Chapter 24: New Problem

Start from the beginning
                                    

"Babe. We need to talk." This is my decision. Hindi ko hahayaang umabot pa kami sa puntong iyon. lokohan lang 'tong relationship na 'to. At isa pa hindi sya ang mahal ko.

Pumunta kami sa rooftop nitong hotel dahil dio tahimik. Mahangin. If ever man na magwala sya, walang makaka kita. I know her very well. I'm surely sure she will do that.

"Ano bang pag uusapan natin at kailangang sa rooftop pa tayo mag usap?" nanatili akong tahimik.


Hindi ko alam kung papano uumpisahan. Kahit na galit ako sa harap harapan nyang pang gagago sakin, hindi ko pa din kayang makita syang iiyak sa harapan ko.


"Babe? What is it? Don't tell me, you want us to have privacy now? You can just get a hotel room. If you know what I mean." Malanding pagkakasabi nya waring inaakit ako. nilagay nya pa ang dalawang kamay nya sa batok ko. at nang akma na nya kong hahalikan ay umiwas. "Babe? Is there a problem?"

"Look Nikka. We need to end this." Tumawa sya ng patuya. This is the reason why I don't want to continue this bullshit relationshit. Ang hirap nyang kausap!

"What again? End this what?"

"This relationship. We need to end this."

"And why?!" nagsimula na syang mag hysterical.

"Coz it's not working." Malumanay pa rin ako sa pagsasalita. Dahil kapag sinabay ko sya, for sure mas lalong syang magwawala.

"Babe you're just joking right? You're not gonna leave me right?" umiiling ako kaya nagsisigaw na sya. hinahampas nya ko, sinasampal at kung ano ano pa pero hinahayaan ko lang sya.

"Why?! Ha?! Bakit?! Hah! Kaya naman pala! Si Trixie right? Sya na naman yung dahilan diba?! Ano na naman bang problema ng malanding yan!? Bakit ba lagi nalang syang nang gugulo!!?"

"Nikka, wala syang kinalaman dito. ako ang may desisyong makipaghiwalay sayo. Wag mo syang idamay dito."

"Do you think na mapapaniwala moko sa bullshit mong reason na yan?!! Hindi ako pinanganak kahapon! Alam kong nagkabalikan na kayo!! Walang hiya talaga yang babae yan! Papatayin ko sya!!"

"Tumigil ka Nikka! Wag mo syang idadamay dito!!" natahimik sya ng mahigpit ko syang hinawakan sa magkabilang balikat. Tinignan nya ko na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Sinigawan mo ko ng dahil sa malanding babaeng yun?" tanong nya sakin na parang hinang hina.

"Wag mo syang tatawaging malandi. Hindi sya malandi."

"Malandi sya! iba't ibang lalaki ang kinakasama nya at alam kong alam mo yan!"

"Tumigil kana Nikka!"

"Hindi ako titigil. Hindi ako titigil hanggat hindi ko nagagawang sirain yang malanding babaeng yan!!" nagwala nanaman sya. sa sobrang pagwawala nya hindi ko na sya magawang pigilan. Patuloy lang sya sa pagwawala hanggang sa ma out of balance sya at tuluyang nalaglag sa building.


Ito ang dahilan kung bakit nandito ako ngayon sa ospital. Na comatose si Nikka dahil grabe ang pagkakabagsak nya at malaki ang damage sa ulo. Pumunta ko dito para paki usapan ang parents nya na ipatigil ang mga reporters na pumupunta sa bahay ni Trixie. Nagpakalat sila ng balita na sya ang third party kaya nagpakamatay ang anak nila. Makapangyarihan ang mga magulang Nikka kaya napakadali lang para sakanila na magpakalat ng maling impormasyon.


Tanging inaalala ko ngayon ay si Trixie. Sorry.. I'm so sorry. Hindi ko sinasadyang madamay ka ulit dito..



*Trixie's POV

Tumayo ako ng mabilis ng marinig kong bumukas ang pinto. Kasi naman napaka tagal nya. san kaya nanggaling tong mokong na to!


"Ano to?" sabi ko habang binukbuksan ang plastic. Naks naman! binilhan pala nya ko ng bagong charger. Hindi naman pala masama ang ugali nya. "Thank you." Sabi ko sakanya. pero hindi nya ko sinagot. Naupo lang sya don. At nang bumukas na ang phone ko, nagsimula ng magsidatingan ang mga text.

"Ang ingay. Patigilin mo nga yan." Sabi ng lolo nyo.

"Ganyan talaga yan dahil kanina pa nakapatay."

"O may tumatawag sagutin mo."

"Ano ka byenan? Napaka pakielamero mo." sabi ko sakanya pero hindi man nya ko pinansin. At ng tignan ko kung sino ang nasa caller id, si Reah. Sakto gusto ko tong makausap.

[Oy! Bakit ngayon ka lang sumagot?! Kanina pa ko tawag ng tawag sayo!!] sigaw nya mula sa kabilang linya. My poor eardrum! T_T

"Reah! Wag kang sumigaw! Peste! Pwede ba sabihin mo nga sakin kung bakit napaka raming tao dito sa labas ng unit ko?! Bakit sa dinami ng lugar sa dito pa sila nag camping?!"

[Hindi sila nag camping dyan best. In fact nandyan sila dahil ikaw ang sinasabing naging dahilan ng pagpapakamatay ng malanding higad na Nikka na 'yun.]

"What!? Ano namang kinalaman ko don?!"

[Hindi ko alam best. Pero yun yung balitang balita ngayon. Anong gagawin naten?]

"Hindi ko alam. Bye na muna." Sabi ko sakanya saka na binaba ang phone ko.

"Anong sabi?" tanong ni Xander. Pero hindi ako sumagot. Nanatili lang akong nakatulala.


Bakit ako nanaman ang sinisisi ng mga taong yun e wala naman na kong pakielam sakanila?! Putang ina talaga!! Kailangan kong silang harapin. Bakit ko kailangan magtago?! Wala akong kasalanan.


"Saan ka pupunta?" pag awat nya sakin. "Okay kalang ba?" patuloy nya.

"Oo naman. Okay lang ako. Bakit? Wala akong kasalanan! So walang dahilan para magtago ako! sigaw ko sakanya.

"Maupo ka nga dito." hinila nya ko paupo sa kung saan ako kanina.

"Wala akong kasalanan. Alam ng Diyos na wala akong kasalanan Xander. Alam nya yan, wala akong kasalanan."

"Wala kang kasalanan. Wag kang iiyak. Wag kang magpapakita na mahina. Manahimik ka dyan." Sabi nya sakin saka pumunta sa kusina.


Sa simpleng pagsabi nya sakin na wala akong kasalanan? Feeling ko napanatag ang loob ko. Ang saya ko dahil kahit isa lang may naniwala sakin. Masaya ako dahil kinampihan nya ko.. At dahil nasa tabi ko sya ngayon..


Ms.Playgirl and Mr.Ice Ice BeybeWhere stories live. Discover now