Chapter 16- Wonders

8.9K 367 32
                                    

Star

The space between us is weakening
Sexylove

"This is my life now. I have walked this wilderness and now I will die upon it." Natawa kami ni Rose sa sinabi ni Michelle na hirap na hirap sa pagbitbit ng luggage niya. Naglalakad kami sa bukid na pang isang sasakyan lang ang makakadaan at malapit ng sumilim.
"Shut up. We've only been walking for twenty minutes." Sagot ni Blaze sa kanya. Mabuti na lang at nakausap ko si Rose at nasabi niya na backpack lang ang dadalin niya.
"It feels like eternity." Sagot ni Michelle. "And there is no gentleman in here." Parinig niya.

Natingin sa kanya si Kenshin, Raiden, Kuya Lego at Blaze. Yung ilang boys, nauna ng maglakad.
"You, women, are asking for equality yet you're crying when no one help you with your shit." Sagot ni Kuya Lego na ikinatunganga ng iba. Napabuntong hininga na lang ako. I missed the old him. The one who called me PANGIT and run away waving my beanie on his hand.
"Hey, I am not one of those women crying for gender equality." Katwiran ni Michelle.
"I need help." She said.
"No one will help you. Move along." Taboy sa amin ni Blaze. Huminto ako sa paglalakad at tiningnan si Michelle na nahihirapan talaga sa luggage na dala. Siya kasi ang may pinakamalaking dala na luggage. Kahit sinigawan ako ni Sir Blaze na huwag tulungan si Michelle, hindi ko siya pinansin. Binalikan ko siya at tinulungang magbuhat. Geez, dala niya yata ang kalahati ng wardrobe niya. Ang bigat...

Bumalik din si Rose at nakibuhat sa maleta. Nakatingin sa amin si Sir Blaze at hinintay kami sa gilid ng lupang daan. Nauna ng maglakad ang ibang kasama namin papunta sa nayon sa gitna ng bukid.
"Next time..." Simula ng pangaral ni Blaze pagtapat namin sa kanya.
"I know...I know...Sir. You don't have to pinpoint it over and over." Sagot ni Michelle. Naluluha na siya at pilit niyang tinatago iyon sa amin. Tahimik lang kami ni Rose na nakikiramdam.
Nakasunod sa likod namin si Sir. I heard him exhale deeply bago niya kami hinawi na tatlo at binitbit ang luggage ni Michelle. Napatingin kami sa kanya. Sila in disbelief ako sa muscle na nagflex sa arm. Geez...

Kahit may bitbit si Sir, nauna pa rin siyang maglakad sa aming tatlo.
"Thank you." Michelle murmured. "Nakakahiya, I don't know your names."
"I'm Rose and this is Star." Pagpapakilala ni Rose sa amin.
"Ano ba laman ng luggage mo?" Tanong ni Rose.
Bumuntong hininga si Michelle. "Actually, mga damit at shoes. I was thinking to give them to some teens in here." She murmured. Nagkatinginan kami ni Rose. She in disbelief (again) and me, a little guilty I haven't thought of that. Hindi kami nagcomment ni Rose. Tahimik kaming naglakad sa daan.

Nakapamewang na si Sir Blaze ng dumating kami sa isang court. Mga simpleng bahay na gawa sa lite materials ang nakapaligid sa court na sementado naman. Binigay agad ni Sir Blaze ang house assignment namin. Doon daw kami matutulog for 2 nights. Binigay ni Sir BLaze ang luggage kay Michelle and since kasama namin siya ni Rose sa bahay na tutuluyan namin, tinulungan namin siyang magbuhat ulit.

Walang kuryente sa buong barangay at mga gasera lamang ang nakasindi sa bahay. Mayroong apat na anak ang tutuluyan namin. They are still young kung tutuusin. The eldest is 15 years old na babae. The range of their ages is from 9-15 years old. Biyuda na si Ate Susan at masiyahin.

'Tuloy kayo. Pasok lang." Sabi niya kahit hindi ko alam kung kami magkakasya sa bahay niya. Pagpasok sa bahay, iyon na yung sala, dining area at bedroom. Nakaupo na ang apat niyang anak sa sahig at naghihintay sa amin para kumain.
"Alam kong gutom na kayo. Kain na." Masayang yaya sa amin ni Ate Susan.
Naupo kami sa sahig gaya nila at binigyan kami ng plato na may mainit na kanin. Mayroong mga gulay sa harapan namin at tatlong de latang tuna. Binuksan ni Ate Susan ang tuna at binigay sa amin. Napayuko ako sa hiya at si Michelle ay hindi tumitinag. Si Rose ang nag-abot at naglapag ng tuna sa harapan namin.
"Thank you po." Sabi ni Rose.

Nagulat kaming lahat ng biglang suminghot si Michelle. She's crying.
"Ate, ayaw mo ba ng ulam?" Tanong ng isang anak ni Ate Susan.
"Gusto... Gusto ko. Thank you for making me feel like a normal person. I haven't eaten tuna in can all my life." Sabi ni Michelle na ikinalaki ng mata ni Rose at ng mga bata na nakaintindi sa sinabi niya.
"Hindi ka pa nakakain ng de lata?" Manghang tanong ni Rose kay Michelle. Umiling si Michelle at nagpahid ng luha. Kinuha niya ang tuna at kahit alanganin siyang kumuha ng tuna sa lata gamit ang kamay, nakangiti siyang ginaya ang pagkakamay ng mga nakatira sa bahay.

Nagprisinta kami na maghugas ng pinagkainan. Nilagay ni Rose sa isang batcha ang lahat ng huhugasan at lumabas kami ng bahay papunta sa poso. Nandoon ang iba naming kasama na nagkakatuwaan sa pagbomba ng poso.
"Oh...I want to try." Natutuwang sabi ni Michelle. Nakapila ang maglilinis ng mga plato sa nag-iisang poso.
"You know, I haven't realize that rich people can have simple wish too until this very day." Sabi ni Rose sa akin habang nakatanaw kami sa mga kasama namin na nagbabasaan na.
"Not all rich kid wanted luxury. Some of us wanted acceptance and you know, makita kami as kami. As simple as that." I replied.
"First night pa lang and you already have reflections."
Napatalon kami ni Rose ng magsalita si Sir Blaze sa likod namin.
"Putang..." Hindi naituloy ni Rose ang sasabihin ng makita si Sir.
"Juice kuh naman, Sir. Walang gulatan." Sabi ni Rose. At ako, hindi ako makapagsalita dahil basa ang t-shirt niya at bumabakat sa mga muscles at abs.

"Ano nga ang pangalan ninyong dalawa?" Tanong niya. Nagsuklay pa talaga siya ng buhok gamit ang kamay sa harapan namin. Pictorial ba, Blaze?
"Ako si Rose." Sabi niya.
"Ah, madaling tandaan. And you?" Tanong niya sa akin.
Mabuti na lang at medyo madilim. HIndi niya nakikita ang pamumula ko.
I cleared my throat at biglang may bara. "Star." I murmured.
Tumango-tango siya. "Beautiful name." He replied.
"Maaga kayong matulog. Call time, 5am." Sigaw ni Sir bago tumalikod.
Uhmmm... bakit ang init dito?

Dear Blaze,
Can you find me when you look at the sky tonight?

Wondering,
Sexylove

Sexylove (Completed)Where stories live. Discover now