Chapter 32- Best Revenge

7.6K 309 14
                                    

Star

Gorgeous hair is the best revenge.
-Sexylove

Pagbaba ko pa lang ng kotse ko, malakas na ang bulungan.

Porsche.
High heels na Prada.
Short skirt.
Sleveless tank top.
Hermes bag.
Contact lens.
And a gorgous hair.

Parang nahahawi ang mga tao sa hallway pagdaan ko. They are looking at me.

Who's that girl, they asked. Well, you were looking for me, and here I am.

Sabi nga nila, don't let them see you cry. Show them your brightest smile.

Nagpalate talaga ako sa klase ni Sir Blaze. I slowly open the door. Lahat ay natingin sa akin, including Blaze who look hot but still he is not my favorite person right now.

"Whoah!" Sabi ng ilan sa classmate ko ng pumasok ako.
"Sorry Sir, I'm late. Traffic eh." Nagkibit ako ng balikat at dumaan sa gilid ni Michelle. My heels are echoing the quiet classroom. Nakataas ng bahagya ang kamao si Michelle and I give her a fist bump.

"Nice," Bulong ni Rose sa akin pag-upo.
Nakatingin sa akin ang buong klase pati si Sir Blaze.
"Hindi ba ikaw si Sexylove?" Tanong ng isang classmate ko.
I smile shyly but I remember I am in a revenge stage so I held my head high and shrugged.

"Hala si Sir, natulaley." Tukso ng ilan kay Blaze.
Huminga ng malalim si Blaze at humarap sa board. Nasa kalagitnaan kami ng lesson ng may kumatok sa pintuan at pumasok si Ms. Rodriguez. Ang kapal talaga ng face.

"Sir Blaze, pinapatawag ng dean si Michelle Salvacion, Rose Licerio and Star Marcelo." Nakangiti pang sabi nito. Tumayo kaming tatlo.
"Regarding what?" Tanong ni Blaze. Ohhh pleased... umay na ako sa inyo.
"Oh, just their transferee of class." Sagot ni Ms. Rodriguez.
Tumingin si Ms. Rodriguez sa amin at nawala ang ngiti niya ng matingin sa akin.
"Why, Ms. Rodriguez. Aren't you happy to see me?" I asked at nilagpasan siya.

Paglabas naming tatlo, hindi pa naisasara ang pintuan ng dumaan sila Kuya kasama ang dalawang hapon.
"Huwow, Star. Pwede ka na naming isama sa mall niyan. Nasaa ang beanie mo?" Biro ni Kenshin.
"Get lost." Sabi ni Kuya sa kanila at hinila ako palayo sa classroom.
Nakasunod sa amin si Ms. Rodriguez.
"Follow me," Sabi nito sa amin.
"We know our way, thank you very much." Sagot ni Michelle sa kanya.
Napahinto si Ms. Rodriguez at tinitigan kami.
"Message ko nalang kayo mamaya. Sunod ako." I told my brother.
Kenshin chuckled. "Nakakahiya ang kotse mo. Sumabay ka na lang sa amin." Sabi niya.
Tinaasan ko siya ng kilay. "I am with my Porsche." I said.
"Yunnn..." sabi nila at iniwan kami. Si Kuya ay tinanguan lang ako.

"Ms. Marcelo, sobrang ikli ng palda mo..." Simula ng ahas sa syudad.
"At hindi ko kailangan ng opinion mo." I flip my hair at nilagpasan namin si Ms. Rodriguez.
"By the way, your Prada is fake. Nakakahiya ka."

Arrrggg, I sound like my ate na.

Tawa ng tawa si Michelle at Rose sa tabi ko habang papunta kami sa dean's office.
"Sino ka? Nasaan si Star na mahiyain?" Tanong ni Rose.
"Ayun, broken hearted." I replied.

Wala namang masyadong itinanong kung bakit kami lilipat. Hello, nagsusumigaw ang apelyido namin ni Michelle. Si Rose ang nahirapan talaga.
"Dean," Simula ni Michelle ng mag-init na ang ulo dahil ayaw payagan si Rose.
"May trabaho si Rose after ng klase. Kung mailalapit niya ang mga oras ng subjects niya, may may oras siyang makapagpahinga. Huwag nyo kaming pigilan." May pagbabanta si Michelle.
"She needs to pay an administrative cost,"
"Hindi na lang ako lilipat." Sagot ni Rose.
"Consider that administrative cost paid. Can we go?" Naiinis na tanong ko.

I already blocked Blaze's number dahil panay ang tawag niya even I am in class. Nauna ng umalis si Rose at kami na lang ni Michelle ang naiwan sa school. Para kaming may patentero ni Blaze. Kapag natatanaw na namin siya, nag-iiba na kami ng daan ni Michelle.

Napag-usapan namin ni Michelle na iwan ang kotse niya at ang sa akin na lang ang dalin namin sa Power Plant Mall. Nasa parking na kami ng may humawak sa kamay ko. Si Blaze.

"Star, please. Let me explain, please." He begged.
"I don't care what you will say, actually." Parang naging bato na ako in just 24 hours.
"Star, please. It's not what you think. I already explain it to Jaxx and Margaux, please listen to me."
"Just go, Blaze. Go back to your... girlfriend."
"She's not my girlfriend." He hissed.

"She already said no, right?" I heard Kuya's voice behind me. Kinuha niya ang braso ko at hinila palayo kay Blaze.
"Bitawan mo siya." Babala ni Kuya.
"Lego, sandali lang." Pag-aagaw ng attention ni Michelle pero hindi siya pinansin ni Kuya. Nakatitig si Kuya kay Blaze ng taimtim.

Hindi binitawan ni Blaze ang kamay ko. Then my Kuya moved.
"Oh God," Napasigaw na lang si Michelle ng suntukin ni Kuya si Blaze. Ako naman ay natulala sa kinatatayuan ko.
"Fucking leave her alone." Sigaw ni Kuya.
Naggulong gulong sila ni Blaze sa parking hanggang sa awatin sila ng guard. Hindi lumaban si Blaze at wala ni isang suntok kay Kuya. Si Blaze ang may dugo sa kilay at sa labi.

Instead na pumunta kami sa mall, sa guidance kami tumuloy. At kahit anong paliwanag namin na misunderstanding lang, nasuspend pa rin si Kuya Lego ng tatlong araw habang under investigation ang nangyari. Even Blaze said it's just a misunderstanding pero parang bingin silang lahat para kay Kuya. They have prejudice to my brother.

Nakasunod sa amin si Sir Blaze paglabas namin ng guidance. Si Kuya ay kinakaladkad ako palayo at si Michelle ay palakad-takbo na ang ginagawa para makasabay sa amin.
"Star," twag ni Blaze.
"Sir, okay na muna tayo. Marami ng nadamay. Tama na muna" Pigil ni Michelle kay Blaze.

I fucking hate this school. Hindi na ako babalik pa dito.

Sexylove (Completed)Where stories live. Discover now