Chapter 11- Amazed by You

8.6K 354 51
                                    

Blaze

"Uy, si Sir, nakangiti."
Buong klase ko ang nakatingin sa akin at nahihiya akong itinago ang cellphone ko. Butterflies and smiling. She has magic on her words.
"Are you done?" Seryosong tanong ko. Pinapasagutan ko ang mga problem sa board, kung ano-ano ang ginagawa nila.
"You are doomed. Para ka ng under, Sir." Sagot ng isa.

Akala nyo mga babae lang ang chismosa? Matindi pa ang mga student ko sa Engineering.

"Sir, infairness, maganda yung taga UP. Ano nga ang number niya sir?"
Ano nga ang pangalan mo at malagyan ka ng asterisk sa card, hindot ka.
"Ipasa mo muna ang subject ko bago ka manligaw." Sarcastic na sagot ko na ikinatawa ng iba.
"Takot si Sir. Ano ba kasi ang panama ng SUV niyang Chevy sa Mustang mo?" Sabat ng sira-ulong kabarkada niya.
Sarap patulan ng mga ito!

"Bukod sa lulubog ang Mustang mo sa baha dito sa Metro Manila?" Sarcastic na tanong ng isa pang student na mukhang hapon.
"At least ang Chevy is brand new. Yung Mustang mo nga, besides, you bought it second hand, early 2000 pa ang model." Sagot ng isa pang hapon. Magkapatid siguro 'to.

Panoorin ko lang kayong magyabangan sa isa't-isa.

"Mayroon na bang GPS yung Mustang mo? Baka CD player ba ang head unit mo." Comment ng isa pang student at nagtawanan sila.
"Kung magyayabang ka kasi, make sure you are not surrounded by us." Nagkibit balikat ang isa sa dalawang hapon.
"Tapos na kayong mag-usap? Can we proceed?" Tanong ko sa kanila.
Pati kotse ko nadadamay sa inyo, mga lecheng nilalang. Mema kayo masyado.

After ng klase ko, pinatawag ako sa dean's office to informed lang naman na ako ang kasama ng 15 students sa excursion this weekend. Tinamaan ng magaling, balak ko pa naman maki-jamming sa Overdrive.

I was thinking to call Brix or to message Sexylove para may makausap ako bukod sa mga tao dito sa school. I was about to call Brix when a notification ping.

Sexylove- Sir Blaze, what is the difference between the project plan and floor plan? I am beginning to think that this is an engineering question.

Napangiti ako ng slight at sinagot ang tanong niya.

Drummerboy- A project plan basically is a plan that includes the project schedule, manpower scheduling, costing and so on... Parang plan siya ng buong project. Whereas floor plan in a layout of a building.

How I wish I can call her so I can explain further.

Sexylove- Jeez, thanks. I was looking for an explanation at the internet but can't understand the concept.
Drummerboy- Kailangan mo ba ang tutor?
Sexylove- I don't have money to pay you Sir. Ang taas na yata ng fee mo sa ADMU.
Drummerboy- Nah... tamang pangkape lang. Speaking of that, gusto mong magcoffee?

Say yes...

Sexylove- Hindi ako mahilig masyado sa coffee but a frappe would be fine.

Damn... This is it.

Drummerboy- Where can I meet you?
Sexylove- Cubao? Gateway? I dunno.
Drummerboy- Pwede naman kitang sunduin sa UP.
Sexylove- Hindi na. Kita na lang tayo doon in an hour if your schedule is clear.
Drummerboy- Okay sure. Gateway it is.
Sexylove- Okay. See you.

Yes. Tangina, napatalon ako ng kaunti. Nasaan ba ang kikoy kit ko? Kailangan ng mag-ayos at magpalit ng damit.

One hour. I have one hour before I see her.


Lecheng traffic, nalate tuloy ako ng 5 minutes. Naabutan ko si LOVE sa Starbucks na nagbabasa ng libro. I know it's her. She's wearing jeans, white converse and plain shirt but still, she looks adorable. So, she likes to read.

"Hi. Sorry nalate ako." Alanganin akong lumapit sa table niya.
Binaba niya ang libro at tumingala sa akin.

At ang sound system sa Starbucks biglang nagpatugtog ng "You are my sunshine, my only sunshine. You make me when skies are grey."

"Hi, Sir." Bati niya. Shit, ang lambing ng boses. At shit talaga, tigawag akong Sir.
"Call me Blaze. Can I sit?"
"Oh yeah, sure. Upo ka...Blaze." Sabi niya. Tuluyan na niyang nilapag ang book sa table.
Mukha talaga siyang anghel lalo na ngayon sa malapitan.
"So... nakita rin kita. Can I know your name now?" Nakangiting tanong ko.
Alanganing ngumiti si LOVE.

"Lovely." She murmured. "My dad calls me Love."
"Ahhh, it's your name talaga."
Tumango si Love.
"Well, it suits you."
Namula siya ng kaunti and tried to smile a little.

"What's your frappe?"
Nalilito siyang tumingin sa counter. "Ay, ako na, Blaze."
"No. It's my treat. Let me, please." Pigil ko sa kanya.
"Okay." She murmured again. "Strawberry cream, grande."
"Any cakes?"
"No, thank you. I already ate earlier." She replied.

Iniwan ko sandali si Love sa table. Nakailang inhale-exhale siya bago kinuha ulit ang libro sa table at nagbasa. She's reading Mortal Instruments. Binaba niya ang book ng bumalik ako sa table dala ang order namin.

"Thank you. You don't have too." She said.
"But I want too. Anyway, tapos na ba ang assignment mo na tinatanong kanina?"
Tumango siya at ngumit bago humigop ng frappe.
"Thank you nga pala. It was actually an essay. Tinakas ko lang ang phone kanina."
Natawa ako ng bahagya.
"Hindi ba bawal sa UP ang gadget during classes?"
Nagkibit siya ng balikat. "I don't know. I'm not from UP."
Nanlaki ng bahagya ang mata ni Love bago nagtakip ng bibig.

"Really? So what uni are you from?"
Umiling siya sa akin. "Somewhere, Blaze. I am just not ready to inform you."
She bit her lip and exhale. "It's not that I don't want to tell you... It's just, I dunno, too early."

"Okay, no big deal. So, bakit ka nasa UP noong UAAP?"
Natawa siya bahagya. "Natatakot ako magkuyog sa Ateneo. Bago na ba ang cheer ninyo?"
I chuckled and shook my head. "Trip lang nila. Sikat ka sa ADMU alam mo ba?"
"And that song hunts me last weekend."

Namumulang nagyuko ng mata si Love. How can you talk to an angel? Staring is enough, right?


Dear Sexylove,

You disarmed me.

Amazed by you,
Blaze

Sexylove (Completed)Where stories live. Discover now