Chapter 59 - Nightmare

784 16 0
                                    

Sharey P.O.V

Nakatingin lang ako sa bintana at nakasilip sa labas. Tahimik lang ako sa likod ng kotse ni Kailer. Si Ate Maiu ang nasa tabi niya.

Hindi rin naman sila nag uusap na dalawa. Tinuon ko na lang ang tingin ko sa labas. Gabing gabi na at hindi ako dinadalaw ng antok.

Siguro dahil sa ang daming nangyari ngayon. Una yung ngayari sa isla nina Kael. Pangalawa yung kay Mom. Tapos itong 'Mer' pa at yung Ken .

Pano nila nagawang patayin ng ganun na lang ang kaibigan nila. Mukang mabait naman siya.

"Pinag bibigyan kita kasi gusto kita."

Napapikit ako ng maalala ko yung sinabi ni Ken sa akin. Kaya niya ba ako pinatakas tahil gusto nga niya ako.


Ang gulo na... Kasalanan ko kung bakit siya namatay. Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit ng ulo.



"Sharey, ok ka lang ba.?" tanong ni ate Maiu sa akin.


Tumango ako at saka nag mulat ulit at tumingin sa labas.

"Ayos lang ako.." sagot ko.

-

Nakaramdam ako ng pagkasabik at awa ng makita ko si Kael na nakaupo sa hopital bed at hawak ang ulo niya. Si Mom naman at naka tayo sa tabi niya.

"Mom. Kael." tawag ko sa kanila.

"Sharey, anak." tawag sa akin ni Mom at mangiyak ngiyak na niyakap ako.

"Mom, im scared..." naiyak na din ako at yumakap ng mahigpit sa mama ko.


Bumaling ako kay Kael na nakatingin sa akin. Humiwalay ako kay Mom ng yakap at agad na lumapit kay Kael.

"Lalabas lang kami." sabi ni Mom at umalis na. Lumabas na silang lahat at kami lang ni Kael ang naiwan dito sa loob.



"Sharey." agad namang nag tubig ang mata ko at niyakap agad siya.

"A- ouch..." daing niya pag kayakap ko. Napalayo agad ako at nakita kong hinawakan niya ang tagiliran niya.


"Mygod.. Im sorry Kael... Hindi ko sinasandya masakit pa ba.?" tanong ko sa kanya.


Nakatitig lang siya sa akin at nakangiti.


"Kael, naman. Masakit pa ba sorry hindi--."

Napapikit na lang ako dahil sa biglang halik niya sa akin. Buo iyon ng pag kasabik. Gumapang ang kamay niya sa bewang ko at mas nilapit pa ako. Hindi ko naman na siya pinahirapan at ako na mismo ang lumapit.


Kinapit ko ang mag kabilang braso ko sa leeg niya. Patuloy lang ang halik niya sa akin. Nauubusan na din ako ng hininga.

Kaya bumitaw na ako. Dinikit ko lang ang nuo ko sa nuo niya. Hahalikan pa ulit sana niya ako pero hinarang ko na ang kamay ko sa labi niya.


"Hindi na ako makahinga." sabi ko sa kanya.

Natawa naman siya. Niyakap niya ako at binaon ang muka sa may balikat ko. Ramdam ko ang init ng hininga niya doon.


"I miss you and I love you."


Napangiti ako sa sinabi niya. Niyakap ko siya pabalik. Nanatili lang kami sa ganong posisyon.

"Mag pahinga kana." sabi ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin.


"Mamaya na gusto pa kitang makasama." sabi niya sa akin.


Love LimitWhere stories live. Discover now