Chapter 4- Ikotable

9.5K 397 15
                                    

Star

Why you aren't obeying the Laws of Physics? Like, for every action there should be an equal and opposite reaction, right?

-Sexylove

"Hoy."
Nagulat ako kay Rose. Muntik ng tumilapon ang cellphone na hawak ko. Alam kong nasa classroom si Sir Blaze, and his student is making usap with me.

"Sobrang serious mo. May kachat ka ba?" Tumabi sa akin si Rose at binigyan ako ng fries galing Jollibee.
"Hinahanap ko si Tala eh. Tagal ko ng nagwowork sa Jollibee hindi pa siya kumakain ulit doon." Sabi ni Rose. Napamaang ako sa kanya.
"Hindi mo ba nabasa ang A Love Beyond Time?" Tanong niya habang sumusubo ng fries.
Ako kasi ang nagsulat nun.
"Ay, grabe, basahin mo ah. Para kiligin ka bukod kay Sir Blaze." Bulong ni Rose.

"What do you think of her?" Tanong ko kay Rose. Nalunod na naman kaming dalawa ni Rose sa sarili naming mundo.
"Who? Si Carlota?"
"Hindi. Yung writer."
"Ah, si Sexylove. As a student of science," Simula ni Rose na ikinaikot ng mata ko.
"I think she's a little shy. And she likes Sir Blaze too kagaya mo. But then again, majority naman ng buong campus crush si Sir. She must be lonely but smart and witty. I wonder why she hasn't revealed her identity."
"Kasi nga, shy." Maikling sagot ko.

Nagtunugan ang lahat ng phone ng mga nakapaligid sa amin. Nakasilent ang phone ko kaya hindi ko alam kung mayroon akong message. Nagvibrate ang phone ni Rose at nanlaki ang mata niya sa message na binabasa. After niyang basahin ay pinakita niya sa akin.

The search is on for finding SEXYLOVE. A page in FB has been created and you can give your inputs on her whereabouts. Sir Blaze de Silva is looking for her. Contact our president on this search, Michelle Salvacion. We are one on this search, ATENEANS. Fight, Fight Blue and White Go, go Ateneo.

Hala...hala... lagot na.

"Uy, namutla ka. Mas matindi pa kay Ms. Rodriguez ang karibal mo. Shockness, si Sexylove ih."
Natingin ako kay Rose na patuloy sa pagnguya.
"I have a confession to make." Mahinang sabi ko.
"I'm not the right person. You need to talk to Father."
"Seryoso ako Rose. Tara, labas tayo." Hinila ko si Rose at natapos ang fries na hawak.
"Sayang, wala pang 5 minutes." Sabi niya pagkadampot sa fries, pinagpagan at sinubo.

Nanlalamig ang kamay ko habang sakay ng kotse ko na pinagtatawanan ng mga kapatid ko, by the way. Sila kasi super cars ang mga kotse, ako eto, Mirage, para makablend in. Si Kuya Lego, Audi R8 ang dala sa school eh. Tapos itatabi pa ng dalawang Fujihara ang kotse nila na Bentley. Nagtitigisa pa ng kotse yung dalawa na yun, magkasama naman sa condo.

Balik tayo sa problema ko.

"So, ano ang gusto mong sabihin at nagroad trip tayo sa C5 na ubod ng traffic?" Tanong ni Rose sa akin.
"Ako si Sexylove." Sabi ko sa kanya.
Mabagal na lumingon si Rose sa akin mula sa pagkakatingin sa bintana.
"No shit?! Ikaw nga?" Nanlalaki ang mga mata niya.
Tumango ako sa kanya at binigay ang phone ko.

Tiningnan ni Rose ang phone ko at nakita niya ang wattpad ko na nakabukas.

"Hala, tangina...ay sorry." Nagtakip si Rose ng bibig.
"Binabawi ko na ang sinabi ko kanina, hindi ka lonely, just shy. Pero witty? Totoo, Star? Witty ka?"
"Ihhh... Rose naman eh." Malapit na akong maglupasay.
Biglang tumawa si Rose.
"Pinaghahanap ka ng buong Ateneo." Sabi niya. "Baka nga pati sa UP at Miriam College, pinapahanap ka rin." Tawa ng tawa si Rose.

"Ano ang gagawin ko?"
"Ano ba ang gusto mong gawin? Mahahanap ka ba kung ayaw mong magpakita?" Sagot ni Rose.
"Psychology says, people who hide are usually harder to find."

Nagtawanan kami ni Rose.
"Make them ikot-ikot sa paghahanap because they are ikotable naman. Give mix signals so Michelle will be hilo after." Ginaya ni Rose ang mga conyo accent sa school. Tawa ako ng tawa kay Rose.
"Pero Star, grabe yang pasabog mo. Nawindang ako. So, kailan mo matatapos ang POV ni Eduardo?"

"Malapit na." I replied.
"Eh si Roberto, may POV ba? Bakit mo binigay si Roberto kay Veronica? Tampalasan ka."
"Umayos ka nga Rose, parang totoong tao yang mga tinatanong mo." Napakahyper nitong babae na ito.
"Seriously, ang lawak ng imagination mo. Ang galing mong magsulat. Bakit ngayon ko lang nalalaman ang mga ito?" Walang halong hinanakit ang pagkakatanong ni Rose.
"Kasi nga, shy ako."

"Balik na tayo ng school. Gusto kong sumagap ng chismis. Hahaha, gusto ko silang makitang maghanap sayo. Tapos tayo chill lang, pinapanood lang sila." Tawa na naman si Rose.
"Huwag kang papahalata." Babala ko kay Rose.
"As if may nakatingin sa ating dalawa." Sagot ni Rose.
"Yun nga ang maganda eh, invisible ang hinahanap nila."
"Sigurado ka diyan ah? Kapag ako, nabuko." Hindi pa rin ako sure sa gagawin ko. Lilipat talaga ako ng school kapag nabuko ako. As in, doon ako sa Africa lilipat.
"They will not make buko you, kasi they will look at the wrong direction. Pero iba ang Ateneo ngayon ah, #puso. Let's go na. Ngayon lang ako ginanahan pumasok sa school. I'm so eggsoited. Para kang si Nemo ngayon. Hahaha. "
Ewan ko sayo Rose. Para kang lasing kausap.

Dear Blaze,

Hindi mo ako makikita kung hahanapin mo ako sa ibang tao.

Nagtatampo,

Sexylove

Sexylove (Completed)Where stories live. Discover now