Chapter 33- Ate's Love

8.4K 394 42
                                    

Blaze

"Blaze, nahihilo na kami sa'yo." Sita ni Ryker sa akin.
Si Jaxx, although hindi masaya sa nangyayari, pinakinggan pa rin ako.

"They fucking kick him out. What the fuck is wrong with that school?" I told them. Nakick out si Lego at hindi na rin nagpakita pa si Star sa Ateneo. Si Rose ay hindi sumasagot ng maayos at si Michelle naman ay parang abnoy kausap. Sinasagot ng tanong ang mga tanong ko.
"Hindi ba dapat masaya ka? Dahil wala ka ng karibal?" Tanong ni Ryker.
Tumaas ang kilay ni Jaxx at naupo akong nanlalambot sa tabi ni Brix.
"Sino ang karibal? Si Lego?" Tanong ni Jaxx.
"Pinagseselosan mo yun, Conyobels?" Manghang tanong ni Brix at saka tumawa.
"Malala na itong kaibigan nyo." Sabi pa ni Brix.

Naiiling si Jaxx na binato ako ng buto ng kasuy.
"Tangina mo ka, kapatid niya yun." Sabi nito. Napatingin ako kay Jaxx.
"Kuya niya yun, kaya ka nga binugbog eh. Ihanda mo pa sarili mo doon sa isa pang Kuya at sa ate niya na kasing talim ng samurai magsalita."

"Nasaan yan?" Sigaw ng boses sa loob ng bahay.
"Ayan na nga." Bulong ni Jaxx.
Isang babae na galit na galit ang lumabas sa back door at pasugod sa amin.
"Teka, Sky." Pigil ni Margaux at ng isa pang lalaki na kasama nito.
"Bitaw, Juancho, kung ayaw mong pati ikaw ay madamay."
Bumitaw ang tinawag na Juancho at dere-deretso ang tinawag na Sky sa upuan ko. Isang sampal ang dumapo agad sa pisngi ko. Hindi ako ready doon ah.

"Ang kapal ng mukha mo. Nakick out ang kapatid ko ng dahil sa iyo. Halika, tayong dalawa ang magsuntukan, punyeta ka." Sabi nito.
"Oh God, Sky." Nilayo siya ni Margaux sa akin. "Kumalma ka nga."
"Tangina, kalmado pa ako nito. Ayun si Lego, parang namatay na naman sa bahay."
Huminga ng malalim si Margaux. "Umupo ka muna. Kumalma ka. Huwag mong ibaling sa iba ang inis mo kay Arabella."
"Hintayin mo si Kuya Chase. Demonyo ka." Dinuro-duro ako ni Sky.

"Babe, umupo ka na." Hinila ni Juancho si Sky at pinaupo sa upuan na malayo sa akin.
"Pati si Star, ayun nagkukulong." Naiiling na sabi ni Sky.
"Kamusta na si Star?" Tanong ko naman.
Naningkit ang mata ni Sky na tumingin sa akin.
"Huwag mong sabihing ikaw din ang dahilan bakit nag drop out si Star?"
Napamulala ako. "Nagdrop out?"
"Ikaw nga ang dahilan, ano?!" Tumayo na naman si Sky at susugurin ako.
Pinigilan siya ni Juancho at Margaux.
"Sky ganito yan. Makinig ka ha..." Ikinuwento ni Margaux sa kanya ang nangyari. Mula sa panliligaw ko kay Star hanggang sa pangba-black mail ni Ms. Rodriguez sa akin at ang scene na nakita akong hinahalikan ni Ms. Rodriguez. Ang katangahan ko na akala ko ay nanliligaw si Lego sa kanya at ang pagtatanggol ko kay Lego sa guidance office. Walang itinago si Margaux, pati ang pagpa-file ko ng harassment kay kay Ms. Rodriguez na wala namang nangyari. Kinuwento niya lahat ng ikinuwento ko dahil siguro, awang-awang na siya sa akin.

"Putang-ina," Sky murmured.
"I wanted to explain that to her." Kulang na lang lumuhod ako sa Ate niya.
"Sino yang Ms. Rodriguez na yan na gustong saktan ang kapatid ko?" Tanong ni Sky.

Kinuha nito ang phone at may tinawagan.
"Koko, kasama mo si Jacob?" Tanong agad nito.
"Good, punta kayo dito kina Margaux. Emergency. Sama mo siya. Kailangan ko siya." Utos nito.
"Thanks, Koko."

Huminga ng malalim si Sky at tumingin sa akin. Kahawig niya si Star which made me want to weep cause I missed her so much.

"Kamusta si Star?" Tanong ko ulit sa kanya.
"Leave her alone. Tapusin mo muna ang problema mo sa Ms. Rodriguez na yan bago ka magtanong tungkol sa kanya at harapin ang pamilya ko. At hindi sila masaya lalo na si Daddy ng umiyak si Star na hindi namin alam ang dahilan. And I want to congratulate Lego for punching you on your face. Kung ako sa iyo, dapat pinatahimik mo na si Ms. Rodriguez bago nagbanta sa kapatid ko."

Tahimik kami habang hinihintay si Dakota na dumating. ISang lalaki na mukhang papatay kung tumingin ang kasama ni Dakota ng dumating siya.
"Ano ang problema?" Tanong agad ni Dakota.
Habang nagkukwento ulit si Margaux ng nangyari, tinitigan ako ng kasama ni Dakota. Patayin nyo na kaya ako?

"The question is, sino si MS. Rodriguez at bakit ang lakas ng loob niyang pagbantaan si Bebe Star na ma-expelled?" Tanong ni Dakota.
"Let me run a check. Pahiram ng laptop, Margaux." Sabi ng kasama ni Dakota.

"Kailangan nga nangyari yung halikan ninyo?" Tanong ng kasama ni Dakota sa akin.
"Jake," Bawal ni Koko. Jake pala ang pangalan.
"Kailan?" Tanong ulit nito.
"Last week." Sagot ko. Sinabi ko ang tantiya kong oras ng mangyari yun.

May kung ano ang ginawa ni Jake sa laptop bago niya inilapag sa table. The next thing I hear ay ang boses ni Ms. Rodriguez, telling me that blackmail ng araw na iyon.

"So, totoo ang sinasabi niya," Tuya ng Jake.
"Of course totoo yun." Mabilis na sagot ko.
"Malay ko ba? Kung may isip ka kasi, pinapatay mo na dapat si Ms. Rodriguez noong una pa lang." Sagot nito.
Napasinghap si Dakota. "Jacob," Bawal niya dito.
Kinuha ulit ni Jacob ang laptop at nagsimulang magtype ulit.

"Ano ang gusto nyong gawin sa babae?" Tanong ni Jacob kay Sky.
"I want her out of Ateneo. Gusto kong walang company na tatanggap sa kanya. I want her to beg my sister kapag si Star na ang may hawak ng HR department ng company." Sabi ni Sky.
"You don't want her dead?" Tanong ni Jacob.
"Slowly," Walang kurap na sagot ni Sky.

Tinitigan ako ni Sky. "Kaya ikaw mag-isip ka kung ipagpapatuloy mo pa yang balak mo. Dahil sa oras na paiyakin mo pa ang bunso namin," Tinuro ni Sky si Jake. "Ipapahunting kita."
"Pwede ko na bang makausap si Star?" Malapit na akong lumuhod sa harapan ni Sky.
Umiling si Sky. "Let her be. Maghintay ka kung mahal mo nga siya."
"Sky, maawa ka naman."
"Wala ako nun." Tumayo si Sky at nagbeso kay Margaux at Koko.
"Mauna na ako sa inyo. Jacob, ikaw na ang bahala sa babaeng yun."
Tumango si Jacob at umalis si Sky at Juancho.

"Blaze, bukod sa bunso si Star sa family niya, pinakabunso siya sa lahat sa amin. Marami kang dadaanan bago makalapit ulit sa kanya." Dakota said with a hint of warning.
"I just want to explain to her."
"It will come, but not this time." Sagot ni Margaux.
"Mapapahamak ka pre kapag pinilit mo." Payo ni Jaxx.
"Makinig ka sa kanila." Sabat ng Jacob. "Kung gusto mo pang mabuhay."

Tang-ina si Ms. Rodriguez. Ano ang ginawa sa buhay ko?

Sexylove (Completed)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें