Si Anika at Si Dracula

Start from the beginning
                                    

“Anikaaaaaaaaaaaaaaaa!” Tili ni Mam.

Naalimpungatan si Anika. Pero tulog pa ang diwa niya. Akala niya nasa bahay siya. “Last five minutes, Steffi!” Pakiusap niya.

Lalong nagalit si Mam!

“Doon ka matulog sa bahay nyo… huwag sa klase ko!!!” Malakas na sigaw ni Bb. Dracula. Saka lang tuluyang nagising si Anika… natauhan.

Biglang tumayo si Anika, sabay punas ng natuyong laway sa gilid ng bibig.

“Sorry po, Maam!”

Nakakatakot ang itsura ni Mam! Sa isip ni Anika, mukha talaga siyang Dracula.

Ginala ni Anika ang mga mata. Buong klase, sa kanya nakatingin.

Mukha ni classmate 1, nakanganga sa ginawa nya. Mukha ni classmate 2, napapailing sa kanya. Mukha ni classmates 3 to 21, pinipigilang tumawa. At ang mukha ni seatmate…si Melvin, ang crush nya, nakangiti lang sa kanya. Tuwang-tuwa sa itsura nya. Tuwang-tuwa o tawang-tawa? Magkaiba yun!

Nakakahiya ka, Anika! Ka-Turn off! UGH!

“Nakakahiya ka talaga Miss Andres!” puna ni Bb. Dracula. “Ginawa mong bedroom ang klase ko! Ano naman ang  excuse mo ngayon, aber?”

Si Anika, napayuko sa sobrang hiya. Pinapagalitan na naman siya ng ironically favorite nyang teacher. Sa favorite nyang subject.

Hindi ito ang first time na nakatulog siya. Nagsimula lahat, a couple of weeks ago. 

***

Noong unang nakatulog si Anika sa klase ni Bb Dracula, may dahilan siya – sinamahan niya si Steffi na mag extra sa isang soap opera.

Inabot sila ng 2 am sa taping! Pero noong pinalabas na sa TV, na edit out ang eksena ni Steffi!

Noong pangalawang beses na nakatulog siya, kasama pa rin niya si Steffi. May audition ang Pinoy Big Brother. Alas kwatro pa lang, gumising na siya para samahan si Steffi na pumila sa labas ng bahay ni Kuya.

At ngayon, si Steffi na naman ang dahilan! Dahil sa malakas na hilik ni Steffi kagabi at dahil sa napurnadang halik ni Joe – hindi tuloy nakatulog si Anika. Ayaw dalawin ng antok. Ngayon lang nagpakita si Antok, sa klase ni BB Dracula!

 “Maam Sorry po talaga...” Sabi ni Anika.

KRINNNGGGGG!

Saved by the bell siya. Naglabasan agad ang mga kaklase. Walang pakialam sa kanya.

Bago umalis, may pahabol si Bb. Dracula, “See you in my office …3:30PM”

Si Anika, naiwang mag-isa. Hiyang-hiya sa nangyari.

“Okay lang yan…!” sabi ni Melvin. Binalikan siya.

Dapat siyang kiligin dahil kinausap siya ni Melvin at chineer up. Pero mas hiya ang naramdaman ni Anika. Yuko agad si Anika.

Wala na siyang mukhang maihaharap sa crush nya.

May nabasa si Anika sa upuan, sulat pentel pen. TULOY LAWAY ANG NAKAUPO DITO!

Kainissss!

Sinubukan ni Anika na burahin ang nakasulat gamit ang kamay nya. Tanga. Pentel pen nga eh. Also known as  Permanent Marker. Permanent.

Si Melvin, nilapitan si Anika, “Wag mo na isipin yon” sabi ni Melvin. “Ang mahalaga nakatulog ka”

Tama naman si Melvin. Importante ang tulog! Pero huwag sa klase! Sayang ang tuition!

Hindi pa rin makatingin si Anika kay Melvin. Feel nya sobrang turn off na ito sa kanya.  Feel nya never na siyang magugustuhan nito. Nang biglang…

Hinawakan ni Melvin ang kamay nya. Nagulat si Anika. Biglang iniwas ang kamay.

 “Madumi ang kamay ko” sabi ni Anika.

“Okay lang” sabi ni Melvin. Sabay hawak uli kay Anika.

Agad-agad tumibok ang dibdib nya. Ang bilis. Parang may karera ng kabayo.

Biglang nakalimutan ni Anika ang lahat ng kahihiyang sinapit nya.

Kinikilig siya deep inside.

Eeehhhh…

First time syang mahawakan ni Melvin. Mas mahigpit sa hawak ni Joe kagabi.

Chance ko na to!

Hinigpitan ni Anika ang hawak nya kay Melvin. May nasense siya…

Magaspang. Puro kalyo. Dahil sa kaka-basketball?

Dedma. Napatingin si Anika kay Melvin. Nakatingin din ito sa kanya. Eye to eye sila.  Sobrang kinikilig.

Si Melvin, may nasense din sa kanya… “O, may muta ka pa!”

SHET. @%$*%&#   :(

Biglang tumalikod si Anika kay Melvin. Tinanggal ni Anika ang mga muta nya.

Ano ba Anika, kanina ka pa. Umayos ka nga!

“Lika, Halo-halo tayo! Libre kita” yaya ni Melvin.

Ililibre nya ko? Parang si Steffi? Ayoko, baka isipin nya. Freeloader kami. Lahi ng mga PG.

“Salamat, pero busog pa ko” tanggi ni Anika.

“Papilit ka pa. Lika na!” sabay hawak ni Melvin sa kamay ni Anika na ginamit na pantanggal ng muta.

Hindi na nakatanggi si Anika. Aarte pa ba? Si Melvin na ito. Kahit anong gawin ni Melvin sa kanya, susunod na lang siya.

“Kahit ikaw pa si Dracula, handa akong magpasispsip ng dugo sa iyo… “ Naisip ni Anika. 

MY APP #BOYFIEWhere stories live. Discover now