Chapter 13 - Teddy Bear

1K 26 10
                                    

Cyler P.O.V

Matapos naming makatanggap nang sulat galing sa 'Petros'. Syempre nag hahanda na kami pero yung tipong chill lang paminsan minsan. Matindi nila kaming kalaban, oo 'nila'. Bobo din sila kasi may pasulat sulat pa sila. Yan tulo'y naghahanda na kami sa pagbabalik nila.

Nag suggest pa nga si Khrint na mag pa fiesta. Maghanda daw eh. Kaso joke lang n'ya yun. His kind of crazy. Crazy shit.

(。ŏ_ŏ)

"Cy, sibat na din ako ha? Hinahanap na ako nina mama. May dinner kaming magpipinsan eh." Sabi ni Khrint, nasa Mall kami at kakapunta lang namin ng game zone nila Magg. Namilit pa nga si Khrint na mag kwento tungkol sa nangyaring date nina Magg at ni Sharey.

'Matakaw ang babaeng yun.'

'Mabilis magalit.'

'Madaldal'.

Yan ang mga sinabi n'ya. Meron pa, kaso diko na matandaan. Sabi ko naman syempre buntis yun kaya ganun. Reklamo naman n'ya eh kung kasama ba sa pag bubuntis ang madaldal.

Nag iinarte lang naman si Magg, as if hindi pa siya sanay sa ingay ni Khrint?

Nauna na din si Kael. May importante daw syang pupuntahan. Ako lang mag isa, wala ako kasama..tsk.

Naka kita ako sa isang restaurant malapit dito sa tayo ko. Sa tingin ko hindi sya restaurant mismo, Hindi masyadong sosyal. Pangalan lang talaga nang kainan na to ay 'Restaurant' .

Pumasok ako sa loob at nag order, madami dami din ang tao dito sa loob. Naghanap ako nang mauupuan. Nahagip nang mata ko si Maven, mag isa lang syang kumakain . Hindi na ako nagdalawang isip na lapitan sya.

"Excuse me."

"Oh Cyler, anong gimagawa mo dito.?" Tanong nya.

"Kakain ako dito." Nakangiting sagot ko. "Mag-isa ka lang.?"Tanong ko.

"Dalawa ba ang nakikita mo sa akin?" Tanong niya at nilapit ang muka niya sa akin. Hindi ko alam kung asar ba sya o hindi. Nagulat pa ako sa paglapit nya pero syempre hindi ako umiwas.

Lumayo rin naman sya.

"Upo ka." alok nya sa akin. Ngumiti lang ako.

"Mag-isa lang ako. Ikaw may kasama ka.? Yun dapat ganun ang tanong mo." Sabi pa nya at parang ungas kasi nakanguso. Pero ang cute nya. Sa hospital ko lang siya nakita ng malapitan noon.

Noong sa mcdo kasi kinakausap siya nina Alwen kaya hindi ko masyadong napag tuunan ng pansin.

"Wala... Makiki-share ako nang table ha. Puno na eh. Hindi naman masama kung maki-upo ako diba?" Tanong ko. Tumingin naman sya sa loob at napatango. Merong bakanteng upuan pero iilan hindi ko naman kilala ang ilang nakaupo doon at si Maven na nilapitan ko dahil siya naman kilala ko.

"Ahhh Sige ako lang naman magi-sa dito eh." Sabi niya sakto ding dumatimg na yung order ko.

"Kaina na tayo." Sabi nya with smile pa. Maganda din pala sya. Sa simpleng pink crop top at high waist short ay Napaka simple. Hindi kagaya ng ilang mga babae na bibili lang o Mag gagala ay akala mo may party'ng nagaganap.

She's simple. I like it.

-

"Cyler!!! Ano ba ang daya mo ako dapat ang manalo.!" Reklamo ni Maven, madami na kasi akong points kalahati nang score ko ang score nya. Nasa game zone ulit ako. Nakikipag basketball ako sa kanya 1 on 1 kami.

"Magaling ako eh." Pagmamayabang ko.

"Wahhh.. gusto ko nung stuff toy kaya ako dapat ang manalo." Sabi nya napatingin tuloy alo sa kanya. Nakatuon lang ang paningin nya sa nilalaro nya. Gustong gusto niya kasi yung stuff toy na malaki. Nagpustahan kami kung sinong mas pinaka madaming mapalanunan na game sa kanya yung stuff toy.

Love LimitWo Geschichten leben. Entdecke jetzt