Epilogue

11.2K 341 44
                                    

Blaze

Hindi ko maintindihan kung bakit ang Stag Party ay kasama ang Despedida de Soltera ni Michelle. Not that I am complaining.

Nang makita kong nakaupo si Star kanina sa park, parang hindi ko pa siya kayang hawakan kanina at baka mawala. But when she spoke, God, the best morning of my life so far. Hawak ko lang ang kamay niya hanggang matusta kami sa park dahil sa sikat ng araw.

Mayroon ng iilang bisita sa venue. Mga dating student ko na friends ni Michelle. Si Rose, nasa isang sulok at nagbabasa ng kung ano. Ang mga kabanda ko, pati si Drake ay nandito.

"Blaze," Tawag ni Brix sa akin. Palapit si Michelle sa kanya at kasama si Star.
"Tangna pare, okay ka na ba? May bad news eh." Sabi nito.
Nakunot ang noo pati ni Michelle and she motioned me to keep quiet.
"Ano na naman?"
"Gaano ka na ba kastrong, pre?" Tanong ni Brix.
"Nagred bull ako dahil hindi ako nakatulog. Bakit ba? Landi mo, ikakasal ka lang may pasuspense ka pa."
"Baka mapainom ka ng double black. Si Star, may boyfriend na sa US." Sabi ni Brix na ikinataas ng kilay ko at ni Star at ikinasingkit ng mga mata ni Michelle na nasa likod niya.
"Eto pre, nakita ko lang sa email Mitch. Huwag mong sabihing sakin galing." Pinakita nito ang cellphone niya. Picture nga ni Star na may kasamang isang foreigner na lalaki na nakaakbay sa kanya.

Siyempre ang selos sa puyat kong utak, tumaas ng mas mataas pa sa height ko pero pilit kong kinalma ang sarili ko. Kinuha ko ang cellphone ni Brix at itinapat kay Star.
"Sino ito?" Kalmadong tanong ko na ikinalingon ni Brix sa likod niya.
"Hi Babe," Biglang kambyo ni Brix at inakbayan si Michelle para pigilan ang nagbabadyang galit.
"Bakit mo pinapakialaman ang email ko, Brix?" Tanong ni Michelle.
"Binibiro ko lang si Blaze." Sabi nito. "Akin na nga yang phone ko." Hinablot nito ang phone sa kamay ko.
"Hi Star, kailan ka pa nakabalik?"

"In time para ipaliwanag ang picture na pinakita mo." Sarcastic na sagot ni Star. Ay, improving, marunong ng sumagot.
"Grabe, joke lang yun. Aray, Mitch." Napangiwi na lang si Brix ng kurutin ni Michelle at bitbitin palayo sa amin.

"Siyo yun?"
Star rolled her eyes then inhale deeply.
"Nanliligaw sa akin."
"Oh really!"
"Ibaba mo nga yang kilay mo. Para kang yung prof kong masungit sa Math." Sabi niya.
"We parted way, Blaze. Stop that glowering."
"I am not," Well, maybe I am.
"Yes you are. Parang nahuli mo akong nangongopya kung tumitig ka. Friends na lang kami ni Tony." Katwiran ni Star.
"But it doesn't mean I should like it, right? That friend thing."
"Yeah, sure. Pero hindi iyon ang problem natin." Now she looked worried na ikinakaba ko.

"I haven't talked to my parents regarding... us."
Ahhh I see. Sa sobrang moment namin hindi kami nag-usap masyado. Just savoring that very moment that we get back.
"Huwag mo ng problemahin yun. That's what I am doing for the past three years. Ligawan ang buong family mo. Well, besides Lego that is."
Literal na napanganga si Star.
"Chase and I are okay. Si Sky din okay kami. Mas nauna nga akong nakapag-explain sa kanya kaysa sa mommy mo. Your dad is the hardest. Matagal din bago siya nagtiwala sa akin. Your mom made it possible for me to enter your family's life. She made a room for me to listen and eventually, I was invited to some celebration in your family."
"What? And they didn't inform me?" Manghang tanong ni Star.

Namiss ko ang salamin sa kanya but she is now confidently wearing her own style. She really grew up into a sophisticated woman. Gone is her beanie, her hair is now at the back of her head in a beautiful wave.

"You really did that for me?"
Nakangiti akong tumango. "Anything for you. Because I love you, Sexylovely Star."

"Iwww," Rose said when she passed us.
"Magboyfriend kana din kasi, Rose." Tukso ni Star na nagpahinto kay Rose.
"Bakit, kayo na ba?" Tanong nito.
"Tayo na ba?" Tanong ko din.
Even with her sophisticated look, she's still my Star that turns red when she's shy.
"Naku, naku, naku, ayan na naman tayo eh. Check the label mommy." Sabi ni Rose bago kami iwanan.
"Well, I am waiting. Tayo na ba?"
Nahihiyang tumango si Star bago yumakap sa akin.

Catcalls and applause are heard at our background.
"Ready to face them?" I asked her.
"Yup. Especially that Ms. Rodriguez." She replied with the same savage look like Sky.

- The End-

—————————
A/N
Yey, tapos na ulit. Gaya ng dati, pagpasensyahan ang mga mali. Ako ay taong tamad mag-edit at magbasa ng paulit-ulit. Nag-enjoy naman siguro kayo, hopefully.

Next Story si Lego Marcelo.
Abangan na lang at pls huwag na kayong magtanong kung kailan. (May work din kasi ako hehe. Feeling nyo wala eh.)

)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Sexylove (Completed)Where stories live. Discover now