Chapter 21- Bakit ang landi ni Sir?

8.2K 372 68
                                    

Blaze

I dialed Lovely's number but it is busy. Tiningnan ko ang screen ng phone ni Star and dialed again. Bakit ganun, my number ang lumalabas? Kinuha ko ang phone ko and I checked her number. Tama naman ang nadial ko.

Nakakunot ang noo kong tumingin kay Star na kasulukuyang tinititigan ang mga palay sa paligid. I dialed my number this time and guess what? DRUMMERBOY appeared on screen with my picture during Overdrive's last concert.

I dialed Lovely's number again and MY NUMBER appeared on screen. Binura ko ang mga dialed numbers ko bago ko binalik ang phone ni STAR.

"Nacontact mo Sir?" Tanong niya.
Nakakunot noo ko habang tinititigan si Star.
"Baka fake ang signal mo." Biro ko.
"Baka nga, Sir." She murmured.

Tiningnan ni STAR ang phone niya bago itinago.
"Favorite sports mo yung volleyball?"
Tumango siya. "I play but not professionally."

Hmmm...Interesting.

"Bakit?"
"Mahirap kasing maglaro ng may salamin." Paliwanag niya.

"Napanood mo na ang Wonderwoman?"
Nakangiting tumango si STAR.
"So DC fan ka?"
She chuckled and shook her head. "Si Wonderwoman lang at Aquaman ang gusto ko sa DC."

Really?
"Ahhh...Should I ask why you like Aquaman?"
"Kasi, hot siya." Natawang sagot niya.
"Ahhh...Parang hindi naman."
"Ang ganda kaya ng abs nun, Blaze. I mean, Sir Blaze pala." Pagtatama niya sa sarili.
Gusto kong matawa. Hanggang kailan mo ako pagtataguan, Lovely? Or should I call her Star?

"Sorry nga pala kanina, Sir. Dun sa suso." Hiyang-hiya siya kanina.
Doon ako natawa. "Charge to your experience."
Pinagmamasdan ko siya ng hindi niya alam... Pinapangarap kong siya ay akin.
Teka, hindi ba kanta yun?

Napatingin si Star sa akin pero nagbawi din ng tingnin.

"Star,"
"Sir."
"Mayroon kang wattpad?"
"Yes Sir." She replied.
"Pakibasa nga ang update message ni Sexylove."
"Sino yun?" Tanong niya.
Really? Hindi mo kilala?
"Hanapin mo lang sa search bar."

"Nakita mo na?" I asked.
Tumango siya.
"Ano ang message nya sa followers?"
She cleared my throat before she replied. "Ang sabi nya, I wonder if you are looking at a specific Star at night."
"Ahhh...." Yes, of course. Ang mga clue niya na mix signal pero iisa din naman ang pinupuntahan.
"Sige matulog ka na. Have a LOVELY night."

Ayaw ko pa sana siyang iwan pero mukhang hindi siya at ease sa akin as SIR BLAZE.
Nararamdaman kong sinusundan niya ako ng tingin ng palayo na ako.

"Matulog ka na." Sigaw ko sa kanya.
"Okay, Sir..."
I heard her move. Napahinto ako sa paglalakad at tinanaw ang tumatakbong si Star.

Tangina, mukhang kailangan kong magresign. Puso o Dignidad? Pumili ka Blaze. Mukha akong gago habang nakangiting papasok sa kubo na tinutuluyan ko.

Biglang nagflush back sa akin ang mga kakaunting memories ko kay Star sa classroom. I texted Lovely then her phone ping and I scolded her. Napapailing ako habang pinag-uusapan namin si Sexylove na nandoon siya sa classroom. That's why she knew na pinapahanap siya ni Michelle sa Private Investigator. At sino si Mayora? And lastly, bakit sila magkayakap ni Lego?

Oh God... I am so screwed!

Hindi ako nakatulog at maaga akong bumangon para silipin sila Star at Michelle kung ano ang ginagawa sa kusina at baka makasunog na naman.

"Should we call professional? Ayaw kong makasunog, Star." I heard Michelle's voice.
"Nagawa na natin 'to kahapon." Sagot ni Star sa kanya.
"Ano na naman yang ginagawa ninyo?" I asked.
"Fucking bloody elephant." Nagulat si Michelle at napasandal sa pader ng magsalita ako.
"Hindi ako elepante." I said.
Hawak ni Star ang posporo ng tumingin sa akin.

"Let me." Nilahad ko ang kamay ko at napamaang silang dalawa sa akin.
How cute...ni Star. "Yung posporo."
Binigay ni Star sa akin ang posporo. Sobrang ingat na hindi magdaiti ang kamay namin at tumabi siya kay Michelle.

"Bakit ang bait ni Sir?" Bulong ni Michelle.
"Uh... baka tulog pa si Sir." Sagot ni Star.
"Naririnig ko kayo."

"Eto na ang mga it..." Nahinto si Rose sa pintuan ng kusina ng makita ako. "Wow, ano ang nakain mo Sir?"
"Baka makasunog na kayo ng tuluyan ng bahay kung hindi ko kayo tutulungan." Paliwanag ko at tumayo in my full height. Nakatingala silang tatlo sa akin.
"Ikaw din ang magluluto?" Tanong ni Rose.
"I do believe na kaya nyo yan." Naningkit ang mata ko kay Rose.
"I stand here today because someone believed in me and we owe it to our children to believe in them." Sagot ni Rose na ikinatawa ng dalawa.
"Rose,"
"Yes, Sir." Sagot ni Rose.
"Kahapon mo pa ako niloloko."
Nagtawanan na naman silang tatlo.

"Kaya nyo na ba yan?"
Tumango sila.
"Sure kayo?" I asked again.
"Parang gusto mong magstay, Sir. Why ah?" Tanong ni Michelle.
Etong Michelle na ito, daming alam. Hindi naman siya ang gusto kong kausapin, siya ang sumasabat. Nakamasid lang si Star sa amin. Siya ang gusto kong marinig pero si Michelle ang maingay.
"Okay, have a LOVELY day." I said. Nanlaki ang mata niya bago ako lumabas ng kusina.

"Bakit ang landi ni Sir?" Narinig ko pang tanong ni Michelle.

Christ... bakit naging tropa nung dalawa si Michelle? Napakataklesa niya para sa dalawang tahimik na si Rose at Star.

Sexylove (Completed)Where stories live. Discover now