Chapter 27- Kuya Jaxx

8.4K 353 22
                                    

Blaze

"Conyobels, ano na?" Bungad ni Brix ng kausap ko siya sa phone.
"Magpapasa na ako ng resignation dito."
"Yuuunnnn." Sigaw nila sa kabilang line.
"Nasaan si Jaxx?" Tanong ko kay Brix.
"Bakit?" Sagot ni Jaxx sa background.
"Gago ka, kilala mo si Lovely eh."
"Sinong Lovely?" Nagkaila pa si Jaxx. Damoho.
"Si Lovely, yung babae doon sa UAAP." I said. Sumakay muna ako ng kotse para hindi ako marinig ng mga mema student.
"Ahhh... si dream girl mo." Sabat ni Ryker. "Yung hanggang pangarap mo na lang."
Nagtawanan sila.

"Mga gago. Oy Jaxx, bakit kilala mo si Lovely?"
"Hindi ko kilala yung Lovely." Kaila pa rin ni Jaxx.
"Si Star Marcelo." Giit ko.
"Ahhh, si Star.Oh, bakit mo kilala si Star?" Balik tanong niya.
"Sinong Star?" Narinig kong tanong ni Ryker.
"Kapatid ni Sky." Sagot ni Jaxx
"Hutangina, sigurado ka Conyobels?" Tanong ni Drake.
"Ano ang masama kung ligawan ko siya?"

"Gago," Biglang naging malinaw ang boses ni Jaxx.
"Pamilya si Star, tangina mo ka Blaze. Iba na lang."
"Hindi ko naman lolokohin Jaxx, tangina, nakaka-offend ka ah. Matino pa ako sa iyo, gago."
Sira ulong Jaxx ito. Parang hindi ako kilala.
"Bata pa iyon, Blaze." Giit niya.
"Hindi naman dekada ang agwat namin. Parang limang taon lang eh." Sagot ko.
"Mayaman pamilya niya."
Napahilamos ako ng mukha. Gagong Jaxx ito, daming dahilan.
"Parang pamilya ni Margaux?" Sarcastic na tanong ko.
"Hindi kita kayang sagipin sa oras na paiyakin mo si Star. Binalaan na kita, damoho ka." Nayayamot na sagot ni Jaxx sa akin.

Kausap ko si Star ng gabing iyon at pinapakiusapan kong sumama sa practice ng Overdrive para makilala niya ang mga kaibigan ko.
"Nahihiya ako kay Kuya Jaxx."
Nakahiga ako sa kama at nakatingin sa kisame habang kausap siya.
"Nagkausap na kami ni Jaxx."
"About what?"
"About us." I replied.
"Us?" She repeated.
"Yeah us. Me, courting you."
Natahimik ang kabilang line.
"Hello, Star..."
I heard her breathe deeply.
"Sir..."
Napangiti ako. "Naman, sir na naman ang tawag mo sa akin."
"I mean Blaze. Are you sure?" Tanong niya.
"Bakit hindi? I admire your intellect the first time before I saw you."
"It will cost you your profession." Seryosong sagot ni Star.

"Iyon ba ang dahilan kaya ka nagtago sa akin dati?"
"Well, partly. No one will believe I am the writer behind the stories sa wattpad is the other reason." She replied.
"I do believe and so were your friends."
Natahimik na naman si Star.
"So, paano, bukas, okay ka lang na sumama sa akin?" I asked again.
"Sama ko ang mga kaibigan ko." Sagot niya.
Yes...fucking hell.
"Okay," I replied.
"Message me the address kung saan para doon na lang tayo magkita."
"Sabay na tayo." Pilit ko.
"No... okay na akong may sariling get away vehicle. Saka nahihiya ako kay Kuya Jaxx."
"Okay sige. I'll message you the address."

Kinabukasan, good mood ako na pumasok sa classroom.
"Good morning, Sir." Bati ni Michelle.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Sir, bakit good mood ka?"
Pasimple akong tumingin sa likod. Hinampas ni Rose si Star ng matingin ako sa kanila at saka bumulong si Rose.
"Ms. Marcelo," Tawag ko kay Star.
Natingin lahat ng student sa kanya. Nahihiyang tumingin sa akin si Star.
"Sir," Sagot niya.She looks adorable.
"Kailan ka magqu-quiz sa akin?" Tanong ko.
"Mamaya po sana, Sir" Sagot niya. At ang tinamaan na Rose biglang tumawa. Bakit kasi namopo si Star?
"Okay, after this class if you are free."
Tumango si Star at nagyuko ng ulo.

Sa faculty nagquiz si Star. Nasa faculty din si Rose at Michelle, nakaupo sila sa ibang upuan na malapit sa table ko ng pumasok si Ms. Rodriguez at derederetso sa table ko. Napatingin ang tatlo sa kanya.
"Blaze, tama ba ang narinig ko na nagpasa ka ng resignation?" Tanong niya.
Nanlaki ang mata ng tatlo at nagkatinginan.
"Yes." Maikling sagot ko.
"Why?" Ms. Rodriguez asked.
"I don't see why I need to explain my reason to you," I replied.
I heard Rose and Michelle chuckled na ikinatingin sa kanila ni Ms. Rodriguez.

"Can you please excuse us, girls?" Tanong nito kay Michelle.
"We are actually having a special quiz right now." Sagot ni Michelle sa kanya.
"Actually, istorbo ka nga Ms. Rodriguez. Chinichika mo si Sir, hindi kami makaconcentrate dito."
Naitikom ni Ms. Rodriguez ang bibig niya.
"Ang mahal ng tuition dito and what would my dad say if I make sumbong that some faculty is not professional during working hours? Hay, what do you think, Ms. Rodriguez? Do I need to be a spoiled rich kid right now or you will leave us in peace?" Tumingin pa si Michelle sa kuko niya sa kamay at parang mukhang bored.
"Find me when you are finished." Sabi ni Ms. Rodriguez sa akin bago nagmarcha paalis.
"Fake naman ang Versace na suot. Jusme, nagmamaganda si Ms. Rodriguez." Bulong ni Michelle.

"Magreresign ka, Sir?" Tanong ni Rose.
"Shhh, huwag kayong maingay. May nagsasagot pa."
Nahihiyang nagyuko ng paningin si Star.
"Bakit, Sir? Hala mga hipon na ang matitira dito." Tanong ni Michelle sa akin.
Natingin ako kay Star na namumula ang tenga.
"Kailangan ko bang mag-explain sa inyo?" I asked in dry tone.
"Hindi nga Sir. Saan ka lilipat? Sa UP?" Tanong ni Rose.
"Sa Overdrive." Maikling sagot ko.
"Ohhh... Sir, pa-autograph na nga baka kapag sikat kana ulit, hindi mo na ako pansinin." Nilabas ni Rose ang notebook niya at binigyan ako ng ballpen. Nagpigil ng tawa si Star hanggang sa nadukmo na sa table. Seryoso ba itong si Rose. Parang nanunuya kung magsalita.
"Tigilan mo nga ako Rose. Hindi kita makakalimutan, minura mo ako eh."
"Nabigla lang ako Sir. Matampuhin ka masyado." Sagot nito.

Nang matapos si Star sa quiz, inabot niya sa akin ang paper niya at inabot ko sa kanya ang address ng tambayan namin ng Overdrive.
"Ano yan?" Tanong ni Rose at Michelle at tiningan ang papel na binigay ko kay Star.
"I'll see you." I said. Tumango si Star at saka tumayo.
"Ano meron?" Tanong ni Michelle sa akin.
Hinila sila ni Star palabas ng faculty room. After ng ilang Segundo narinig kong tumili si Rose at Michelle sa labas ng faculty.
"Girls, can you please lower your voice." Sita ng isang faculty sa kanila.

Naiiling akong tiningnan ang quiz ni Star. Tama naman ang sagot niya maliban sa isang number na nakalimutan niyang lagyan ng negative ang final answer. At the end of her paper, there is a note.

P.S. Ang hirap naman.

Naiiling akong napangiti. Nilagyan ko ng grade ang quiz niya with a heart.

Sexylove (Completed)Where stories live. Discover now