Chapter 18- Reminds me of You

8.6K 388 72
                                    

Blaze

"Good morning, farmers." Bati ng mga student ko sa mga magsasaka.
Naamaze sila sa kalabaw at sinakyan pa ng dalawang hapon ang tig-isang kalabaw na nananahimik.
"This is amazing." Sabi ng isa.
"Hey, get off..." Sigaw ko sa kanila.
Arrggghhh... mamamatay ako ng maaga sa mga batang ito. Ginawang kabayo ang kalabaw at nagkarera ang tinamaan ng magagaling.
"Come on carabao, run..."Sigaw nila.
Sinundan sila ng tingin ng mga magsasaka. Ang iba ay tumatawa lang.

"I didn't know that carabao can run that fast." Star commented habang sinusundan ng tingin ang dalawang baliw na hapon na iyon.
"So pwede ng palitan ang horse power ng carabao power?" Biro nung Rose. Hay, mga estudyante nga naman.

Ang ibang student ay lumusong sa putikan. Hindi matatapos ang mga magsasaka sa pagtatanim dahil sa kanila. Ay Santa Maria, ina ng awa.

Sa kubol kung saan nagpapahinga ang mga magsasaka, nakipagkwentuhan ang labin limang estudyante ko. Hanggat maari ay hindi ko sila pinapakialaman, maliban na lang sa sunog kanina sa kusina at sa dalawang kalabaw na hinihingal pagbalik sa may-ari.

"Mga Ginoo," simula ni Michelle. Napatingin kaming lahat sa kanya.
"What? Ginoo is the tagalog for Mister, isn't it?" Tanong niya. Tumango si Star at Rose sa kanya.
"Mga Ginoo, gaano na po kayo katagal na... uhmmm... hapag-lupa?" Tanong niya. Ay, napapikit ako sa hiya.
"Michelle," Star exclaimed.
"Oh God... Did I used the wrong tagalog word?" Napatakip ng bibig si Michelle habang tumatawa ang ibang estudyante na kasama ko.
"Ano po, ang nais niyang sabihin ay gaano na po kayo katagal na maralita? Ipagpaumanhin po ninyo ang kanyang pananalita at hindi siya maalam sa salitang tagalog." Pagsasapo ni Star na ubod ng lalim naman ang tagalog na ginamit.
"Hindi naman kami ganyan magtagalog." Natatawang sagot ng isang magsasaka.
"Kay lalim ng tagalog mo." Sabi ng isa at saka sila nagtawanan.

Nahihiyang nagyuko ng ulo si Star.
"Hindi naman kami pinanganak na mayaman. Nagsusumikap kami upang kahit papaano ay makapag-aral ang mga anak namin. Kahit sila na lamang ang makaahon sa hirap ng buhay." Sagot ng isang medyo may katandaan ng magsasaka. Natahimik ang mga etudyante ko.
"Mapalad ang mga anak na kaya silang pag-aralin ng kanilang magulang sa gusto nilang paaralan." Wika pa ng isang magsasaka.
"Mas mapalad po ang mga anak na may magulang na nagsusumikap para sa kanila." Nakangiting sagot ni Star na ikinangiti na rin ng mga magsasaka.

Well, isn't it nice to hear those words coming from an Atenean?

Tapos na ang trabaho sa bukid dahil tanghali na at nagpapahinga ang mga magsasaka. Wala ring gagawin ang mga bata kung hindi magpahinga rin.Ganito ang oras sa bukid, hindi ka pwedeng magtrabaho ng tirik ang araw. Masusunog pati singit mo sa init.

Nagkakatuwaan ang ilang kabataan sa paglalaro ng volleyball ng makisali ang dalawang hapon. Pasimuno 'tong dalawa na ito. May pilyong ngiti sa labi ang isang hapon ng iserve niya ang bola at pinatama talaga kay Star. Babawalan ko sana ng biglang tumawa si Star.
"Ganun ah!" Sabi niya.Tumayo si Star dala ang bola.
"Sali ako." Sabi ni Michelle.

Nagserve si Star at hindi ko ineexpect na marunong siyang maglaro. Sobrang mahiyain niya even sa class ko but when she's playing volleyball, lumilipad siya sa taas ng talon. Pinapatamaan niya ng spike yung hapon na nagpatama ng bola sa kanya kanila.

That reminds me, Lovely said she's playing volleyball. Hay, bakit ba kasi walang signal dito? Ako lang ba ang walang signal o pati ang iba? But I heard Star talking on her phone last night. She's talking to her dad.

"Rose,"
"Sir." Napatingin sa akin si Rose mula sa pinapanood na mga naglalaro.
"May sakit ba si Star?"
Kumunot ang noo nito. "Wala naman sir. Bakit mo naitanong?"
"Lagi kasi siyang nakabeanie."
"Ahhh..." She said. "Ayaw niya kasing sumasabog sa mukha niya ang buhok niya."
"Ahhh."

"Go, Ate Star." Cheer ng bata na kasama ni Star sa team.
Binigyan siya ng magandang pass ni Michelle and Star spike the ball. Tinamaan sa mukha ang hapon.
"Dammit, Star." The Japanese exclaimed. Tumawa lang si Star.
"Pwede siya sa varsity ah." I commented.
Nakangiting tumango si Rose.

"Alam nyo bang pwedeng kainin ang suso?" Tanong ni Rose sa mga kasama niya after the game. Nagpapahinga sila at nakatingin sa mga suso sa pinapil.
"What's suso?" Tanong ni Michelle. Napaface-palm si inner self ko.
"Suso... Bilisan mo ang pag-pronounce, Michelle. Medyo bastos kasi ang pagkakasabi mo." Natatawang sagot ni Rose.

Ayun na nga, nanghuli sila ng suso sa pilapil. Napuno nila ang isang timba ng suso. Mabuti kung kainin nga nila yan. Pinaluto nila kay Aling Susan ang suso at ng gabing iyon isang boodle fight ang nangyari sa court. Naglabas ng kanya-kanyang hapunan ang mga taga nayon at naging masayang hapunan ang naganap.

Katapat ko sa table sila Michelle, Rose at Star. Tinuturuan ni Rose ang dalawa kung paano kainin ang suso.
"Kung hindi kayo marunong magsipsip, butasan ninyo ang shell saka ninyo hipan." Sabi ni Rose.
Aliw-aliw akong panoorin si Star dahil ang awkward niyang gumalaw. Nasamid siya sa kakasipsip kaya binutasan ni Rose ang shell ng suso na kinakain niya.
"Ayan, hipan mo para lumabas ang laman." Bilin ni Rose.

Hinipan ni Star ang shell pero ubod naman ng lakas. Tumilapon ang laman ng suso at sakto sa noo ko dumapo. Nanlaki ang mata ni Star at natingin ang mga Ateneans sa akin.
"Sir..." Hindi niya alam kung aabutin ang suso o magtatago sa likod ni Rose.
"Sorry, Sir." Namumulang hingi niya ng paumanhin.
Nagtawanan tuloy lahat.
"Hindi ko sinasadya, Sir." Sabi niya. Tinanggal ko ang suso sa noo ko at pinunasan ito gamit ang t-shirt.
"Ginawa mong target ang noo ko ah." Biro ko sa kanya.

I gave him a small smile and she smiled and for a moment she reminds me of Lovely. Uh-oh!

Hay, signal, kailan ka ba magkakaroon?

-----------------
A/N
Merry Christmas guys, I don't have UD tomorrow ha.

Enjoy the holidays. Don't forget to Pray and give thanks.

Sexylove (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon