Chapter 14- Breathing

9K 374 21
                                    

Star

You are my favorite distraction.
Sexylove

"Sira ulo si Sir Blaze. Kung hindi siya nagtext, tutunog ba ang phone? Tapos siya pa ang galit?" Tumatawang bulong ni Rose sa akin.

Kung bakit naman kasi oras ng klase nagtetext si Blaze sa akin. Ayun napagalitan tuloy ako ng prof. ko na hate na hate ang tunog ng phone sa klase.

"Anyare sa date? Talagang sa Gateway kayo nagpunta. Alam na alam mong walang taga Ateneo na maliligaw doon ha!"
"It's not a date." Tanggi ko kay Rose.
"Talaga? Mukha mo."

Napahinto bigla si Rose ng dumaan sa harap namin ang tinatawag niyang F3.

"Oy, Star, pahiram ng pen." Lumapit si Kenshin sa akin at binyksan ang back pack ko. Nakatingin sa amin si Rose.
"Bakit lagi kang walang pen?" Naiinis na tanong ko sa kanya.
"I will give you a box when I go to Rockwell." He replied.
"Bakit hindi ka pa bumili kahit sa SM man lang?"
"Malagkit ang sahig sa SM. Hindi ako nagpupunta doon." Sagot niya.
"Arte mo." I murmured.
Walang kibo si Kuya Lego habang hinahalungkat ng kaibigan niya...I mean namin... ang bag ko.

Nag-aalala talaga ako kay Kuya. Nawala ang buhay sa mata niya buhat ng mawala si Kyla.
"Thanks, Star. I owe you one." Sabi ni Kenchin at isinarado ang bag ko.
"You owe me a lot of things." I sarcastically replied.
Sinundan ni tingin ni Rose ang tatlo ng lumakad sila palayo sa amin.
"Kilala mo sila, obviously." Sabi ni Rose sa akin.
Tumango ako kay Rose.
"How?"
"Kapit-bahay namin si Kenshi at Raiden." Paliwanag ko.

Nanlaki ang mata ni Rose. "As in? Rich kid ka din?"
I rolled my eyes. "What if I am, may magbabago ba?"
"Well, wala naman pero bakit hindi ko alam?" Nakangusong tanong ni Rose.
"Because you were allergic ko rich kid and I don't want to be labeled as one," I replied.
Tinanaw ng tingin ni Rose sila Kuya na malayo na sa amin.
"So bakit malungkot yung isa sa tatlo? Kilala mo rin siguro yun."
"Why? You like him?" Tukso ko kay Rose at namula siya.

"Oh shocks, may crush ka kay sa kanya." Tukso ko pa lalo.
"Well...He is cute. Anyways, you know I am fascinated with broken things and he looks... broken." Rose shrugged her shoulder. Tiningnan ko si Kuya na kasabay nila Kenshin pero parang hindi present sa mundo.
"Yeah, he is broken. And I wish I knew how to help him." I murmured.
"What is his name?"
"Lego."
"Like lego blocks?"
Tumango ako. "Lego Marcelo. He is my brother."
Napanganga si Rose sa sinabi ko. "No shit. Get. Out."
Natawa ako ng bahagya. "Surprise." I said to her.
"Tangina, kapatid mo yun? Maganda pa sa akin yun, lagyan mo lang ng lipstick." Sabi ni Rose. Natawa ako. Infairness kay Kuya Lego, mukha talaga siyang k-pop.
"Sus, crush mo lang eh. Walang girlfriend ngayon yun. Baka lang gusto mong mag-apply." Tukso ko ulit kay Rose.
"Tigilan mo ako, Star." Sabi ni Rose pero mukhang curious naman siya kay Kuya Lego. Naku nga Rose...

Pauwi na ako at nasa parking lot ng tumawag si Blaze na nakatayo sa harapan ng kotse niya ilang kotse lang ang pagitan sa akin. Pinag-iisipan ko kung sasagutin ko siya at mukha namang hindi ako maririnig sa labas ng kotse ko. Ang puso ko, kinakabahan na naman.

"Hello."
"Hi..." He said. Naghead set ako at nakatingin sa kanya mula sa kotse ko.
"Are you okay?" I asked. Palakad-lakad siya sa harapan ng kotse niya.
"Drake is leaving the Overdrive." He said.
"No shit... Ay sorry." Tanga-tanga Star... Naiuntog ko ang noo ko sa manibela. "Are they disbanding?"
"No... But they were asking me to go back." He replied.
Ohhhh...
"Do you want to go back?" Naitanong ko. Nakapamewang siya sa harap ng kotse niya at ako naman ay nanliliit sa kotse ko para huwag niya akong makita as if naman na makikilala niya ako sa suot kong beanie at salamin.
"What do you think?" He asked back.
"Errr... why are you asking me?"
"I want your opinion, Lovely." He said.

Ohhhh... He wanted my opinion.
"Follow your heart, Blaze. If you love music so much then go back to Overdrive. Hindi naman sila laging may gig di ba? Si Jaxx din naman ay nag-aaral ngayon. I heard that they canceled some of their gigs lalo na yung malalayo. Tours were lessened din naman. Why not give it a try if you really want to go back."
Huminga ng malalim si Blaze. "I guess I needed to hear it from you." Natawa siya ng mahina.
"Your opinion matters to me."

Napatitig ako kay Blaze na nakasandal na ngayon sa kotse niya.
"Why is that? I am just a student." I murmured.
"Because somehow, I want you to be comfortable on the fact that I will go back to limelight." He said. Napahawak pa si Blaze sa batok niya and he is kicking pebbles.
"Why?" I whispered.
Natawa ng bahagya si Blaze. "I don't know. Nagtatago ka kasi sa mga tao kaya siguro natatakot din ako na iwasan mo ako kapag bumalik ako sa banda."
"I'm a fan, remember?"
OMG... nakangiti ba si Blaze?

"Anyway, can I see you again?"
Napapikit ako at kinagat ang labi ko. Luh, kinikilig ako.
"Weekend?" Oh shocks, mayroon nga palang excursion.
"Sadly, mayroon kaming excursion sa weekend. After this weekend?" Sagot niya.
Oo nga, ikaw nga ang kasama namin sa weekend. Ano ba?!
"I'll let you know." I said.
"Okay sure. Nasaan ka niyan?"
"Pauwi na." Nandito sa parking at nakatingin sa iyo.
Namulsa si Blaze tumingin sa langit.
"Can't we meet today?"
Umiling bigla ako. "Nooooo...." Tanggi ko. "I mean, I can't. I have school projects that I need to finish. Saka, nakita ako ng prof ko na nagcecellphone kanina. Pinagalitan niya ako."
Natawa si Blaze.

"You remind me of my student na pinagalitan ko kanina. Anyway, ingat ka pauwi. Please message me when you reach home."
Ako yung pinagalitan mo kanina....
"Okay, Sir... I mean... Blaze."
"Ingat ka Lovely."
"Okay...Bye." I whispered.
Nakangiti ng ilang saglit si Sir bago pumasok sa kotse niya. At ako, nakaupo lang ako sa kotse ko at nanlalambot sa kaba.

Dear Blaze,

Breathing... The only thing I've known how to do since birth yet I still manage to forget when I heard your voice.

Still looking at my phone,
Sexylove

Sexylove (Completed)Where stories live. Discover now