. Naalala niya rin ang pagseselebreyt nila ng 'anniversary' bago mawala ang taong 'yon sa kanya.

Maya maya pa'y naging maingay at makulay ang kalangitan nang gabing iyon.

"Akin ka na lang, pwede ba?"

Basa niya sa mga salitang nabuo noong pinaputok ang mga fireworks.

Nagbalik sa kanyang ala-ala ang nakangiting mukha ng kasintahan. Masaya silang nagtatawanan. Bago maging sila'y, ganoon din ang ginawang sorpresa ng kasintahan sa kanya.

Ngunit sabi nga nila, hindi lahat nang nasa'yo sa ngayon ay permanente, mawawala rin 'yan.

Pilit siyang ngumiti.

"Totoo nga. At nangyari pa sa akin."

Hindi niya naman alam na mismong kaibigan niya pa ang ta-traydor sa kanya.

Ang tanging kaligayahan niya ay kinuha sa kanya. Ginayuma. Binura ang mga ala-ala patungkol sa kanya. Isang itim na mahika na kahit kaila'y di niya naisip na magagawa ng dating kaibigan.

Noong una'y akala niya, palabas lang ang lahat at nagbakasakali na isosorpresa lang siya ni Dokyeom, ang kanyang kasintahan, at ginamit lang ang kaibigan.

Ngunit mali siya. Isa palang mangkukulam ang kaibigan na lubos niyang pinagkatiwalaan. Habang nagsasaya sila ni Dokyeom nung araw ng anibersayo nila, gumagawa na rin pala ng paraan ang kaibigan para mapasakanya ang lalaki.

At nagtagumpay ito.

Gabi-gabi'y nagmumukmok siya at umiiyak. Kasabay pa noon ang pagpanaw ng mga magulang dahil sa aksidenteng nangyari sa barkong sinasakyan.

Patong patong ang sakit, poot, at pighati sa kanyang puso. Kaya naman, binalak niyang gumanti.

Galit siya sa mundo, sa lahat.

Nagpaturo rin siyang mangkulam bilang paghihiganti sa dating kaibigan.

Laking pasasalamat niya nang magtagumpay siya. Napatay niya ito at naisip na wala na siyang kaagaw kay Dokyeom, mababawi niya na ito.

Ngunit nabalitaan na lamang niya kinabukasan na nagpatiwakal si Dokyeom dahil sa pagpanaw ng kasintahan nito.

Kaya nama'y bagsak balikat siyang umuwi at pinagsisihan ang lahat.

Kaya ngayong kasalukuyan, pilit niyang hindi isinasa-isip ang pagiging sakim niya sa pag-ibig.

"Kung tutuusin ay dapat matuwa ako, pero hindi. Patawad mahal ko, patawad Dokyeom.."

Naiyak siya at napagpasiyahang tumayo na. Lumapit siya sa isang puno kung saan niya binitin ang isang lubid sa baba nito ang apoy.

Tumungtong siya sa isang mapapatungang kahoy bago isinuot ang ulo sa nakabiting lubid.

"Hintayin mo ako dyan mahal ko. Ikaw ang buhay ko. Kung wala ka'y, dapat mawala na rin ako.."

Lumambitin ang kanyang katawan kasabay ang pagkalat ng apoy sa kanyang katawan.

Muling tumulo ang luha sa kanyang mga mata bago tuluyang mawalan ng malay dulot ng pagsikip ng lubid sa kanyang leeg at unti-unting pagkasunog ng kanyang katawan.

|E N D|

©Keyrot_bongie | Kath Xu

P.S. Ang lame HAHAHAHA

SEVENTEEN IMAGINES •COMPILATION•Where stories live. Discover now