Chapter 8- Ailith

1.1K 23 3
                                    

Sharey P.O.V

"Kuya maganda naman sya ah.. Siguradong pogi o maganda ang magiging pamangkin mo."

"Tumigil kanga Keiji baka magising to."

"Totoo naman ah."

"Hindi ko alam kung pano ko sya pakikisamahan. Mag kaaway na kami niyan. Galit siya sa akin kasi ni'rape ko 'daw' siya."

"Panagutan mo 'to, Kael, wala ka na namang magagawa ikaw na rin mismo ang nag sabi na ikaw ang Ama. "

Nagising ako sa inggay nang tatlong lalake. Ang ingay nila natutulog ako. Pero teka may lalake sa kwarto ko?

Pinilit kong magmulat. Nasilaw ako dahil sa liwanag habang nag tatagal at lumilinaw na din.

"She's awake."

Tiningnan ko kung sino ang nag salita. Gwapo s'ya or should i say sila.

"Sharey, anak ayos kana ba?" Tanong ni Mama. Ngayon ko lang na realize na nasa hospital pala ako. Bumalik sa isip ko na nahimatay pala ako kanina dahil sa sobrang pagkahilo.

"What happen to me, Mama?" I asked my mom. Nginitian niya ako at hinawakan ang kamay ko.

Her smile... It's different... Parang sinasabi na may problema at natatakot siyang sabihin.

Kumalabog ang puso ko sa pumasok sa isipan ko na Baka may sakit ako. Ang mga araw na nahihilo at nag susuka ako ay baka may malubha ako'ng sakit.

"Nahimatay ka kanina anak habang nasa stage ka."

Nasa stage ako... Hawak ko ang diploma ko... Nasa harap ako ng maraming tao... Nakakahiya... Baka kung among isipin nila. Baka isipin nga nila na may malubha ako'ng sakit at mahawaan ko sila. Paano nga kung may sakit ako?

Mamamatay na ba ako?

Nabaling ang atensyon ko sa isang lalake'ng nag tanong sa akin, na anak ata ni adan. Baka nga nasa langit ako...

"Are you all right.?" Someone ask me. I think isa sya sa mga naririnig kong nag tatalo.

"Yes..." Sagot ko. Napatingin naman ako sa mga nasa loob nang kwartong ito. Nakita ko yung babaeng may katandaan pero maganda pa rin, parang tuwang tuwa na makita ako.

Kaidad lang siguro sya ni Mom. Katabi nya yung lalakeng asawa ata n'ya. Tama ito yung Mag asawang Scott na pinakilalang special guest kanina. Bakit sila naandito?

Paglingon ko sa kana ko nakita ko yung lalake kinaiinisan ko.

(✖╭╮✖)

"ANONG GINAGAWA MO DITO?!". Galit na sigaw ko sa kanya. Naninikip ang dibdib ko sa pag tingin pa lang. Sasabog na ata ito, bumibilis ang tibok.

"Anak maghinay hinay ka lang." Nilapitan ako ni Mom. Para pigilang masyadong gumalaw. Hinawakan niya ang mag kabilang siko ko.

Nag tatanong ang matang tanong ko. Idagdag pa ang nag asawang Scott na naandito. "Ma anong ginagawa nyan dito.?"

"Don't worry hija." tumayo so Mrs. Scott sa pag kakaupo sa sofa, katabi ang asawa at nilapitan ako. "Hindi mo na kailangang mamoblema kung pano lalaki ang anak mo na walang ama. Pananagutan ka nang anak ko." Nakangiting sabi sa akin nung babae. Hinawakan niya ang kamay ko at bahagyang pinisil.

Nangumunot ang nuo ko. Anak? Anong anak? Pananagutan? Sino? Anong pananagutan? Ibang lenggwahe ata ang narinih ko sa kanya.

"What are you talking about? 'Anak'? Sino po ba kayo? Sorry for being rude, but I don't know what are you talking about... " Tanong ko sa kanya. Napatingin ako sa tatlong lalakeng nasa kanang gilid ko. Pare parehas silang nakatingin sa akin. "At ano ba ito? May kasalanan ba ako? Iyang lalakeng iyan ho ang may kasalanan sa akin!"

Love LimitWhere stories live. Discover now