Chapter 29- Brix's lablyp

8.1K 335 10
                                    

Blaze

The ADMU management asked me to extend my stay until the end of semester. When I discussed it with Star she asked me to stay discreet. Which is I don't actually agreed.

"Star, please consider. Ayaw kong itago na nililigawan kita."
"I can't go out with you knowing you are still my prof, ano ka ba." Giit niya.

It's hard na nga na nagpupunta kami sa mall kung saan walang Ateneans na makakakita sa amin kahit gusto ko siyang dalin sa mga high class na mall. Gaya ngayon, nakatambay na naman kami sa Gateway dahil walang Ateneans na nagpupunta dito kung walang UAAP.

"And besides, ayaw kong sabihin ng iba na kaya ako pumasa sa subject mo is because, you know." Nahihiya pang banggitin ni Star na nanliligaw ako sa kanya.

Tinatanggal niya ang salamin at beanie niya kapag magkasama kami and her clothes were different too. She's still Star but I kinda miss her glasses.

"You are running for Cum Laude, everybody knows you are smart and speaking of my subject, mababa ang last quiz mo. Nahihirapan ka ba?"
She made face. "Distracted." She murmured which made me chuckled.
"Hindi kaya madali ang Math tapos ikaw pa ang prof."
"Do you want to transfer to Prof. San Roque?" Tanong ko sa kanya. Bukod sa matanda na si Prof. San. Roque, old school ang way of teaching nya at sobrang hina ng boses.
"No way, thank you. Lalo akong mangangamote sa kanya. Siya lang kaya ang nakakaintindi ng tinuturo niya." Tanggi ni Star na ikinatawa ko.
"Yung subject nya lang ang open ang slot. Marami pang vacant."
She snorted bago humigop ng iced tea.

"Paturo na lang ako kay Kenshin."
"At sino si Kenshin?"
"Kenshin Fujihama... urghh student mo siya if I'm not mistaken. I don't know what subject, Thermodynamics or something similar." Paliwanag ni Star.
Ahhh must be isa sa dalawang hapon na student ko.
"And how you knew him?"
Ngumuya muna si Star ng kinakain niyang cake bago sumagot.
"Family friend. Parang si Kuya Jaxx at Ate Margaux. Their parents are friends with mine." Paliwanag ulit ni Star.

Distrated... akala si Star lang? Ako din kaya. Lalo na kapag dumadaldal si Rose sa tabi ni Star.
"Rose,"
"Yes, Sir." Napa-upo si Rose ng deretso.
"Answer number 3 on board." Binaba ko ang whiteboard marker at humalukipkip.
"Sir," Nakamot ng ulo si Rose.
"Now," Medyo tumaas ang boses ko.

Natawa si Michelle na nakaupo sa harapan.
"Ikaw ang number 4, Michelle." Binigyan ko ng marker si Michelle at
"Hala Sir, bakit ako?" Reklamo ni Michelle.
"Ang ingay nyo eh. Sige tumawa ka pa." Reprimand ko kay Michelle na humaba ang nguso.

Pagkatapos ng klase namin nakareceive ako ng message kay Star.

Mainit ang ulo mo?
-Lovely Star

Textmate kami kapag nasa loob ng Ateneo. Hindi ako masasanay ng ganito. Gusto ko siyang kausapin ng personal.

Hindi naman. Sensya na.
-Blaze

Sorry maingay kami.
-Lovely Star

It's not you. Hay, mainit nga ang ulo ko. Sorry about that.
-Blaze

Care to share?
-Lovely Star

Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko sa kanya na si Ms. Rodriguez ang ikinabubwisit ko. Naging aggressive na siya to the point na nakaka-harass na.

Nothing I can't handle. Don't worry about it.
-Blaze

Okay. I'll see you around.
-Lovely Star

Napabuntong hininga ako na bumalik sa faculty office. Konti na lang naman. Less than two months para matapos ang semester. Iiwasan ko na lang ang babaing iyon.

Tumatawag si Brix sa akin ng makapasok ako sa faculty room.
"Problema mo?" Tanong ko agad sa kanya.
"Hindi nagrereply si Michelle sa akin. Nakita mo ba kanina?" Tanong niya.
"Malamang may klase. Tangina kang clingy."
Natawa si Brix. "Bantayan mo si Mitch for me, ah."
"Why will I do that? If I remember correctly, hindi mo sinagot ang tawag ko noon sa UAAP." Biro ko kay Brix. Natawa ang gago.
"Mapagtanim ka pala ng sama ng loob? Grabe naman, parang hindi tropa." Sagot ng gago.
"Sigurado ka kay Michelle?" Tanong ko.
"Sure ka ba kay Star?" Sarcastic na tanong ni Brix.
Natawa ako. "Hayop ka, lakas ng tama mo. Patapusin mo yun ah!"
"Ayan ang tinatawag na pagpapalaki. Oo naman kupal, papatapusin ko sa pag-aaral yun. Ano akala mo sa akin, gago?"
"Sige na, may trabaho ako, aba!"
"Bantayan mo ah, Conyobels. Huwag mong papadapuan sa lamok." Bilin ni Brix.

Naiiling ako, ang bilis yata ng mga kagananapn. Sila na ba? Tangina, naunahap pa yata ako ni Brix.

Sexylove (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt