Chapter 29 - Drunk

901 16 3
                                    

Maiu P.O.V

Nakikipag sayawan lang ako kahit kanino dito. Wala eh wala akong partner hirap ng walang love life.

→_→

Ang dami ko namang manliligaw pero wala akong mapili. Hindi sa pag bubuhat ng sariling bangko ah. Maganda naman talaga ako. Syempre pogi ang kelangan ko.

Pero bullsh*t lang, walang pogi dito sa bar. Kanina kasi ng sabihin sa akin ng kapatid ko na nag aya ng bar si Sharey ay gora na ako. Though, iniisip ko kung Ok na babae talaga siya.


Medyo may tama na din ako ngayon. Bawal akong Mag inom, I mean pwede naman kaso pag may hangover! I feel like I'm dying. Pero gusto ko lang mag liwaliw today. Mag inom, makipag sayaw, harutan, Ganun. Ok lang pag may nagtangka'ng manggahasa sa akin. Gigilitan ko na lang sila ng ulo.

(^0^*)

Sweyyyy.... Swey there Sweeeyy here Sweyyyy everywhere. Nadadala lang talaga sa tugtog. Sino bang DJ dito pinagsasamantalahan ata ako dahil sa tugtog ah.

"Hi, miss, mag isa ka lang.?" Tanong nung lalake sa akin. Hinawakan ko naman ang bandang palikat nya. Sumayaw ako sa harap nya. At sya Feel din.
Gwapo naman ata ito dahil ang manly ng boses.

"Hindi. Ang dami tao dito sa dance floor bulag kaba?" Tanong ko sa kanya. Kunwaring nag bibiro lang. Kaya ngumiti ako.

Tumawa lang siya at hinawakan ang bewang ko. Sumayaw lang kami ng sumayaw.

Tumagal ang sayawan namin at nag iikot na ang mga kamay niya. Hindi ko siya pinigilan dahil hilo na din ako at gusto ko lang na sumayaw. Hinayaan ko din na inaamoy na niya ang leeg ko, mas lalo pa akong nilalapit sa kanya.

Nakiliti ako ng dumampi ang labi niya doon. Parehas kaming natawang dalawa. Nilayo ko ang muka ko at sumayaw pa din pero binitawan ko na siya.

Pag bitaw ko sa kanya ay may bigla ding humila sa braso ko. Gulat ako doon kaya kinunutan ko ng nuo kung sino man iyon.

"Pre, ikaw na naman pati ba naman siya kukunin mo sa akin?!" Sabi nung kasayawan ko sa humawak sa braso ko.

"Get lost, again!" Madiing sabi nito sa lalaki. Pinag diinan pa yung salitang again. Walang nagawa ang lalake at umalis na. Sumimangot pa ito at nag mura ng masasamang salita.


"What? Maghanap ka ng lang ng kasayawan mo! Aalis na ako bye!" Nilingon ko ang lalaking nakahawak aa braso ko at iritadong tiningnan. Inalis ko ang braso ko sa kamay niya.


"Magagalit sayo niyan si Kuya." Sabi niya sa akin, seryoso at nakakunot ang nuo.

Tinuri ko ang dibdib nya. Tinusok tusok ko iyon ng madiin. Nasasaktan din ang kamay ko dahil matigas naman ang dibdib niya.

"Eh di magalit siya. Pake ko ba? Kasalanan niya eh wala siya dito. Wala tuloy ako kasayaw." Sabi ko sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay at mapungay ang matang tiningnan siya.

Tinuro ko ang labi nya.

"Hahahaha bading ka pala Kael..." tumatawang sabi ko sa kanya nang may mapansin ako doon.

"What.!?"inis na tanong niya.

"May lipstick ka kasi Hahaha." sabi ko at tawa pa rin ng tawa. Kahit lasing na ako malinaw naman kahit papaano ang mata ko.

Hinawakan niya ang labi niya at tiningnan kung may lipstick.

"Bading ka pala. Hahaha kaya siguro hiniwalayan mo si Sharey... Tsk.. Tsk.. Tsk... Mahal ka pa naman niya kaso iniwan mo lang basta." Umiling iling pa ako na talagang disappointed sa ginawa niya. Sharey is my friend. He hurt my friend. Mag sama sila ng kuya niya.

Love LimitUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum