Chapter 19- Vacation pt.1

1K 17 1
                                    


Sharey P.O.V

Nagising ako dahil sa parang may nakasiksik sa akin. Napatingin ako sa katabi ko at mahimbing pa ring natutulog si Kael.

Napatingin ako sa side table ko kung asaan nakalagay ang alarm clock ko. 3 o'clock pa ng madaling araw.

"Anong oras ba tayo aalis? Tulog kapa, excited na ako eh". Bulong ko sa kanya.

Naramdaman kong bahagya niyang paggalaw. Luhh?  Nagising ko nga ata. Nagmulat naman sya ng mata at nagkatinginan kami.

"Good morning." Sabi ko. Ngumiti sya sa akin at hinalikan ang noo ko.

He's still half asleep.

Nag ring naman ang cellphone ko. Inalis ko ang kamay kong nakapulupot sa bewang ni Kael at inabot ang cellphone sa side table rin, katabi ng alarm clock.

"Sharey... Good morning gising naba kayo. Magreready na kami ah." Sabi ni Maven.

"Ang aga mo ah. " Natatawang sabi ko.

"Gising na kaming lahat no kanina pa natawagan ko na sila eh . Magkasama pala kayo ni Kael ha. " bakas sa boses nito ang pang aasar.

"Hahaha ano na man sayo? Sige na mag ayos na tayo paalis na din tayo mamaya." Sabi ko. Nag good bye na lang sya at ine'end ang call.

"Sino yun.?" Tanong ni Kael.

"Si Maven. Nag re-ready na daw silang lahat." Sagot ko. Tiningnan ko siya at nakatuon lang ang tingin niya sa mata ko.

"Sige maligo na tayo." ngumiti ito at hinila ang kamay ko.

"Teka, ako muna." Sabi ko.

"Bakit hindi na lang tayo sabay para hindi aksaya ng oras." Sabi nya with matching smirk pa. Hindi ako naasar sa halip ay kinilig pa pero hindi ko yun pinahalata sa kanya. Hindi ako easy to get. Tandaan niyo yan.

"B-baliw kaba. I-ikaw na lang nga ang mauna." sabi ko. Inirapan ko siya at naupo sa side ng kama. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri ko.

Nilingon ko siya ng Sinuklay din niya ang buhok ko ng kaliwang kamay niya. Ang kanang kamay ay nakatuon sa unan ko at siya at nakaupo na din sa likod ko.

"Joke lang, sige na ikaw na mauna." Natatawang sabi nya.

Pumasok na lang ako sa cr dala ang damit ko. Syempre yung pang summer outfit. Pero yung ibang baon kong panligo ay simple lang. Buntis ako kaya ayoko naman masyadong lamigin ang baby ko sa loob.

-

Ginawa ko na ang morning routines ko. Pinupunasan ko ang buhok ko at binuksan ang pinto. Kung alam kong wala ako'ng kasama dito baka kanina pa ako nagulat. Kasi naman... Bumungad agad sa harap ko sk Kael. Nakasandal said hamba ng Pontianak at naka cross arm.

"Tapos kana.?" Tanong nya.

"Oo. Sige ikaw na." Sabi ko. Tumango lang siya. Lumabas naman na ako ng banyo at bago niya isara ang pinto ay tumingin ulit sya sa akin.

"Sya nga pala, naandyan sa kama mo yung bag ko naanduon na ang dadalhin ko. Inutos ko sa amin na dalhin dito."

"Ganun ba? Sige. Alaka ko wala kang dadalhing damit eh." Natawa na lang sya sa sinabi ko. Wala naman kasi siyang damit dito sa bahay.  Buti nalang naisipan niyang magpadala ng damit niya dito.

Kundi baka kay papa'ng damit nga ang ipadala ko pa. Nakapag lotion at iba pang nilalagay sa katawan ng babae, ay nailagay ko na. Pag nag sho-shower kasi ako tuwing gabi ay nilalagay ko na iyon doon. Since hindi nga ako nakapag shower at naiwan sa loob.

Love LimitWhere stories live. Discover now