Chapter 2- Kalimutan

1.6K 33 1
                                    

Sharey P.O.V


Matapos ang nangyari hindi na ako makapag isip nang ayos. Buti na lang naka uwi na ako. Matapos ko'ng nakapag bihis sa banyo ng lalakeng iyon, deretsyo na akong umalis sa kwarto niya.  Ramdam ko pa ang mga tingin niya sa akin.  Naka-upo lang kasi siya sa may uluhan ng kama niya. Pinag titinginan ako ng ibang maid habang palabas ako.  Grabeng kahihiyan iyon. Ang tanga tanga ko kasi... Bakit ako nga pabaya.



●_●


Nang makarating sa kwarto ko ay agad akong dumeretsyo sa banyo para maligo.


"Wala na akong nararamdamang masakit." sabi ko sa sarili ko. Maliban sa katawan ko na masakit pero sa ano ko... hindi ko masabi ng ayos pero namamanhid. Kung may nangyari man sa amin... Doon na lang iyon. Sana lang wag na kaming mag kitang dalawa.


Napabuntong hininga ako saka ako napailing. Napatingin din ako sa pinaghubadan ko. Wala akong nakitang dugo sa underwear ko.



'Siguro nga binanas lang ako kaya ako nag hubad diba? Sige, Sharey kumbinsihin mo lang ang sarili mo na wala talagang nangyari sa Inyo'



"Walang nangyari Sharey. Kalimutan mo na lang lahat." Forget everything. Tumango tango ako sa naisip ko. Tama tama kalimutan na lang talaga.


Matapos kong maligo nagpahinga ako at nahiga sa kama ko. Pilit kong inalala kung anong nangyari kagabi. Kung nalasing ba ako? O sadyang kinidnap lang ako nung lalakeng yun. Ang huli ko kasing natandaan ay nag iinom ako. Pero wala naman akong matandaan na sumama ako sa lalaki'ng yun.'


~'Knock Knock.'


"Pasok." sabi ko nang marinig ko yung katok sa pinto.


"Sharey, I made cookies for you." Sabi ni Mama na may dalang trey na may lamang pinggan na may lamang madaming cookies.


"Thanks, Ma'." sabi ko at nilagay ni Mama yung trey sa higaan ko.


"Sorry sa pag papaalala ko sa inyo, Ma. Hindi na po mauulit." Paghingi ko nang tawad sa Mama ko.


"Ok lang anak, ang mahalaga naandito kana. Mag pahinga ka na lang." Sabi ni Mama at tinapik ang balikat ko.


I'm so thankful to have a mom like her...  Kahit lumaki ako na walang ama lagi niyang sinasabi sa akin na mahal ako ng Daddy ko. Nag tatanong ako kung ano bang nangyari kay Dad at bakit napag kamalan siya at siya ang nabaril. Hindi ko kasi maintindihan. Dahil ba sa politiko? Kung sana hindi napag kamalan si Dad siguro masaya pa kaming pamilya.



"Ma? Naandyan paba sina Maven at Iva?" Tanong ko kay mama bago sya umalis.


"Oo anak, papasukin ko ba sila dito? Alalang alala din ang mga yun eh."


Love LimitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon