Chapter 19- Iceberg

8K 352 51
                                    

Blaze

Nakapalibot kami sa bonfire sa isa sa mga pahingahan ng mga magsasaka. Apos na kaming kumain at kailangan ko silang kausapin lahat about sa reflection nila sa dalawang gabi dito sa bukid.

"May napulot naman kayong aral sa experience ninyo dito?" Tanong ko sa kanila.
"Well, sir..." Simula ni Michelle.
"Gusto kong magtagalog kayo." I said na ikinaangal nila.
"Magsimula ka Michelle."
Michelle cleared her throat bago nagsalita.
"Naisip ko na ang hirap ko pala when it comes to experience." Sagot niya.
"Tagalog..." Paalala ng mga kasama niya.
"It will take us years if I speak in pure tagalog." Naiinis na sagot ni Michelle.
"Sige magconyo na kayo." Sabi ko.

"Dati, I took for granted our kalan. Now I understand that lighting wood is not easy. Dati I took for granted ang faucet at hot water, pero kanina ang hirap maligo. I used to complain a lot... siguro babawasan ko na lang ang pagko-complain ko." Sabi niya.
"Isang bagsak." I said at pumalakpak kami ng isang beses.
"Ikaw naman Rose." Tinuro ko yung katabi ni Michelle.
"Umm, I live in slums of Marikina and the life there is very poor and very sad. I've always taught myself to look for the beauty in it, to look for the beauty in the faces of the children, and to be grateful." Sagot ni Rose na ikinatawa nilang lahat. Niloloko ba ako ng mga ito?

"I would bring this aspect as a future Psychologist to see situations with a silver lining, and to assess where I could give something, where I could provide something. If I could teach also people to be grateful, we could have an amazing world where negativity could not grow and foster, and children would have a smile on their face. Thank you." Dagdag pa si Rose at nagpalakpakan sila habang tumatawa. Inuulol yata ako ng mga ito.

"Yung totoo, saan mo galing yang sagot mo na yan?" Tanong ko kay Rose.
"To sum it up Sir, just be grateful." Tumatawang sagot ni Rose.
"Tagalog nga ang isagot ninyo. I want pure tagalog. Ikaw naman, Star."
Huminga ng malalim si Star at tumitig sa apoy.
"Aking naunawaan na hindi madali ang mamuhay ng payak katulad ng hindi madaling mahuhay ng masagana. Ang bawat isa ay may sariling suliranin sa buhay at hindi natin mauunawaan ang bigat ng suliranin ng iba hanggat hindi tayo tumutungtong sa kanilang mga paa. Kung minsan, nakakalimutan nating tumingin sa kung ano ang nasa ating harapan sapagkat ang ating paningin ay nasa malayo. Nakakalimutan natin magpasalamat sa kung ano ang mayroon tayo. Mapalad ang mga batang may magulang na nagsusumikap kagaya ng sinambit ko kanina sapagkat natututo silang mangarap at inaabot nila iyon. Pinagpapaguran nila iyon at minamahal ang bawat tagumpay na kanilang nararating. Iyon marahil ang kulang sa karamihan sa atin. Nakakalimutan nating pahalagahan ang mga bagay na mayroon tayo dahil hindi natin ito pinaghirapan."

Natahimik kami at nakatingin kay Star. Napatingin siya sa akin at biglang namula.
"I didn't understand half of what you said." Sabi ng isang babaeng student sa kanya.
"Ang lalim mong magsalita ng tagalog." I commented to her na ikinangiti nya lamang.

Nakinig ako sa mga reflections nila. Ang iba ay mukhang walang natutunan sa excursion na ito.
"Ikaw, what's your name?"
"Lego." Sagot niya.
"What is your reflection?"
"Mabilis tumakbo ang kalabaw." Sgaot niya na ikinatawa ng lahat maliban kay Star na nakatitig sa kanya.
"Anything else?" Naiinis na tanong ko.
"Giving everything that you have is stupidity." He murmured.
"Paano mo nasabi iyon sa maikling panahon dito?" Nakunot ang noo ko.
"They don't have savings, they give everything to their children until there's nothing left." Sagot niya.
"That's what parents do." Sagot ni Rose sa kanya. "That's what parents supposed to do." May kaunting luha ang mga mata pero pilit na nilalabanan.

"Then what? After their child left, wAno ang matitira? Nothing? Kapag iniwan ka, wala ng matitira sa iyo dahil binigay mo lahat." Nagsimulang makipagtalo si Lego.
"That's what you called unconditional love." Giit ni Rose.
"And that is stupid." Sagot ni Lego.
"Who were you before they broke your heart? Clearly, you are bitter until now." Tumaas na ang boses ni Rose.
"Okay, stop." Pigil ko sa kanila.
Nagtatagis ang mga bagang ni Lego. Tumayo siya at nagwalk out. Ang hindi ko inaasahan ay ng tumayo si Star at sinundan si Lego.

And... it bugs me? WTF!

"Wow, that was intense." Michelle murmured habang nakatingin kami sa likod ni Star na papalayo.
"Napaka-emo." Naiinis na comment ni Rose.
"Don't judge everyone based on what you see on them. Remember why Titanic sink." Sabi ng isa sa dalawang hapon.
"Dahil bumangga sa iceberg." Sagot ng isa sa mga not so bright na student.
"That and they underestimate how big the iceberg below the surface." Sagot ng hapon.

Akala ko puro kalokohan langa ng alam ng mga hapon na ito. Looks like I underestimate them too.

"Kayo Sir, ano ang reflection ninyo?" Tanong nila sa akin.
"That looks can be deceiving," I replied.
"That, I agree, Sir." Sagot ni Michelle. "Maybe you need to be more observant? Baka magaya ka sa captain ng Titanic, naunderestimate ang iceberg."
Wow, dalawang gabi lang sa bukid at naging matalino si Michelle, bigla.

"Susundan ko lang ang dalawa at baka kung saan magpunta."
"Hayaan nyo sila, Sir." Awat ng isa sa hapon. "Magkakilala yung dalawa na iyon."
Napahinto ako sa pagtayo.
"Kaya ni Star na kausapin si Lego." He assured me.
Naningkit ang mata ko na ikinangisi nila.
"Magsyota ba ang dalawa na iyon?" Naitanong ko bigla.
Natawa ang dalawang hapon pero hindi nagconfirm.

Napatingin ako kung saan sila nagpunta.
Why does it bug me?

----------------------
A/N

Ang deep naman ng usapan nila. Ang mature nilang pakinggan.

Sexylove (Completed)Where stories live. Discover now