Chapter 36- Ice Cream

872 12 0
                                    

Sharey P.O.V

"Mom. Saan ko 'to ilalagay?"

Tinutulungan ko si Mama sa pag aayos ng cupcake na idedeliver niya.


Sabi ko naman sa kanya noon na kumuha na lang kami ng driver para hindi na din siya mahirapan.

"Diyan sa Pink na box, anak." ginawa ko naman yung sinabi ni Mama.


Bigla rin namang may nag doorbell.


Bubuksan ko na sana ang pinto kaso nauna na si Manang, binuksan na niya ang pinto. Nasa kusina kami ni Mama kaya hindi naman namin nakita ang dumating.


Hindi ko naman inaasahan na may bisita pala kami.


"Ma, may alam ka bang bisitang dadating ngayon?" tanong ko.


"Wala, anak."

Nagpatuloy na lang kami sa pag aayos ng cupcake. Nilagay ko ang cup na anim na nakalagay sa maliit na kahon, at nilagay sa malaking pink na kahon naman.

^_^

"Sharey hija, may bisita ka." sabi ni Manang at nakangiti pa. Umagang umaga naman sino namang bisita ko?


Nagkatingin muna kami ni Mom. Bago ako naglakad papunta sa  salas.


The hell!! Anong ginagawa niya dito?.


"Hi!"


Bati niya sa akin. May dala siyang boquet of flowers.


"Abah, Kael ikaw pala yan. May dala ka pa talagang bulaklak." nakangiting sabi ni Mama.



Para sa akin ba yung bulaklak. Bakit naman niya ako bibigya---



"Para sa inyo po." sabi niya sabay abot ng bulaklak kay Mama.


Akala ko sa akin.

>_<

"Nako nag abala ka pa talaga. "sabi ni Mama at parang kinilig pa. Matanda kana mom para sa kanya.


Baka sila pa mag katuluyan ha.


"Anong ginagawa mo dito.?" tanong ko sa kanya. Kahapon lang nung sinabi niyang mahal niya ako ah. Eto na naman siya?


"Binibisita ka." sagot niya.


"Sige, maiwan muna namin kayo. " sabi ni Mom at bumalik sila ni Manang sa kusina.


Nakatingin lang ako sa kanya. Siya din ganun. Parang nagrarambol na ang puso ko ngayon.  Tingin palang niya nakakalusaw.  Tsk, Sharey umayos ka! Hindi iyan nakakatuwa.


"Hindi ba tayo uupo?" tanong niya nang nanaig ang katahimikan at titigan namin. Natauhan naman ako kaya sinabi ko na maupo na kami.

"A-ayos lang ako." sabi ko. Kabibisita lang kasi niya kahapon, eto na naman siya.


"About yesterday..." tiningnan niya muna ako bago magsalita ulit. "Seryoso ako dun Sharey. Gusto kong ok tayong dalawa gusto kong malapit ka sa akin. Nababaliw na ako pag hindi kita nakikita."

Totoo ba talaga yung mga sinasabi niya? Sana naman naisip niya agad yun bago ako maaksidente. Sana narealize niya muna lahat bago siya nag file ng annulment.


"Alam kong hindi mo agad ako mapapatawad, pero please, sana payagan mo akong nasa tabi mo. Itatama ko lahat ng maling ginawa ko. Please just let me stay in your life." sabi niya. Seryoso nga siya sa pinag sasabi niya. Hindi niya inaalis ang tingin sa akin.

Love LimitWhere stories live. Discover now