Chapter 25 - Surprise gift

896 19 0
                                    


Kael P.O.V

Nakaayos na lahat para sa party nina Mom and Dad. Ok na din yung ibibigay na surpresa ko kay Sharey. I'm excited to give it to her. Personalize pa iyon. Fuck! I'm nervous and excited to see her.

Kinuha ko sa bulsa ko ang kulay violet na nag mamaroon na kahon. Pimagmasdan ko iyon at napangiti na lang.

'Matutuwa ka kapag nakita mo to.'

~_~

Tinago ko ulit ang kahon sa bulsa ko at hinanap sya. Hindi ko siya nasundo kanina dahil dumeretsyo na ako. Hindi ko din maayos ang surpresa ko pag nasundo ko siya.

Nakita ko naman si Mom Risha. Nakangiti ito habang nakikipag usap sa ibang tao. Tiningnan ko kung kasama nya si Sharey pero wala pa rin sya.

Dapat pala sinundo ko na lang sya.

"Kael!" Masayang bati sa akin ni Maven kasama si Cy.

"Si Sharey nasaan nga pala?" Tanong ko.

Napalingon lingon naman sya sa paligid. Nasa gitna lang naman kami ng hall at napapaligiran ng mga matataas na tao.

"Kasama na namin kanina eh. Hanapin mo na lang baka hinahanap ka o kaya nag hahanap ng pagkain... Alam mo naman pag buntis." natatawang sabi nya. Napangiti naman ako. Tumatakaw na nga yun. Hindi ko akalain na ang dami pala talagang kumain ng mga buntis.


"Oo nga naman, Kael. Hanapin mo na lang." Sabi ni Cy. Nginisian ko siya ng makita king gumapang ang kamay nito sa bewang ng babaeng Kasama niya. Wala lang ata iyon Kay Maven dahil nag ngitian pa sila.

"Sige salamat." Sabi ko sa kanila. Umalis naman silang dalawa. Ewan ko kung saan ang punta nila basta makita ko si Sharey, Ok na.

Sa ilang minuto ko na pag aantay ay nakakaramdam ako ng kaba. Madaming lalaki dito, baka makahanap siya ng iba.

"Hinahanap mo ba si Ate Sharey?" Tanong ni Keiji. Ate na lagi ang tawag nya dito. Close na silang dalawa. Mas gusto na atang Kasama ni Keiji si Sharey kesa sa amin ni Kuya Kailer.

"Nakita mo ba kung nasaan sya.?" tanong ko.

"Oo eh. Pumasok dun sa kabilang restaurant." Sabi n'ya at turo dun sa katapat naming restaurant.

Kahit naulan nakikita ko syang nakangiti ngayon. Salamin lang kasi ang dingding at kitang kita ang labas niyon. Ang mga sasakyan na dumadaan ay madami.

Lumabas ako dala ang payong ko. Hindi ko muna sya nilapitan at pinagmasdan ko muna sya.

May hawak syang payong at brown envelope. May tinawagan din sya sa telepono nya. Kita ko kung paano sya tumawa.

"Akala ko ba hinahanp mo si Ate Sharey bakit kay Ailith ka nakatingin?" Ismid Ni Keiji na nasa likod ko na, sumunod sa akin palabas.

Nag iwas ako ng tingin Kay Ailith at tiningnan si Keiji na nasa likod ko. Fuck! Oo nga Kael. Stop the shit of being two timer!

"Pupuntahan ko na sya. Kaso naandun din pala ai Ailtih." Sagot ko. Baka nga kasi nagutom si Sharey kaya nag punta doon. Pero may pag kain naman dito. Susunduin ko na lang siya doon. O Kahit sasabayan ko na sa pag kain.

Tiningnan namin si Ailith. May dumating na kotse at pumasok sya sa loob. Hindi kita dito kung sinong kasama nya pero hindi rin nagtagal umalis na din sila.

"Sino naman yung kasama nya?" Takang tanong ni Keiji.

"Kaibigan nya siguro tara na puntahan na---" natigilan ako nung makarinig ako ng nagkakagulo sa loob. Bigla ring tumatakbo palabas si kuya Kailer. Papalabas na din ang iba. Umiiyak na sina Mom At Mom Risha.

Love Limitحيث تعيش القصص. اكتشف الآن