Chapter 17- This Girl is on Fire

8.5K 364 50
                                    

Star

But are we all lost stars, trying to light up the dark? 
Sexylove


Hindi namin kailangan ng alarm. Maagang nagiging ang mga tao sa bahay nila Aling Susan. Alas-tres to be exact. Kinapa-kapa ko kung saan napunta ang salamin ko. Nagsabog ang buhok ko sa mukha at hindi ko alam kung ano ang uunahin. Ang magsuklay o maghanap ng salamin.

"Gosh, my whole body hurts." Narinig kong sabi ni Michelle.
Anong oras ba sila natulog ni Rose? Sobrang dami nilang kwento.
"Can you please hand me my eye glasses." I said.
Hinawi ko ang buhok ko na nakatabing sa mukha and someone hand me my hand glasses. Hay, bless you.

Sinuot ko ang eye glasses ko at parang HD ang lahat. Napalaki ang mata ko ng makita ko si Michelle na nakatutok ang mukha sa akin.
"Bloody fucking hell." She exclaimed.
Nagtago si Rose sa kumot habang tumatawa.
"What?" Natatarantang tanong ko kay Michelle.
"Don't move..." She said at lumapit pa siya ng kaunti sa akin. Hinawakan niya ang salamin ko at inalis.
Malabo nga... inalis mo pa talaga.

Binalik ni Michelle ang salamin sa mata ko, ayan malinaw na ulit.
"We are looking for you!" She cried out.
Ha? Oh Gosh... Kinapa ko ang beanie ko. Oh Lord.
"Sexlylove." She whispered sabay tawa.
"Oh my God," Natataranta akong pinagtataas ang mga unan para hanapin ang beanie.
"Sir Blaze will be very pleased to see you."
"Shhh..." Tinakpan ko ng kamay ng bibig ni Michelle.
Si Rose amuse na amuse sa amin.
"He doesn't have to know," I whispered to Michelle.
"Why not?"

"Because..." I looked at Rose and pleaded for help.
"Because she wanted Sir Blaze to see her beyond per Sexylove persona," Rose explained.
Napaupo si Michelle na naka-indian sit style at tumingin sa akin.
"I get it." Huminga ng malalim si Michelle. "Gosh, ang shunga ni Sir Blaze."
Natawa si Rose. "Believe me, I can't blame him. Kung ako nga na bestfriend hindi ko siya namukhaan, paano pa si Sir na madalang siyang makita."
"Waahhhh... I can't wait to see his face when he finds out." Yumakap sa akin si Michelle at muntik na kaming matumba na dalawa.
"Secret lang natin 'to ah?" Kinakabahang tanong ko.
"Geez, sureness friends." Sagot ni Michelle.

Lumabas kami ng kubo ni Aling Susan na hindi pa naliligo. Tinitigan namin ni Michelle ang kalan na gatong at hindi namin alam kung paano papaapuyin ito.
"Kailangan ba nating magkiskis ng wood?" Tanong ni Michelle. "This is so Neanderthal thing, we need help."
"Papagalitan lang tayo ni Sir Blaze. Let's try bago pa mag-call time." Yaya ko kay Michelle. Rose is somewhere looking for something to eat. Pupunta daw siya sa kulungan ng manok to find some eggs.

Nilagyan namin ng kahoy ang pagitan ng mga bato. Nakahanap kaming posporo, thank God. Nilagyan namin ni Michelle ng papel ang ilalim ng mga gatong at inapuyan. Nakatatlong posporo na kami pero ayaw magsindi.
"I think we need to ihip."Michelle suggested.
So, we make ihip the apoy to the gatong. Lahat ng ashes pumunta sa mukha namin ng hinipan namin ang kalan.
"Oh my God!" Michelle exclaimed habang nauubo kami.
Sakto namang padating si Rose at nakasunod si Sir Blaze sa kanya.

Napahinto si Rose at nagtatawa ng makita kami.
"Ano ang nangyari sa inyong dalawa?" Tumatawang tanong ni Rose.
"We don't know how to use this thing." Tinuro ni Michelle ang kalan na nagsabog na ang abo. Tumalikod ako kay Sir Blaze at pinunasan ang mukha ko.
"Nilalagyan kasi ng gaas yan para umapoy." Sabi ni Sir.
Tinuro niya ang bote ng gaas sa ilalim ng kalan.

Nakapamewang siya sa likod namin habang hawak ko ang gaas at si Michelle naman ay nagsindi ulit ng posporo. Hinayaan kami ni Rose at Sir Blaze na paapuyin ang kalan.
"Okay, I will light this and you will pour that gaas thing." Sabi ni Michelle.
Tumango ako at huminga ng malalim. Pagkasindi ni Michelle ng posporo, nilagyan ko ng gaas ang kalan. Eh naparami ang lagay ko kaya nagmukhang may sunog sa kusina ni Aling Susan. Sa sobrang taranta ko pinaypayan ko ang apoy pero mas lalo itong lumaki.
"Oh God, there's a fire!" Sigaw ni Michelle. Ang laki ng apoy at malapit ng abutin ang pawid at grass roof ni Aling Susan. Nagmamadali si Sir Blaze na binuhusan ng tubig ang kalan. Yung dapat na ipapainit naming tubig, naibuhos sa apoy. Nahihiya akong nagtakip ng mukha.
"Urrr, Sir, can we just make hingi na lang ng coffee sa inyo?" Tanong ni Michelle kay Sir Blaze na mukhang namutla dahil muntik na kaming makasunog ng bahay.
"No... Ulitin nyong paapuyin yan." Sagot ni Sir. Medyo mahigpit siya.

Laglag ang balikat kong kinuha ang takuri at pumunta sa poso para kumuha ng tubig. Pagbalik ko, may apoy na ang kalan at si Rose na ang nagluto. Michelle volunteered to make the coffee. Nahihiya ako, Diyos ko po.

Kasabay naming nag-almusal sila Aling Susan at ang mga anak niya. Si Sir Blaze ay nakikain na din sa amin. Tawa ng tawa si Aling Susan ng humingi ng paumanhin si Sir sa kanya.

Nahinto ang lahat ng humigop kami ng kape maliban kay Michelle.
"How's the coffee?" Nag-aalalang tanong ni Michelle.
"It tastes like paint thinner and bad decision." Sir Blaze replied. Kumunot ang noo ni Michelle at tinikman ang kape.
"Ekkk." Sabi niya at nagtatakbo sa kusina para iluwa ang kape. Maryosep, lasang petrol ang kape.
Bumalik si Michelle at malakas na bumuntong hininga. "I will fail this test called Life." She murmured.
"Sorry po, Aling Susan." Hinging paumanhin niya.
"Mayroon pang mas malala kaysa sa lasang gaas na kape. Huwag mong kimkimin yan." Nakangiting sagot ni Aling Susan.

"Ano gagawin natin ngayon, Sir?" Tanong ni Rose.
"Magtatanim sa bukid." He replied.

Napangiti ako.
Natingin si Sir sa akin.
Nagtama ang paningin namin.
Nahiya ako.
Pero kinilig ng kaunti.

"Star,"
He remembers my name. "Yes sir,"
"May uling ka pa sa pisngi." Sabi niya. Akalain mong dumukwang si Sir at tinanggal ang uling sa pisngi ko. Parang nahinto ang lahat.

"Moira, pasok." Tukso ni Rose.
"At tumigil ang mundo, nung ako'y ituro mo." Biglang kumata si Michelle kaya nawala ang moment.

Siya ang panalangin ko.
Bulong ng puso ko.

Sexylove (Completed)Where stories live. Discover now