Chapter 24- Daddy's Girl

8.5K 327 13
                                    

Star

"Dad, okay na ako."
"Love, hindi normal ang may lagnat. Dalin na kita sa hospital." Insist ni daddy.
Natawa ako ng kaunti. "Dad naman. Pinapunta mo na si Ate Cailee dito, pati si Kuya Trevor pumunta na rin, I'm fine."
"Since when you start not needing me, Love?" Tanong ni Daddy.
"Luh, dad. Grabe ka. I will always need you."
"May boyfriend ka na ba?" Tumabi sa akin si daddy at niyakap ako na parang bata.
"Wala pa,"
"Pero malapit na?"
Natawa na naman ako.
"Mabait naman siya?" Usisa ni daddy. "Kasing gwapo ko ba?"
"Hindi siya k-pop, dad." Biro ko.
"Heh... hindi ako k-pop." Sagot ni daddy. "Ang baby ko, dalaga na."
"Baby mo pa rin, daddy." I murmured.

Mukhang Korean heartthrob si Daddy na xerox copy ni Kuya Chase. Si Mommy naman ay may lahing Chinese kaya mukha kaming wannabe na K-Pop noong nagcombine ang DNA nila ni Daddy. Kapag nga may away kami dati, sinasabi ni mommy, anong K-Drama na naman yan? Sana makahanap ako kagaya ni daddy ko. Sobrang mahal si mommy, para siyang si Eduardo kay Carlota.

Bumaba ang lagnat ko ng hapon na iyon at tinawagan ko si Rose. Pwede na rin akong pumasok sa school sabi ni Ate Cailee.
"Star, need mo ng medical certificate ha saka excuse letter." Paalala ni Rose.
"Okay. Kamusta ang quiz?"
"Super hirap. Muntik pa akong mahuli ni Sir Blaze na nagpapakopya, langya. Special mention pa pangalan ko."
Natawa ako.
"Saka he is asking what is Lego's family name."
"Ha? Bakit?" Tanong ko.
"Aba malay ko. May mood swing si Sir. One minute nakangiti, next thing we knew nagagalit na siya. At, lumapit si Ms. Rodriguez kanina sa kanya. Hala, may pahaplos pa ng muscles. Ask Michelle, kasama ko siya kanina."
"Aba't... tinamaan ng haliparot si Ms. Rodriguez." I exclaimed. Naku, babae ka.
"Exactly. Sya sige na, may pasok pa ako sa Jollibee. Hanapin ko pa si Tala. See you tomorrow." Biro ni Rose na ikinatawa ko ng bahagya.

Jeez, paano ako babalik ng Manila? Naiwan sa school ang Mirage ko, nakabalik na si Kuya Lego sa condo niya. Porsche, no choice.

Habang nasa kwarto ako, debating if I will update in wattpad or not, biglang nagmessage si Blaze.

Hi... Feeling better?
-Blaze

Yup.
-Star

Good. Can I call you?
-Blaze

Kinuha ko ang brush at nagsuklay. Fudge bar, call lang pala.

Sure.
-Star

Voice call, Star, hindi video call. Ilang segundo lang, nagring ang phone ko.

"Hi." I said. Luh, bakit ang liit bigla ng boses ko.
"Okay ka na ba talaga?"
"Yes, pwede na akong pumasok bukas."
"So, can I see you tomorrow?"
"Ummm, I am not sure." Napapikit ako.
For sure, makikita kita bukas.
"Why not? I can come to your school, you know." Sabi niya.
Aahhhhh... Shockness overload.
"Umm, I'll just message you kapag free ako." I said. "I need to catch up dahil absent ako kanina. Masungit prof ko sa Math."
"Ahh, tama. Need mo bang tutor?" Para siyang natatawa.
Natawa ako ng bahagya. "Mahal ang TF mo."
"Free naman para sayo."

Naggulong-gulong na ako sa kama. Juice kuh, ang ganda ng boses niya.
"Really, Sir? Ahh... I mean Blaze."
Shit, tanga-tanga mo Star. I heard him chuckled.
"Yup. Namimiss ko na ang update messages mo sa wattpad. Walang ng Dear Blaze."
Ihhh...Kyaahhh. I cleared my throat.
"Kasi..." Naisip ko si Ms. Rodriguez at bigla na lang akong nawala sa mood.
"Mayroon ka ng chick sa Ateneo. Ayaw ko naman makasira ng relationship." Naku, arte mo Star.
"Huh... wala ah." Tanggi ni Blaze.
"Sure or not? I have eyes and ears as Uni ninyo." Tukso ko.
"Wala talaga." Tanggi niya.
"Itago ko na lang sa pangalang Mayora si Ms. Rodriguez." Sa sobrang inis ko, nasabi ko ang name ni Ms. Rodriguez. Natawa si Blaze.
"Wala yun. Promise, wala yun. Iniiwasan ko nga eh."
"Ahh..."
Natawa si Blaze. "Grabe naman ang source mo. Parang galit sa akin ah."
"Nambabagsak ka siguro kaya maraming galit sa'yo."
"More on hindi ako kayang bayaran kaya ganoon." He replied.
"Ahh, may dignidad. Pinili ang dignidad kaysa bugbog, ano?"
Nagtatawa si Blaze sa kabilang line. "Sige na, pahinga ka na. Narinig ko na ang boses mo kaya okay na ako." Sabi niya.
Panginoon ko, kinilig ako ng super.
"Goodnight Blaze."
"Sleep well. Ingat ka, Lovely." Sabi niya.

Pinakinggan ko ang kabilang line. He is still there. Hindi niya binababa.
"End the call, Blaze."
"I don't want. Ikaw ang magbaba." He said.
I chewed my lower lip just to suppress my kilig.
"I don't want din." I whispered.
"What are we going to do about it?" Bulong niya. Hala, mas sexy ang boses niya kapag bumubulong.
"I don't know." I murmured.
"I will definitely see you soon, Lovely. Sleep na. Kailangan mong magpahinga."
"Okay. Bye Blaze."
And I ended the call and look at the ceiling.

Haayy, I need to write a letter.

I looked at the piles of the letter that I wrote for Blaze. It's still in my drawer, unmailed. Madadagdagan na naman ng isa tonight.

Tumayo ako sa kama at umupo sa study table ko. Kumuha ako ng pink na paper at nagsimulang magsulat.

Sir Blaze,
.
.
.

Nagsulat ako ng mga bagay na hindi ko masabi sa kanya. Kung sana ay kagaya ako ni Carlota na malakas ang loob. Pero hindi ba, it took her 4 lifetime bago siya nagkalakas ng loob na lumaban? Ganoon din ba katagal ang hihintayin ko para maibigay ko ang letters kay Blaze?

Hay, Star, magsulat ka na nga lang. Mayroon ka pang excuse letter na gagawin.

Sexylove (Completed)Where stories live. Discover now