Chapter 62 - Confessions

880 15 0
                                    

Maiu P.O.V

Nag tampo ako kay Alyeri dahil ngayon lang niya sinabi sa amin na engage na pala siya. Wala namang problema sa akin kung si Xeno ang papakakasalan niya.

Alam ko naman na mabait si Xeno kahit cold type. Tapos si Sharey naunahan pa din ako.

Huhuhuhu..

Lumabas ako ng kubo ng mapaltan ang kanta ng smooth. Wala naman akong isasayaw kaya baka ma op ako.

Tumayo ako sa may balconahe at nilagay ang mag kabilang kamay ko sa kahoy na hawakan.

May nakapulupot doon na mga dahon na parang lubid. Mabilis na pinaandar ni Kailer ang kotse niya papunta dito. Pati na din ang iba naming kasama.

Boys lang ang may alam ng plano na ito. Saka lang namin nalaman nung naandito na kami. Tulong tulong kami sa pag aayos ng tree house na ito. Kung ano ano pa nangyari said amin dito .

Napabuntong hininga ako at napatingin sa mga bulaklak na makulay sa baba.

Sana bulaklak na din ako. Para naman kahit anong tumamang bagyo sa akin meron pa ring mag tyatyagang alagaan at patubuin ulit ako.

Huhuhu...

Pero naisip ko... Panong may mag aalaga sa akin kung merong mas magandamg bulaklak kesa sa akin.

Sabi nila fair ang lahat. Pano naman yun mangyayari kung ako walang love life. Anong fair dun? Ano!? Ano?!


Napailing na lang ako at hinawakan ang batok ko ininat-inat ko yun habang nakapikit.

'Meron naman nasa paligid lang.'

Natigilan ako sa bilang naisip ko. Isang lalake lang ang pumasok sa isip ko.

Napairap naman ako.

"Tss... Pogi nga masungit naman. Tss... Crush ko lang muka niya hindi ugali niya." imik ko sa sarili ko.

Pogi naman kasi talaga si Kailer. Pero kasi yung ugali niya nakakainis. Lagi na lang niya akong iniinis. Nakakapikon na siya. Lalo rin akong naiinis pag mabait naman siya sa akin. Kakaiba kasi, at ayoko ng kakaibang pakiramdam na yun.



"Hindi naman kita irereject kung umamin ka sa akin mismo." napatalon ako sa gulat ng umimik si Kailer sa tabi ko.

"K-kanina ka pa diyan.?" tanong ko.

Tumingin siya sa akin ng nakakunot dahil sa araw. Ngumisi siya at tumango.

Napakamot ako sa gilid ng batok ko.

'My god nakakahiya Maiu.'

Natahimik na lang ako. Pero nag sink in sa akin yung sinabi niya.

Tumingin ako sa kanya at tinuro turo siya.

"Kapal mo rin eh no?!. FYI panget hindi ikaw ang tinutukoy ko noh." sabi ko sa kanya.


"Kung hindi ako, so si Xeno." Tanong niya. Nakangisi pa din siya.


"Lalong hindi si Xeno." sagot ko.

Huminga siya ng malalim at nag iwas ng tingin. Tahimik kami parehas.

"Do you like me.?"

Bumilis ang tibok ng puso ko ng tanungin niya ako. Hindi ako tumingin sa kanya. Manghihina ako kung titingnan ko siya. Lalo nat ramdam kong nakatingin siya sa akin.

Love LimitUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum