Chapter 27- Lack

946 15 0
                                    

Khrint P.O.V

Nang maibaba ko si Alva sa sofa nila. Bumaba naman ang Ate nya. Nagulat pa sya nung makita ako pero ngumiti rin agad.

Kasunod naman nya si Xeno. Talagang galing silang kwarto ni Alyeri. Umii'score na naman si Xeno nito. Iba nga naman pag may girlfriend.

(^▽^)

Habang ginagamot ni Alyeri si Alva ay nag tanong si Xeno kung bakit daw kami mag kasama.

"Nakita ko sya'ng nag lalakad. May napansin akong lalakeng sumusunod sa kanya. Miyembro din ang lalakeng yun ng Petros." bulong ko sa kanya. Hindi pwedeng malaman ni Alva ang tungkol sa amin. Ate nya lang ang kabilang sa gangster at sa tingin ko walang alam duon si Alva. Ayoko din naman na madamay pa si Alva kung saan gulo ako naroroon.

"How do you say so?" Tanong nya.

"Siya na din mismo ang nagsabi. Nag bigay pa sya nga clue. S. O. N at L. E. Y. " sabi ko. Hindi ko rin naman alam kung ano ibig sabihin nun. Pero hindi ako mamatay kakaisip nun. Ano yung gagong 'yun sinuswerte? Hell!

"I dont know kung sino yung Sa. O. N and L. E. Y" sabi nya.

"Sabihin na lang natin sa iba." sabi ko.

"Wag muna ngayon. Kael is on pain right now."

Naalala ko naman bigla si Kael. Lagi na din syang umiinom at nag sisigarilyo. Nag iinom naman sya, pero sobra na kasi ngayon. Halos gawin niyang vitamins ang alak. At yung paninigarilyo niya na dalawa o tatlong beses lang sa isang buwan pero ngayon halos araw araw na. Paulit ulit nyang sinasabi pag lasing sya na...

'Nawala sila dahil sa akin.'

'Iniwan na nya ako.'

'Sharey mahal mo ba ako.?'

Paulit ulit na lang sya. Halos si Sharey lagi ang binabanggit nya.
Kung ako sa kanya susuyuin ko pabalik si Sharey. Hindi ko nga Lang maibabalik ang bata.

Kael is wasted. Hindi ko akalain na mag kakaganun siya.

Humalukipkip na lang ako sa gilid at tiningnan ang dalawang mag kapatid na babae.

Napatitig ako kay Alva. Nalala ko yung nahalikan ko sya sa gilid ng labi nya. Grabe jackpot yun...

:-)

Siguro naka tingin siya sa akin nun. Kasalanan ko ba naman na gwapo ako? Kaya pag harap ko nahalikan ko sya. Talagang umiwas s'ya agad. Ayan tuloy napako. Kaya ko nga siya nilapit sa akin para hindi nya maapakan yung pako. Sayang yung effort kong paghila sa bewang nya.

Gusto ko pa naman sana siyang itulak para hindi mapako pero mas pinili kong hilahin na lang sya papalapit sa akin.

Napatingin naman siya sa akin.  Napapadaing pa sya nung pinapadugo ng ate nya ang sugat nya.

Pag gumaling na sya sisingilin ko sya sa pag buhat ko sa kanya. Siyempre aasarin ko ulit sya. Nakaktawa ang itsyura nya pag galit eh.

-

Nag uusap kaming tatlo nina Xeno at Alyeri dito sa labas ng bahay nila. Iniwan muna namin si Alva sa salas nila. Nagtanong pa sya kung pwede makisama sa usapan pero humindi ang Ate nya.

"So, balak nilang kumuha ng regalo mula sa inyo? What does it mean?" Tanong ni Alyeri.

"Oo. Kaya ngayon pa lang delekado ang iba sa inyo. " paliwanag ko.

"Teka sino ba yung Boss nila. ." tanong nya ulit.

"We still dont know. Inaalam pa namin." sabi ni Xeno. Kahit kanina pa mag kasama hindi inaalis ang hawakan nila.

Love LimitWhere stories live. Discover now