Chapter 25- Humahanga, Lovely Star

9.1K 489 131
                                    

Blaze

I got her schedule... ganun ako ka-stalker level na kay Star. So when I passed her room, tinawag ako ng prof niya.

"Sir Blaze," Tawag ni Ma'am Reyes. Isang prof ng Filipino at kabiruan ko sa faculty room.
"Yes, Ma'am." Sagot ko naman dahil mas matanda siya sa akin.

Natingin ako sa buong klaze at nahanap ko si Star na nasa likod at mukhang nagtatago.
"May klase ka ba?"
"Wala ngayon. Bakit Ma'am?" Tanong ko.
"Ahh good, Ms. Marcelo, pakibasa mo nga itong excused letter mo." Tawag niya kay Star.
Naguguluhang tumayo si Star at lumapit kay Ma'am Reyes.

Maingat niyang binuksan ang letter na nasa pink na papel at nanakunot na binasa iyon. Nanlaki ang mata niya at tumingin kay Ma'am Reyes.
"Ma'am, wrong letter po ang nabigay ko." Sabi niya.
"Basahin mo lang."
"Hindi po Ma'am." Namumutla na si Star.
Medyo strick pa naman si Ma'am Reyes sa mga student.
"Basahin mo." Sabi ni Ma'am Reyes.

Napatingin sa akin si Star at mukhang hihimatayin na.
"Hindi ka lalabas hanggat hindi mo binabasa yang excused letter mo." Sabi ni Ma'am Reyes.

"Sir Blaze," Simula ni Star. Natahimik ang buong klase dahil mahina ang boses niya.

Hindi mo marahil napapansin ang isang bituin na laging nag-iisa at nakatunghay sa iyo sa tuwing ikaw ay dumadaan. Marahil hindi mo rin nararamdaman na ang hinahanap mo ay nasa iyo ng harapan. Ang puso ko ay kumakabog sa tuwing ikaw ay nariyan at ang aking paningin ay kusang dumadapo sa iyo kapag ikaw ay nasa malapit lamang. Hindi ko alam kung paano ko ipaparating ang damdamin, marahil ako ay isang hibang kung iyong iisipin. Isa na namang liham ang mapupunta sa aking kahon. Isang liham na maisasama sa mga sulat ng kahapon. Ang liham ko para sa iyo ay nag-uumapaw na. Hindi ko na alam kung dapat ba akong magsulat pa. Para tayong Disyembre tenta'y uno at Enero uno. Magkalapit ngunit ang pagitan ay taon. Para kang araw sa buwan, na kailanman ay hindi lilingon.

Humahanga,
Lovely Star
Nakayuko si Star ng matapos niyang basahin ang sulat.

"Ms. Marcelo,"
"Ma'am?" Para na siyang iiyak.
"Exempted ka na sa Finals." Wika ni Ma'am Reyes.
Hindi nagtaas ng tingin si Star.
"Ayiiiee," Nagsimula naman ang tuksuhan ng mga student.

"Can I take my seat?" She asked in a small voice.
"Magsalita ka ng tagalog." Wika ni Ma'am Reyes.
"Maari na ba akong maupo?"
"Maupo ka na." Sagot ni Ma'am Reyes.

"Salamat Sir Blaze sa pakikinig." Sabi ni Ma'am Reyes.
Hindi ako kumibo ng lumabas ako ng room pero tangina, gusto kong tumalon. Iniwan ko ang klase ni Star at kailangan ko siyang makausap mamaya. Well, she knows how to make me smile with her tagalog letter.

Sabi niya ay marami siyang letter na ginawa for me kaya lahat? Ah, hell, conyo na ako.
Isa lang ang malinaw, she likes me. She fucking likes me.

Buong araw kong hinahanap si Star. It's either nagtatago siya sa libro sa tuwing nadadaan ako sa room niya or bigla siyang tatalikod sa hallway at hahatakin si Rose na nagugulat na lang sa kanya.

"Michelle," Hinarang ko si Michelle ng makita ko sa hallway.
"Uy Sir, you make me gulat." Sabi niya.
"Nasaan si Star?"
Nanlaki ang mata niya.
"I don't..."
"Magagalit si Father Clifford kapag nagsisinungaling ang mga Ateneans." Paalala ko.
"Ihhh Sir, may paguilty conscience kang nalalaman." Reklamo ni Michelle.
"So where is she? Kailangan ko siyang makausap about sa make-up quiz."
Huminga ng malalim si Michelle.
"Nasa library. Sa pinaka dulong aisle, sa history section." Sagot niya.
"Thanks."

Sa pinakadulong aisle ng library ko nakita si Star na nagtatago nga sa buong Ateneo. Nakatakip ang mukha niya ng libro, nakasalampak sa floor at nakasandal sa pader. I squatted in front of her.

"Hello."
Parang naestatwa si Star at nastuck ang libro sa mukha niya ng magsalita ako.
"Hindi ako mawawala kahit takpan mo ng libro ang mukha mo, Star." Kinuha ko ang book sa kanya at ibinaba.
"S..Sir Blaze." Pinagpawisan bigla si Star kahit naka aircon ang library.
Umupo ako sa tabi niya. Nakagitna sa amin ng libro na binaba ko.
"Kailan ka magma-make-up quiz sa akin?" Tanong ko.
"Hindi pa ako ready." Sagot niya.
"Kailan ka magiging ready?"
"Hindi ko alam." Dumukmo siya sa at tinago ang mukha sa tuhod.

"Pabasa ako ng sulat mo."
"Oh God." She murmured.
"Star,"
"This is so embarrassing." She murmured.
"Lovely Star Marcelo."
Napasilip siya sa pagkakadukmo niya.
"Gusto mo bang manood ulit ng sine?"
Nanlaki ang mga mata niya at dumukmo ulit.

"Hey, ayaw kong kausap ang beanie mo ah. Harapin mo naman ako, kanina pa kita hinahanap." I said to her. Namumula siyang nag-angat ng mukha.
"Should I call you Lovely or Star or Sexylove?"
Nangiti ako ng mamula pa ng kaunti si Star.
"Kamusta na ang pakiramdam mo? May lagnat ka pa?"
"I think I'm gonna be sick again." She murmured.
"Nah, you'll be fine. So how? Date tayo ulit?" I winked at her and guess what? Nagkulay mansanas na siya.

"I think I'm going to faint."
"Ah, kakailanganin kitang irevive niyan." Biro ko.
"Ay, okay na pala ako." Sagot niya.

Ang cute ni Star. Well,
"Date tayo ulit?" I asked her again.
"Sir..."
"Just, Blaze," I told her.
"Blaze," She whispered my name.

Damn, I need to resign. Sure na ito, babalik ako sa Overdrive.

Sexylove (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora