Chapter 55- Marrying her again

833 12 0
                                    

Sharey P.O.V

Habang ginagamot ni ate Alyeri sina Zarek ay biglang tumawag si Mama sa akin.

"Sagutin ko lang." sabi ko at pakita kay Kael ang cellphone ko.

Akamang tatayo na ako ng pigilan niya ako..

"Dito muna sagutin." sabi niya. Wala na akong nagawa kaya umayos na lang ako ng upo.


Sinagot ko na ang tawag.

"Sharey anak." bungad sa akin ni Mom.


"Mom how are you.?" tanong ko. Napapatingin ako kay Kael na nakatingin din naman sa akin.


"Ayos lang ako anak. Kamusta kayo diyan. Nag kamabutihan na ba kayo ni Kael?."


Hindi ko alam kung naririnig ni Kael ang sinasabi ni Mama dahil sa sobrang lapit naman niya sa akin.


"Ah... Ma.. kasi ano..." bumaling ulit ako kay Kael. Bumulong ako sa kanya ng... 'Di ko alam ang sasabihin ko'.


Nagulat ako ng kinuha niya ang cellphone ko. Pinindot niya ang loud speaker saka niya tinapat sa teinga ang cellphone ko.

"Hello tita this is Kael." kinakabahan ako baka kung anong masabing nakakahiya ni Mom.


"Kyaaa!... Nako.. Nako.. pasensya na ijo. Magkasama pala kayo. Naabala ko ba kayo.?" napailing na lang ako dahil sa bahagyang pag sigaw ni
mama..


Natawa naman si Kael saka bumaling sa akin. tapos nag iwas ulit .


"Hindi naman po. Sa totoo nga po ay pauwi na kami ." sagot niya.



Bigla ko namang natanong ang isip ko na. 'Sasabihin ko ba kina mama ang lahat ng ito?.'

I'm sure she'll freak out.

"Bakit ang bilis naman. Pero sige mukang enjoy kayo sa bakasyon ah." sabi ni Mama.


Umiling naman ako. Hindi mom nakakapanakit ulo itong panghuli'ng nangyari eh.

"Tita pwede bang mag ligpit na kayo ng mga damit niyo diyan. Lahat po ng gamit niyo."


Natigilan ako sa sinabi ni Kael. ''Sasabihin ba natin.'' bulong ko sa kanya.


Natahimik naman si Mama saglit.


"Haha bakit naman ijo may problema ba.?" tanong ni Mom.


"Uhm... W-wala naman tita. Nga pala tita hiningi ko ang kamay ni Sharey. Papakasalan ko na ulit siya." nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya.


Sadya niya pa atang nilakasan para marinig ng iba. Napatingin sila sa amin. Binigyan nila kami ng nangaasar na tingin.


"Talaga ijo.? Nako akong oo'ng oo ako. Excited na akong mag ka apo. Kelan ba ang kasal.?" tanong ni Mama.


" Tita pag iisipan pa po namin kung keilan." sagot niya dito.

"Nako sige sige aayusin ko na ang gamit namin ni Sharey."

Binaba na ni Kael ang cellphone ko at tumingin sa akin ng nakangiti bago ibalik sa akin ang cellphone ko.


"Speechless." sabi niya. Napailing ako bilang sagot.


"Uhm... Nabigla ba kita doon sa kasal.? Kung gusto mo hahanap na lang ako ng tamang tyempo para mag propose." ngumiti ulit ako ng mapait sa kanya saka siya tiningnan.


Love LimitWhere stories live. Discover now