Chapter 34- Only Brother

889 14 0
                                    

Sharey P.O.V

Nasa bahay sina Iva at Maven. Hindi sila makauwi kasi may bagyo. Biglaan ang lakad ng ulan kanina.

Nagpumilit pa nga sana si Maven na umalis kasi masama daw ang pakiramdam ni Ate Maiu. Pero si Breilla na daw ang gagawa ng paraan.

"Kelan kaya titila 'to?" Tamong ni Iva habang nakatingin sa bintana, tinitingnan ang malakas na ulan sa labas.

"Si Breilla na daw bahala kay Ate kaya chill na lang muna ako. Ano pwede nating gawin?" tanong ni Maven. Naka pag-chill agad nga ang babaita.

"Maliban sa Movie marathon wala na tayong pwedeng gawin. Mag gagabi na din naman kasi." sabi ko.


Yung pinto pala namin nasira dahil ata nung pinilit buksan yun ni Kael. Napapaltan na naman yun ni Mama kanina lang. Pag kalabas ko din ng hospital hindi muna ako iniwan nina Iva at Maven kaya naabutan tuloy sila ngayon ng Bagyo.



"Sige ba, tara na. Horror tayo." sabi ni Maven. Nag punta na siyang kwarto ko.

"Ma, Tawagan mo na lang kami pag dinner na ah." sabi ko kay Mama na nasa loob ng sana daw office ni Dad. Nililinis na naman niya yung mga gamit duon.

"Sige anak.Mag enjoy muna kayo." sabi ni ni Mom habang nakasilip sa may pinto.

-

"WAHHHHHH."

"Umalis ka dyannnnn."

"Ayan naaaaa bilissss."

"Magtago ka magtago kaaa."

"Nasa likod mo naaa..."

Grabe talaga itong si Maven nag yaya na manuod ng Horror eh takot na takot naman. Nadadala tuloy ako sa kakasigaw niya.

"Ang ingay mo naman Maven. Paltan na nga lang natin." sabi ni Iva akma na niya itong papatayin ng pigilan siya ni Maven.

"Patapos na naman wait." sabi niya at tinuon ang atension sa Tv. Nag tataklob pa siya ng kumot ko dahil sa takot. Nakatayo lang si Iva sa tabi ng tv. Pinapanuod si Maven na sobrang takot. Ako nakaupo lang sa sofa ko nagkatinginan naman kami at parang kambal ang utak namin kasi may naisip agad kami.

Pasimple niyang tinuro ang cr ko. Kaya nag punta kami dun.

Tatawa tawa ako habang sinasara ang pinto at iniwan si Maven na nanunuod duon mag isa.

"Takutin natin siya." sabi ni Iva.

"Mag papanggap akong white lady." sabi ko sa kanya kumuha ako ng malaking tuwalya at tinaklob sa akin.

"Wahhhh.... Takbo daliii!" tili ni Maven. Nanunuod pa rin siya.

"Patapos na yung Movie saka natin siya takutin pag tapos na yung Movie." sabi ulit ni Iva.

Hahahaha... Sisigaw na naman yun sa sobrang takot.

Wala na rin naman kaming narinig na inggay kaya lumabas na kami. Medyo nag tago pa ako.

"Nasaan na yung dalawa?." tanong niya nasa kama ko pa rin siya at nag tataklob ng kumot.

"Sharey..? Iva.? " tawag niya sa pangalan namin ni Iva.

"Awooooooo." nag simula na akong manakot at nag pakita sa kanya.

"Wahhhhh... Multo lumayo ka." sabi niya at nag taklob ng kumot.

Tinanggal ko ang kumot niya sa paa at hinawakan yun.

"Wahhhh! Cy help me! May multo dito sa bahay nina Sharey. Minumulto na ako!" sabi ni Maven kaya tinggal ko na agad ang kumot niya. Sakto ring binuksan ni Iva ang ilaw.

Love LimitWhere stories live. Discover now