Chapter 22- Irony of Life

9.2K 367 36
                                    

Star

"Ano ang akala mo sa mga taga dito, magcu-clubbing?" Tanong ni Rose kay Michelle ng itinaas niya ang crop shirt na nasa maleta na balak ipamigay ni Michelle.
"Hey, it's Versace." Inagaw ni Michelle ang crop shirt kay Rose.
"Bagay sa'yo, gusto mo?" Tanong niya.
"Aanhin ko yan? Kakabagan pa ako kapag nahanginan ako sa tiyan." Sagot ni Rose.

Tinulungan naming mamili ang mga anak ni Aling Susan sa mga dalang gamit ni Michelle. The rest was donated to the barangay hall para sa mga mga gusto ng damit.

Magaang na ang maleta ni Michelle ng naglalakad na kami pabalik sa meeting place namin with our service. Pinatulungan ulit naming tatlo ang maleta kahit halos wala na itong laman.

"Akin na." HInawi na naman kami ni Sir Blaze at binuhat ang maleta ni Michelle.
"Ay, thank you, Sir. Knight in shinning tight jeans ka talaga." Biro ni Michelle.
Blaze just snorted. "Mauna na kayong maglakad." Sabi niya.
"Ay, mauna ka na Sir." Biglang naisagot ko na ikinakunot ng noo ni Sir Blaze.
"And why is that?"
"Maganda kasi ang view namin, Sir. Mauna ka na." Taboy ni Michelle.
Maganda kasi ang pwet mo Sir... pero syempre hindi ko sinabi.
"Bilisan ninyong maglakad." May halong warning na sagot niya bago kami iniwan.

"Di vah? Nice ng view?" Tanong ni Michelle.
Nakatingin kami sa pwet ni Sir habang naglalakad siya palayo.

Huli kaming nakarating sa meeting place at kami na lang ang hinihintay. Pagpasok namin sa van, halos tulog na ang karamihan.At ang lecheng si Michelle, hinila si Rose papunta sa kalikod-likuran.
"Best friend ko yan." I said.
"May sasabihin lang ako kay Rose." Sagot ni Michelle.
Wala ng ibang upuan maliban sa tabi ni Sir Blaze.

Ay tinamaan ka ng magaling Michelle, mahahalata ako sa ginagawa mo.

Tumayo si Sir para makapasok ako window seat ng magsalita si Kuya.
"Star, dito ka na lang." Sabi ni Kuya. Natingin sa kanya si Sir at hindi nagbaba ng tingin si Kuya Lego.
"Dito ka sa tabi ko ng makatulog ka." Dagdag pa ni Kuya at tinitigan ako. Alam ko na yang titig ni Kuya na yan. Nilagpasan ko si Sir at tumabi kay Kuya.

"Matulog ka na." Sinandal ni Kuya sa balikat niya ang ulo ko. Mga ilang seconds din nakatitig si Sir bago siya umupo.
Tahimik kami ng umandar ang van. Nakatulog nga ako sa balikat ni Kuya. Hay, I miss him. Hindi kami magkasama sa bahay ang he wanted to have his own space.

"Uuwi ka ba sa bahay?" Tanong ko sa kanya ng magising ako.
"Yes, today. Sabay ka?"
Nangiti akong tumango.

Wala sa mood si Sir ng makarating kami sa Ateneo. Hinila agad ako ni Kuya paalis.
"Bye Rose. Bye Michelle." Kaway ko sa kanila habang palayo kami.

Sumakay ako sa kotse ni Kuya at iniwan ang Mirage ko sa parking. Kumakaway si Rose at Michelle sa akin ng dumaan ang kotse ni Kuya sa kanila.

Hay I missed my car. Not my Mirage but my Porsche. Gift ni Daddy sa akin noong 18th birthday ko. Nakapark lang sa garage sa bahay.
"Can I drive?" Tanong ko kay Kuya.
"No. Dalin mo ang kotse mo kung gusto mo." He replied.
"Agaw attention." I murmured.
"Of course agaw attention yun. Porsche yun eh." He replied sarcastically.

"Kuya,"
"Hmm..."
Nakatingin si Kuya sa daan.
"Bakit ang k-pop mo?" Pang-aasar ko.
I small smile appeared on his lip but he didn't reply.

Ate hugged me and Kuya Lego when we arrived.
"Kamusta na kayo?" She asked.
Nagkibit ng balikat si Kuya at pumasok sa bahay.
"Okay lang Ate." I replied.

Nasa loob pala ng bahay si Ate Margaux at Ate Dakota.
"Hello Bebe Star." Bati ni Ate Koko sa akin.
"Kamusta? Shunga pa rin si Blaze?" Tanong ni Ate Margaux. Nagbeso ako sa kanila at binigay ang bag ko sa isang katulong.
"Yup."
"Hindi ka pa rin niya nakikilala?" Tanong ni Ate Margaux.
Umiling ako. Napabuntong hininga kaming apat.

Napatingin kami sa phone ni Ate Koko ng magring ito.
"Auntie," Sagot niya.
"Nasa bahay nila Sky."
"Ano na naman ang problema mo? Okay, sige hintayin ka namin."
"Papunta si Auntie dito." Sabi ni Ate Koko.
"Nalilito pa rin ba sa mga ganap sa buhay niya?" Ate Margaux asked.
Tumango si Ate Koko.
"Mas bagay sila ni Tito P." I said.
"I thought so too." Sabi ni Ate.

Hinintay namin si Auntie Michaela na dumating.
"May God..." Sabi niya agad pagkakita sa amin.
"Hello, dahling. Take this off." Tinanggal ni Auntie ang beanie na suot ko.
"Jesus, I don't understand why you hide your hair with this." At saka niya binato sa single sofa ang beanie.

"Kamusta na ang lovelife?" Tanong ni Ate Margaux kay Auntie Michaela.
"Hayyy, Pedro is hot."
Natawa kami ng bahagya kay Auntie.
"So, mahal mo na?" Tanong ni Ate Koko.
Hindi kumibo si Auntie Michaela.
"Yeah, that's why I need to leave." Sabi niya.
"Huh? But why?" Naguguluhang tanong ko.
"Things will be complicated, my dear." Sagot ni Auntie.
"Auntie, give it a chance." Sabi ni Ate Koko.
"Just because you are happily married doesn't mean everyone will find their own JAKE, Dakota. Life is not like that." Pangaral ni Auntie Michaela.

"Kinuwento niya sa akin si Jane." Huminga ng malalim si Auntie Michaela.
Ahhh si Jane. Ang Huling El Bimbo kung tawagin nila.
"And I felt a small stab on my heart." Napahawak sa tapat ng puso niya si Auntie.
"Nagseselos ka?" Tanong ni Ate Margaux.
Tumango si Auntie. Ahhh, the irony of life. Here we go again.
"I don't want to be a second choice. She's dead but he still loves her." Bulong ni Auntie.
"Hindi naman mawawala iyon Auntie. You need to accept that." Sabi ni Ate Koko sa kanya.
"Ah hell, this is not supposed to be this way." Nagpahid siya ng luha na pabagsak na mula sa mata niya.
"Dapat talaga si Mark na lang ang pinili ko." Naiiling si Auntie.

"What is your plan now, Auntie?" Tanong ni Ate.
"I need to move on, dear. Dakota, pretend you don't know where am I going."
"Eh saan ka nga ba pupunta?" Nagtatakang tanong ni Ate Koko.
"Somewhere."
"Kailan ka aalis?" Nanlaki ang mata ni Ate Koko.
"Today." Tumayo si Auntie at nagkiss sa aming lahat.
"Goodbye girls. Until next time." Umalis din si Auntie na kasing bilis ng pagdating niya.

Aww... ang cool pa naman ni Auntie Michaela. I will miss her.

"Why she can't accept that Tito P has a life before her?" Ate Koko murmured.
"You can't blame her lalo na kung hindi niya alam ang buong story. Baka nga hindi ikinuwento ni Tito P ang buong story sa kanya. Wala namang nakakaalam kung hanggang saan minamahl ni Tito P si Jane. And besides, mukhang ngayon pa lang na-inlove si Auntie kaya medyo selosa pa siya."
Napatingin sa akin ang tatlong Ate ko.
"The fuck..." Ate Koko murmured.
"And here I thought I am older than her." Sabi ni Ate.
"Jeez, it's just my point of view. I better rest. Medyo masama ang pakiramdam ko. Bye mga Ate." Tumayo ako at iniwan silang tatlo.

I looked at my phone and found miscall from Michelle.
I message her and Rose and asked them if they are alright. Si Michelle ang tumawag.

"Girl, super bad trip si Sir." Bungad niya.
"Huh, why?"
"I dunno. Grabe, sinigawan kami kanina ng makaalis kayo. Infairness, gwapo ng kasama mo."
I chuckled. "Kapatid ko yun."
"Huwat?... Oh dear, another pasabog."
"Hindi kasi kami magkamukha eh. Mas kamukha niya si Kuya kong isa. Anyway, baka hidni ako makapasok tomorrow. Para akong may lagnat."
"Aw... inom ka ng gamot agad. You need an excuse letter after mong makabalik. Lam mo naman..." Paalala ni Michelle.
"I know, anyway, see you when I get back."
"Okay. Ingat Star."

Nagbasa ako ng messages sa WhatsApp ko and there's one message from Blaze.

WHERE R U?

Capital letters lahat. I typed my reply.

Home
-Lovely

Ilang seconds lang tumatawag na siya.

"Hey."
Hindi kumibo si Blaze.
"Are you...okay?" Tanong ko.
Huminga siya ng malalim. "Yeah." He replied.
"Can I see you tomorrow?" He asked.
"I don't know." I replied.
"Why? May boyfriend ka ba?" Tanong niya na nakapangilabot sa akin.
"What? No, I don't have. May lagnat yata ako. Baka hindi ako makaalis ng bahay." Nahiga ako sa kama.
Jeez, masakit ang ulo ko.
"God, what happened to you?" Nag-aalalang tanong ni Blaze.
"Napagod siguro. I need to hang up Blaze. Masakit talaga ang ulo ko."
"Okay... Take a rest, please. Message me anytime, okay?"
"Hmm...kay. Bye."

Nakatulog ako pagkababa ng phone ko. Hay, lagnat laki na naman ito.

"Absent ako bukas, Sir Blaze." I murmured before I sleep.

----------------
A/N
Aww... Auntie Michaela, nagmahal at nasaktan ka.
Pahug nga Auntie...

Sexylove (Completed)Where stories live. Discover now