Chapter 65 - Balker Sisters

738 11 0
                                    


Hi everyone...

Sa mga team Balker. This is Balker sister's chapter. Enjoy...

Maiu P.O.V

"Thanks sa pag hatid. Gusto mo bang pumasok muna sa loob.?" tanong ko pag kababa namin ng kotse niya. Nasa tapat na kami ng bahay namin. Madilim na din alasyete na din kasi ng gabi.

"Sige." sabi niya. Pumasok na kaming dalawa sa loob. Siya na din ang nag bukas ng front door. Ngumiti ako at pumasok na lang.

"Ate....!!!" Napatingin ako ng masama sa salas namin ng makita ko si Maven.

Sigaw ang salubong niya sa amin.

Para naman siyang natauhan ng makita si Kailer sa likod ko.

"Kailer. Magkasama pala kayo.? Bakit kayo mag kasama.?" tanong ni Maven. Turo turo pa kaming dalawa.

"Bakit bawal ba.?" tanong ko sa kanya.

"Hindi naman. Good for you nga eh. Approve na ate ang buhay ah." parehas silang natawang dalawa ni Kailer doon.

"Sila Mom and Dad?" tanong ko.

"Parating na sila mamaya." sagot niya at tatawa tawa pa rin.

"Mag papalit lang ako bala kayo diyan." sabi ko sa kanila at naglakad na papunta sa may hagdan.


"Sumama kana Kailer dali." sabi ni Maven at tinulak pa si Kailer papunta sa akin.


Ang mokong malande, nag patulak kaya nadanggil ako. Napahawak tuloy sa bewang ko.


"Yeiiiihhhh." kilig na asar ni Maven. Ramdam ko naman na namula ako.


"Tsk. Tyansing ka." sabi ko at inalis ang kamay niya sabay irap. Pag katalikod ko naman at saka ako napangiti.


Tyansing oketss lang yan sa akin.

Pumasok ako sa kwarto ko at si Kailer naka sunod lang.


"Mint Green?" tanong niya ng makita ang kulay ng kwarto ko. Mint green,Black , White and Light pink ang kulay ng kwarto ko. Pero mas lamang ang mint green.

"Trip lang. Bakit may problema ka.?" tanong ko at nag deretsyo sa kabinet ko. Kinuha ko lang yung crop top hoodie na black jacket at maong shorts.


"Wala naman. I like the color. Good combination." sabi niya habang tinitingnan ang lamesa ko. Kung saan nakalagay doon ang ilang abubot. Not make up hindi doon naka lagay ang make up ko.

"Ano bang pinag kakaabalahan mo.?" tanong niya. Tumigil ako sa harap ng kama ko. Habang hawak pa rin ang damit ko.

"Wala. I dont like business kagaya ng kay Dad at Mom. Lahat naman kasi ng maisipan kong gawin ayun na lang ginagawa ko. Kung baga wala akong trip sa buhay. Pero may pangarap naman ako." sagot ko sa kanya. Tumingin siya sa akin.


"Anong pangarap mo.?" Tanong niya at naupo sa kama ko doon sa bandang gitna.

"Happy Family sa future ok na." sagot ko at ngumiti sa kanya. Hindi ko na lang pinakinggan ang comment niya at nag deretsyo na ako sa banyo.


Matapos kong mag linis ng katawan ay nag palit na ako ng damit. Nag lagay ako ng lotion kahit na hindi naman ako nag lalagay sa gabi. Nakapag lagay na rin ako kanina. Nag cologne din ako. Yung sweet lang ang pinili ko. Nag lagay lang ako ng light na lipstick at pulbos.

Tiningnan ko ang sarili ko. Ok namang tingnan. Hindi naman ako panget. Hindi rin ako magiging panget. Hehehe.


Hindi na din ako nagtali ng buhok ko. Lumabas na ako ng banyo at tiningnan kung anong ginagawa ni Kailer.

Love LimitWhere stories live. Discover now