Chapter 3- Finding Sexylove

10K 367 15
                                    

Blaze

"Sir Blaze, lagot ka kay Sexylove." Bungad sa akin ng mga student ko pagpasok ko sa room.
Ano daw?

Sexylove... ang tagal ko ng naririnig yan. Is it a name? Screen name? Pen name? Fan ko ba siya?

"Sir, malamang hindi ka nagbabasa ng wattpad. It's been months na Sir when she started posting cute messages for you."

"Dear Blaze, Dapat ba na may pahawak pa si mayora sa biceps mo? Nagngingitngit, Sexylove" Binasa ng isa sa student ko ang sinasabi nilang message.

"So stalker siya?" Ngayon lang ako nakipagkwentuhan bago magturo.
"Stalker agad, My Gawd. I thought you knew her."
"Who is this mayora na may hawak ng bicep mo, Sir? And why Sexylove saw it? Hindi kaya student siya dito? Or Faculty?"
Nagsimula ang bulungan nila.

"The Quadratic Formula uses the "a", "b", and "c" from "ax² + bx + c", where "a", "b", and "c" are just numbers; they are the "numerical coefficients" of the quadratic equation they've given you to solve." Pagsisimula ko na ikinaangal ng lahat.

Paglabas ko sa classroom, narinig ko na naman ang SEXYLOVE na iyan.

"Sir Blaze, sino si mayora?" Biro ng isang student sa akin.
"You will die now a thousand death in her stories." Sagot pa ng isa as if naiintindihan ko ang mga sinasabi nila.

SEXYLOVE... parang familiar na siya. Saan nga ko nga ba nakita yung name na iyon?

CONCERT...

There's this beautiful girl at the front with a digital banner and SEXYLOVE was written on it. Tinawagan ko si Jaxx habang papunta ako sa next class ko.

"Hindi lahat maagang nagigising." Angal agad ni gago pagkasagot ng phone.
"Naalala mo yung last concert natin?"
"Alin, yung guest ka lang?" Pang-aasar nito.
"Gago. Naalala mo nga?"
"Makakalimutan ko ba yun? Nabaril si Margaux sa lecheng concert na yun."
Right. Oo nga pala. "Kilala mo ba ang mga nasa VIP area nung time na yun?"
"Tangna naman. Yung mga nasa Upper box, kilala mo?"
"Sira-ulo, ano na?" Nasa tapat na ako ng classroom ko at nakatingin na ang mga student sa akin.
"Hindi lahat. Saka si Margaux lang ang nakikita ko nung time na yun. Bakit ba?" Tanong ni Jaxx.
"Tawagan kita mamaya."
"Leche ka. Matutulog ako, may klase ako mamaya." Binabaan ako ng call ni Jaxx.

Sexy love
Girl the things you do (oh baby baby)
Keep me sprung
Keep me running back to you (ooh baby i)
Ooh I love
Making love to you
(Baby girl you know your my)
Sexy love

Ang mga tuksong estudyante, kumakanta pagpasok ko ng classroom. Tangina, sino ba kasi yang SEXYLOVE na iyan? Siya ba yung nasa concert?

"Okay, stop guys." Nilakasan ko ang boses ko para marinig ako ng mga tinamaan na spoiled rich kid.
"Sino ba yang Sexylove na iyan?"

"We don't know, Sir. She's a writer." Nagkibit ng balikat ang isang student na sumagot.
"Teka Sir, meron siyang bagong status. Ang sabi, He smiled and all I could think was, Oh shit, I'm doomed." Nagtiliian ang mga lecheng ito.
"Comment ako Sir ah... Is this for Sir Blaze?"

I rolled my eyes and started to write on board. Maya-maya nagtilian na naman sila.
"Sir, of course, daw. Awww, shocks."

"Okay lang na kiligin, at least aircon ang classroom kapag nagrepeat subject kayo." Warning ko sa kanila.
Tapos susuhulan na naman ako ng van ng magulang niyo na parang maghahatid-sundo ng estudyante at van pa talaga ang pinangsuhol sa akin.

"Sir, the search is on na ba? Hindi ka ba nacu-curious sa kanya? We can help you, you know."
"And why would I look for her?" Nagcrossed arm ako at hinintay silang sumagot.

"It's your choice. Kinikilig pa naman kami sa pa-message niya sa iyo. We got your back and reply on your behalf. Like, what do you want to say to her?"
"Study hard." Medyo-kill joy ang pagkakasagot ko.

Maya-maya, heto na naman sila.
"Sir, sabi niya, why you aren't obeying the Laws of Physics? Like, for every action there should be an equal and opposite reaction, right?"
What a dork... Natatawa si inner self.
"Uy sir, hinahamon ka. Ano na Sir, finding Sexylove na natin ito?" Tukso ng mga damohong estudyante.

"Go na yan. Go na yan." They started to chant.
"Sir, plus 10 sa finals kapag nahanap namin siya?! Is it a deal?"

Nakatuon ang buong attention ng klase ko sa akin. Sobrang bored siguro nila sa bahay para pag-aksayahan ng panahon ang mga nababasa sila.
"Deal." I said.

"Yown, I will call our P.I na."
Kanya-kanya silang labas ng phone. Hutangina, anong P.I? Private Investigator pa talaga?

Sexylove (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя