Chapter 6- I'll be there

8.9K 366 8
                                    

Star

Tall guy, with cute laughs, deep voice and messy hair.
-Sexylove

"Hala." Napatayo ako ng hindi oras sa sagot ni Blaze...errr Sir Blaze.
Hala...hala...ano ang gagawin ko? Natataranta akong lumbasa ng cafeteria ng mabangga ko ang dalawang hapon.

"Naman, Star." Sabi ni Kenshin at hinawakan ako sa balikat ng muntik na akong mabuhal.
"Are you okay?" Tanong niya.
"You look pale." Sabi pa ni Raiden.
"Si Kuya?" Tanong ko sa kanila.
"As always, nag-eemo." Sagot ni Kenshin.
Napabuntong hininga ako.
"I better go."
"Mag-iingat ka sa dinadaanan mo." Paalala ni Kenshin.
Madami ng nakatingin sa amin kaya nagmadali na akong umalis.

Ano ang gagawin ko? Sa Saturday na ang game na yun? Kailangan ko ng divine intervention. Tinawagan ko si Ate Margaux.
"Hello."
"Ate..."
"Star...May problema ka ba? Are you okay?" Nag-aalalang tanong agad ni Ate Margaux.
"Kasama mo ba si Kuya Jaxx?"
"Errr yes. Bakit?"
Huminga ako ng malalim. "I need help...again. Hinahanap na nila si Sexylove."
"Teka, nasaan ka ba? You want me to fetch you?"
"Pwede bang puntahan kita? I really need your help." Inaataki na ako ng anxiety.
"Okay sige, magkita tayo sa office ni Sky."
"Thank you, Ate. On the way na ako."
"Mag-iingat ka." Paalala ni Ate Margaux.

Pagdating ko sa office ni Ate, nandoon si Kuya Juancho at si Kuya Jaxx. Paano akong magsasalita ng problema ko?
"Hey, ano ang problema?' Nag-aalalang tanong ni ate.
Natingin ako kay Kuya Jaxx. "Teka, may ginawa ba akong mali sa iyo?" Nag-aalalang tanong niya.
Umiling ako at tumabi kay ate.

"Kasi ate, pwede bang kayo lang ni Ate Margaux?" Tanong ko sa kanya.
"Tungkol ba yan kay Sir Blaze?" Tanong ni Kuya Juancho na ikinalaki ng mata ko.
"Bakit mo alam?" Natatarantang tanong ko at napatingin kay Kuya Jaxx na tumatawa lang.
"Ano ang ginawa ni gago sa iyo?" Tanong ni Kuya Jaxx.
"Wala kuya."

"Sige na, magsalita ka na. Malalaman din naman nila ang sasabihin mo." Sabi ni Ate Margaux.
"Kuya Jaxx, promise mo hindi ko ako ibubuko sa kaibigan mo."
"Promise. Kung pwede nga lang pahirapan ko siya, gagawin ko." Sagot ni Kuya Jaxx.

Huminga muna ako ng malalim bago nagkwento.
"Ano kasi, di ba nagsusulat ako sa wattpad tapos hindi alam sa Ateneo na ako yung writer na iyon." Tumango si Ate at Ate Margaux.
"Natatandaan nyo nung last concert ng Overdrive nung dapat na magpapakilala ako kay Blaze na ako yung writer na iyon, tapos hindi natuloy kasi nga sa aksidente na nangyari."
Tumango ulit sila.
"Tapos few months ago, nagstart akong magsulat ng messages sa kanya." Nahihiya ako kaya nayuko ako. Feeling ko kulay pula pati ingrown ko sa paa.
"Then all of a sudden nagkaisa ang mga taga Ateneo na hanapin yung writer. Tapos si Blaze gumawa ng account sa wattpad and he... he's kinda challenged to look for me. He asked me if I am brave enough to watch UAAP. Then I replied I am the one wearing maroon. So now, the whole university is looking forward to that game." Pagkukwento ko sa kanila.

"Ahhhh..." Sabay-sabay silang apat na tumango tango.
"What will I do?" I asked.
"Watch that game." Sagot ni Kuya Juancho.
"Looking this?" I asked in disgusted voice and motioned myself.
"Teka, ano ba kasi ang gusto mong mangyari? Makilala ka ni Blaze?" Tanong ni Ate.
Umiling ako.
"Kung ayaw mong magpakilala, so walang problem. Huwag ka na lang pumunta sa game." Paliwang ni Ate sa akin.

Huminga na naman ako ng malalim.
"The writer that the whole Ateneo knew is different from me." I murmured.
"She is part of you." Sabi ni Ate Margaux.
"She's bubbly and witty and kinda flirt. I am the opposite of her."
Malungkot akong huminga ng malalim.
"Siya ang kausap ni Blaze sa wattpad at hindi ako."

"Ikaw din yun Star. Ilabas mo lang siya."
Umiling ako sa suggestion ni Kuya Jaxx.
"I will get stumble with my own shadow. That's how lampa I am Kuya." Katwiran ko.
"Hindi naman ganun ang nakita ko noong concert namin. You were confident at that night." Sabi ni Kuya Jaxx.
"And I think Blaze was looking for you. Tinanong niya ako kung kilala ko ang mga nasa VIP noong concert. He saw you."
Oh Lord...

"I suggest na manood ka." Sabi ni Ate Margaux. "Gusto mo bang samahan ka namin?"
Umiling ako. "Makikilala niya agad ako kapag nakita niya kayo. Hindi nga ako umaamin na taga Ateneo ako. Sabi ko taga DLSU ako pero nakamaroon ako sa UP vs Ateneo."
Natawa si Jaxx. "Sige lang, iligaw mo. Ganito, manonood din kami ng laban. For sure naman nasa Ateneo bench yun. Tapos papalabasin natin na nakipagkilala kami sa iyo. Hindi ka naman kilala ni Brix, Ryder at Drake. Para may kasama ka sa bench ng UP."

Tinanguan ako ni Ate at Ate Margaux. They are encouraging me to get out of my shell.
"Alisin mo ulit ang salamin mo, hindi ka na makikilala. Proven na yan ng ate mo." Biro ni Kuya Juancho na ikinatawa namin.
"Have fun, Star. Huwag kang magtago sa likod ng salamin at beanie mo." Hinila ni Ate ang beanie na lagi kong suot at bumagsak ang mahaba kong buhok.

Dear Blaze,

Open your eyes during the game. I'll be there.

Sexylove

Sexylove (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon