Chapter 36- 3 years ago

8.5K 335 28
                                    

Blaze

"Ano? Sino ang kasama ni Star?" Tanong ko kay Brix.
"Tangina mo kang chismoso, hinahanap ko yung star na gagamitin sa kasal namin. Doon ka nga, nakikinig ka sa usapan." Pagtataboy ni Brix sa akin.
"Ahhh, linawin mo kasi."
Iniwan ko si Brix na kausap si Michelle.

Ang daming bata na nagkalat sa bahay nila Margaux. Apat na anak ni Mia, tatlo ang kay Chase. Mabuti na lang mga baby pa ang iba, kundi sobrang gulo.

"Doon muna kayo kay Ninong Blaze." Sabi ni Mia sa mga anak niya. Apat na makukulit na bata ang dumamba sa nanahimik kong buhay sa porch.
"Bakit nandito kayo? Ako ba ang tatay nyo? Find your daddy." I told them. Pero syempre hindi ako pinakinggan. Dalawang baby girl ang nakakapit sa magkabilang hita ko at ang dalawang lalaki naman at nanlambitin sa dalawang braso ko.
"Miaaaa... Yung mga anak mo." Sigaw ko kay Mia na tumatawang pumasok sa loob ng bahay nila Margaux.

"Nagninong ka kasi ng madami." Biro ni Sky sa akin na papasok sa bahay nila Margaux kasama ang asawa niyang si Juancho.
"Sky, pakitawag ang mga magulang nito." Pahabol ko sa kanila bago nila tuluyang makapasok.

Bumukas ang pintuan at lumabas ang tatlong anak ni Chase kasunod si Summer.
"Ayon pala sila, go... Makipaglaro kayo sa pinsan nyo." Sabi nito.
"Hey, huwag mo ng dagdagan." Tumatawa lang si Summer ng tumakbo ang dalawang anak niyang lalaki at sumamang manlambitin sa braso ko.
"Practice yan para sa'yo." Sabi nito.
Cute lang kayong lahat tingnan dahil sa mga asul nyong mata, pero saksakan kayo ng sutil.

"Tito Blaze, swing mo kami." Hiling pa ng isa sa anak ni Chase.
"Paano? Sige nga? Bitawan nyo muna ako." Lalong kumapit ang mga chikiting gubat at hindi ako binitawan.
"Bitaw na. Matutumba na tayo.Madadaganan ko kayo." I shook them off, one by one. Nanalalambot akong napaupo sa upuan at heto na naman sila. Ginawa akong Mount Everest at nagsimula silang umakyat sa akin.
"Grabe na ang torture nyo sa akin." I said na ikinatawa ni Summer.
"Okay guys," She clapped her hand at nagpulasan ang mga bata. Whoah, what a relief.
"Let's go inside. There is an ice cream."
"Yeeeeheeeyyyy." Sigaw nila at isa-isang nagtakbuhan sa loob ng bahay ang mga chikiting gubat.

"Kaya pa Blaze?" Tanong ni Summer.
"Hihinga muna ako. Sunod ako sa loob."

Huminga ako ng malalim na ninamnam ang tahimik na paligid. Akala ko si Star na ang kasama ni Michelle. It's been three years. Ang tagal na niyang hindi umuuwi.

3 years ago.

"Sabi na kasing tigilan mo muna." Nabubuwisit si Jaxx, alam ko. Duguan ang mukha ko dahil sa mga sapak ng magkapatid. Pero si Star, umalis na si Star.

"Hesusmaryosep, ano ang nangyari sa'yo?" Tanong ni Tita Merj ng ipasok ako sa bahay ni Jaxx kasunod si Margaux.
"Binugbog ng magkapatid na Marcelo. Tang-ina, tigas ng ulo kasi eh."Kulang na lang tadyakan ako ni Jaxx. Si Margaux ang nagpunas ng mukha ko na tumutulo ang dugo mula sa sentido at kilay.
"Dalin nyo na kaya sa clinic? Blaze, nahihilo ka ba?" Nag-aalalang tanong ni Tita Merj.
Umiling ako at patuloy sa pagluha.

"Jaxx, nakita nyo ba si Blaze?" Narinig kong tanong ni Mia bago pa siya makapasok ng bahay nila Jaxx.
"Oh shit, ano ang nangyari?" Tanong ni Mia ng makita ako. Gusto kong tumawa kahit papaano ng makita ko si Mia na nahihirapang yumuko para tingnan ako.
"Baka pumutok yang tiyan mo, huwag kang yumuko." Nakuha ko pang magbiro kahit umiiyak ako.
"Kung hindi lang basag yang mukha mo, sinapak kita." Sabi niya bago lumayo ng kaunti at naupo sa sofa.

"Blaze, kailangan nating magpunta ng clinic. Malaki ang cut sa may kilay mo." Sabi ni Margaux sa akin.
"Hayaan mo lang Margaux." Walang ganang sagot ko.

Halos natanggal na ang mga dugo sa mukha ko ng bumukas ulit ang pintuan.
"Yumi," Tawag ni Tita Merj.
Nakatitig sa akin ang tinawag na Yumi. Kahawig siya ni Star. Lumapit siya sa akin at huminto sa harapan ko.
"Okay ka pa?" Seryoso ang mukha niya ng tanungin ako.
"Hindi ko po alam ang isasagot sa inyo, Tita." I replied honestly.
"Blaze, tama?"
Tumango ako.
"Gusto kong magalit sa iyo sa nangyari pero alam kong may dahilan kang hindi pinapakinggan ng mga anak ko dahil pinatuloy ka pa rin nila Jaxx sa bahay nila. Gusto kong pakinggan mula sayo ang nangyari. Makikinig ako, Blaze." Naupo si Tita Yumi sa tabi ko.

"Tita, hindi ko po alam na student ko si Star noong una. Nagsimula po yun sa mga status niya sa Wattpad. Hanggang sa nagpost siya ng mga messages directed to me. Her pen name is Sexylove and I don't have any idea who she was. Then, we started to exchange direct messages and she agreed na magpakita na sa akin. It was during the UAAP basketball game ADMU vs UP that I first saw her. Akala ko taga UP siya dahil nasa bench siya ng UP at nakamaroon."

"It was true Tita Yumi. We knew that and I volunteered to watch the game so Star would not be alone in UP bench during the game although I pretend that I don't know her because that's what she wanted." Dagdag ni Jaxx. Medyo may kaunting kurot sa pakiramdam na alam na pala ni Jaxx kung sino siya but he must be protecting Star, I understand.

"Star is very different when I meet her the first time. Wala siyang beanie at glasses. And she said her name is Lovely. So I called her that. After that, I started to read her stories at napapadalas na din po ang pag-uusap namin. Noong nag-excursion kami, doon ko lang nalaman na si Lovely at Star na student ay iisa when I borrowed her phone dahil siya lang ang may signal sa amin. I call Lovely's number and MY NUMBER appeared on her contacts."Huminga ako ng malalim at nagpatuloy.

"After niyang magkasakit, I talked to her and found out that she is indeed the Lovely that I know. So I submit a resignation kinabukasan para maayos ko siyang maligawan. But the management asked me to finish my semester so we end up meeting outside and not speaking at school. Until that day when Ms. Rodriguez threatens me na ipapa-expelled si Star sa Ateneo. I was scared for Star at sa lahat ng achievements niya. Ms. Rodriguez started to harassed me weeks before and I already filed a complaint to the ADMU management but they just throw it. Hindi ko alam ang gagawin for a moment ng sabihin ni Ms. Rodriguez iyon kay Star. That was the time she started to kiss me and Star and her friends saw it."

"Saan nagfa-fall si Lego sa kwento mo?" Tanong ni Tita Yumi.
"The day Star decided to transfer to another Math prof, I followed her at the parking lot to explain my side. Lego saw it and he protected Star from me. I didn't fight back but and explained to the Guidance that it was a misunderstanding but they didn't listen and kicked him out."

Huminga ng malalim si Tita Yumi.
"I understand your point Blaze but give Star time and space. She needs to grow up, alone if must. As for what my sons did to you today, I would like to ask for an apology on their behalf."
"No need po Tita. I understand po. Kapatid po sila."
"What is your plan now?" Tanong ni Tita Yumi sa akin.
"Nagresign na po ako sa Ateneo. Hindi na po ako babalik doon. Nasa Overdrive na po ulit ako. At hihintayin ko po si Star na bumalik hanggang sa ready na siyang making sa paliwanag ko."
Tumango si Tita Yumi. "I will talk to my family regarding this. Mag-iingat ka Blaze." Sabi ni Tita bago siya nagpaalam na umalis.
"At least mahinahon si Yumi. Magiging okay din ang lahat Blaze." Sabi ni Tita Mejie sa akin.
Natahimik kami for a while.

"Uhmm, Jaxx." Tawag ni Mia.
"Ano? Gutom ka na naman?" Tanong ni Jaxx kay Mia.
"Hindi... Parang manganganak na yata ako. Call Ralph,"
"What? Nakichismis ka dito, humihilab na pala yang tiyan mo?" Singhal ni Jaxx kay Mia.
"Huwag mo na akong pagalitan..." Sigaw ni Mia at nalukot ang mukha sabay hinga ng mamalim.
Nataranta kaming lahat at dinala si Mia sa clinic pansamantala. Habang nasa delivery room si Mia, ako naman dinala sa ER. Tangina si Mia nabiyak yata mula lalamunan hanggang talampakan sa dami ng anak.

Sexylove (Completed)Where stories live. Discover now