Hay, those eyes... they never run out of sparks.

Tuwing magkikita kami ni Niño, para niya akong dinadala sa ibang galaxy dahil sa mga mata niyang 'yan.

"Niño?" tawag ko sa kaniya at nagulat ako nang bigla niyang kunin ang kamay ko at ilagay 'yon sa dibdib niya.

Omygosh, bakit ang bilis ng tibok ng puso niya?

"Sapat na ang masilayan kita upang patibukin mo nang ganito ang puso ko, binibini." nakangiting saad niya, hawak pa rin ang kamay ko sa dibdib niya at hindi pa rin inaalis ang pagkakatitig sa akin.

Napangiti naman ako pero siyempre deep inside nagwawala na sa kilig ang puso ko. Napapabilis ko ang pagtibok ng puso ni General Enrique Luis Enriquez IV!!! ISA AKONG ALAMAT!

"Oo nga pala... bakit ka napadaan dito?" tanong ko at inalis na ang kamay ko sa dibdib niya.

"Gusto lang sana kitang masilayan ngayong araw." sagot niya

"Baliw ka ba? Hindi nga raw tayo puwedeng magkita! Nako, malilintikan tayo nito kanila Ama at Ina. Umuwi ka na. Dali, dali!" kinakabahang bulong ko at tinulak-tulak na siya pabalik sa terrace, kung nasaan ang lubid.

"...at nais kong malaman ang tunay na nararamdaman mo para sa akin."

Natigalan ako sa pagtulak-tulak sa kaniya nang marinig 'yon. Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko at mas lalo pa 'tong bumilis nang magtama ang mga tingin namin ni Niño.

"Ano ang tunay na nararamdaman mo para sa akin, binibini?" Lapit niya sa akin kaya napaatras ako. Napalunok ako atsaka nagsalita.

"B-Bakit mo ako t-tinatanong?"

"Dahil gusto kong malaman." diretsong sagot niya.

"E-Eh, ikaw nga hindi ako sigurado kung ano bang nararamdaman mo para sa akin eh!—"

Naputol ang sinasabi ko nang takpan niya ang bibig ko at i-pin niya ako sa pader.

Omygosh.

'Yung puso ko bigla nalang tumigil sa pagtibok nang magtama ulit ang mga tingin namin pero this time, mas malapit. Kitang-kita ko ang pagningning ng mga mata niyang natatamaan ng sinag ng ilaw mula sa apoy ng gasera at amoy na amoy ko rin ang mabangong scent niya.

"Huwag ka masyadong maingay, binibini. Baka magising sina Don Horacio't Doña Faustina." sabi niya at tinanggal na ang pagkakatakip ng kamay niya sa bibig ko pero nakapin pa rin siya sa akin sa pader.

"At upang sagutin ang mga sinabi mo kanina, nais kong siguraduhin sa iyo ang nararamdaman ko. Hindi kita niyaya magpakasal dahil lang sa walang kadahilanan, binibini. Papakasalan kita sapagkat ito ang nais ko." saad niya habang nakapako ang tingin diretso sa mga mata ko.

Grabe. Hindi na ako makahinga sa posisyon namin na 'to. Malamig man ang simoy ng hangin na dumadampi sa balat ko, pakiramdam ko nag-aapoy ngayon ang mukha ko sa sobrang init nito.

Niño, bakit ganito kalakas ang epekto mo sa akin? Nagsasalita ka lang naman nang normal. Normal lang din naman ang mga salitang lumalabas sa bibig mo. Niño, anong ginawa mo?

"Juliet..." aniya at muli kong naramdaman ang init ng hiningang galing sa kaniya. Hindi ko maiwasang mapaisip kung bakit ang bango ng hininga niya, nakaka-insecure. Bakit ang bango.

Hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya at agad na nagtama ang mga tingin namin dahil nakatingin na rin siya sa akin.

"Ikaw ang nais kong makasama kahit pa bukas na ang araw ng paghuhukom na nakasulat sa Biblia. Ikaw ang nais kong makapiling kahit pa huling hantungan ko na ang susunod na digmaang kabibilangan ko. Ikaw ang nais kong makita tuwing umaga sa mga natitirang araw ko sa mundong ito. Ikaw lang ang nais kong mahalin sa nag-iisang buhay na mayroon ako at kahit ilang beses pa akong ipanganak... ikaw, at ikaw lang ang tanging mamahalin ko." sabi niya habang nakatitig sa akin. 'Yung titig niyang tumatagos sa buong pagkatao ko.

Nagulat nalang ako sa sarili ko nang may tumulong isang patak ng luha mula sa mata ko kaya agad ko 'yung pinunasan at kumalas sa kaniya.

"H-Hindi ko alam ang isasagot sayo, Niño." sabi ko at nakita ko ang biglang pagbabago ng expression sa mukha niya.

Nakaramdam ako ng kung anong kirot sa puso ko nang makita ko sa mga mata niya ang sakit na naramdaman niya dahil sa sinabi ko.

Ghad, I don't want to see him get hurt. Tanga ka talaga, Juliet!

"Ah..." sabi niya at napatangu-tango.

"Magpahinga ka na, binibini. Aalis na ako. Magandang gabi." narinig kong sabi niya dahil iniiwas ko ang tingin ko sa kaniya at naramdaman kong bumaba na siya kaya naman nang feeling ko ay nakababa na siya, pumunta na ako sa terrace at sumilip.

Sumenyas si Andong na tanggalin ko 'yung pagkakabuhol ng lubid at ginawa ko nga. Nagpaalam sina Andong at Fernan by waving their hands at tumingin pa ulit sa huling pagkakataon si Niño bago tuluyang umalis.

♤♤

Maraming salamat sa pagbabasa!

Maraming salamat sa pagbabasa!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

General Antonio Luna de San Pedro y Novicio Ancheta (29 October 1866 – 5 June 1899) 

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

General Antonio Luna de San Pedro y Novicio Ancheta (29 October 1866 – 5 June 1899) 


Link ng article tungkol kay Heneral Luna:

https://www.thoughtco.com/antonio-luna-philippine-american-war-hero-195644

Link ng ilang facts about Heneral Luna:

https://www.google.com/amp/s/filipiknow.net/facts-about-antonio-luna/

Follow, vote, and comment! 💙

- E

Way Back To YouWhere stories live. Discover now