Chapter 39- Necklace

En başından başla
                                    

"Teka... Ate bakit.?" tanong ni Keilla sa akin.

"Y-yung kwinta ko n-nawawala." sabi ko habang nag hahanap pa din, baka kasi naandito lang. Napahawak ako sa may leeg ko hindi pwedeng mawala yung kwintas ko.



"Kwintas mo.? Teka tulungan ka na naming hanapin yun." sabi ni Alyeri. Importante sa akin talaga yun. Pati sina Alyeri alam kung bakit importanteng importante sa'kin yun.


"Wa-wag na. Ako na lang kumain na kayo." sabi ko sa kanila.


"Saan kaba galing kanina baka duon nag patak." sabi naman ni Serem.


Bigla ko naman naalala nung hinabol ko si Zarek. Sinamaan ko kaagad siya ng tingin. Agad din naman siyang naguluhan.


"Sige na kumain na lang kayo ako na lang mag hahanap". sabi ko. Tumayo na ako at nag hanap na. Patingin tingin ako sa sahig baka kasi duon nag patak.

Nag hanap lang ako ng naghanap. Nakadaan na din ako sa hagdan kung saan ako dumaan pero wala. Punta na din ako sa kwarto namin ni Nayana pero wala pa din.

Mangiyak ngiyak na ako bumalik ulit sa hagdan dahil baka makita ko ulit.

"Is this what you are looking for.?" napatingin ako sa pamilyar na boses.


Hawak ni Zarek yung kwintas na hinahanap ko.



"A-akin na ma-mahalaga------ouch!"


Napadaing ako nung mahulog ako sa hagdan dahil sa pag mamadali.


"Are you ok.?" tanong niya at nilapitan ako. Nakaupo na ako sa baba ng hagdan at hawak ang paa kong natalisod..

"Ah, aray, masakit." sabi ko ramdam ko ang kirot nun sa loob.


"Bakit ka kasi nag mamadali, ayan nahulog ka tuloy." sabi ni Zarek sa akin at inayos ang pag kakaupo ko.


"Buti nasalo kita" . medyo mahina ang pag kakasabi niya kaya hindi ko narinig.


"Ha.?" tanong ko.



"Masakit ba.? Saan? Alin dito?." sunod sunod na tanong niya habang papalit palit ng tingin sa akin at sa paa ko.


"A-ayan ma-masakit." sabi ko ginagalaw kasi niya yung paa ko.


Gago ba to.?! Ang sakit na nga eh.

"Punta na tayo sa kanila baka pumaga pa yan." sabi niya.


Eh hindi nga ako makatayo.


"Ganun ba kaimportante yung kwintas sayo.?" tanong niya bigla. Nabigla pa ako nung naupo siya sa akin patalikod.


"A-anong ginagawa mo.?" tanong ko..

"Sakay." sabi niya. "Bubuhatin kita, halata naman kasing hindi mo kayang mag lakad." dagdag pa niya.


"Ahmm.."

"Sakay na." sabi niya. Sumakay na ako dahil nakirot na talaga. Like duhh. nag mamanhid na ata eh. Basta sobrang sakit talaga.

Kinalibutan pa ako nung hawakan niya yung legs ko para hindi ako malaglag. Naka piggyback tuloy ako sa kanya.


"Yung tanong ko pala sagutin mo." sabi niya habang buhat ako. Naalala ko naman na tinanong niya kung mahalaga sa akin yung kwintas.



"Nasaan muna yung kwintas ko?" sabi ko sa kanya. Agad naman niyang nilabas yung kwintas ako. Tapos inayos niya yung pag kaka'piggyback niya sa akin.



Hinawakan ko yun at tiningnan. Maymaliit yung buwan sa loob nun ay may tatlong diamond.


"Bigay ng ex ko."

Maikling sagot ko sa kanya. Hindi na siya nag salita.

"Salamat pala dahil nakita mo 'to." sabi ko sa kanya. Bakit parang ang tagal naman niyang mag lakad ang sakit ng ng paa ko e.


"Tss. Sana nag pasalamat ka na lang dahil binuhat kita. Hindi yung nahanap ko pa kwintas mo."


"Ha.?" tanong ko. Ang hina kasi nung pagkakasabi niya eh.


"Wala.!"

Bakit parang siya pa yung galit? Dapat ako pa nga magalit kasi kung hindi dahil sa kanya hindi mawawala ang kwintas ko. Pero nahanap rin naman niya eh.



Nakarating na din naman kami sa baba. Lahat sila napatigil sa pag kain. Pero tapos naman na ata silang kumain eh. Nagulat pa sila nung makita nila kami ni Zarek.


"What happen sayo, ate?." tanong ni Keilla sa akin.

Inupo ako ni Zarek dun sa malapit na sofa.


"Teka namamaga ang paa mo." sabi ni Sharey.

"Saglit, ako na bahala." sabi ni Alyeri. Umalis muna sya para ata kumuha ng yelo at iba pang kelangan. Kasunod naman agad niya si Xeno.



"What happen to her, Zarek.?" tanong ni Alwen sa kanya.



"Nahulog sa hagdan. So clumsy." sabi niya pa sa akin at inirapan pa ako bago umalis.


Aba't.!! Talagang ang ugok na yun nakakainis ha.


"Nahanap mo ba ang kwintas mo.?"tanong ni Serem a akin..

-

Zarek P.O.V


Sinundan ko si Breilla nung umalis siya para hanapin daw ang kwintas niya. Nag paalam ako na mag ccr lang ako pero joke lang yun.


Nung sinabi niyang kwintas niya ang nawawala kita ko sa mata niya na mahalaga talaga yung kwintas.


Dahil ko naman kasi kaya nawala. Baka may sentimental value iyon at bigay pa Ng mga magulang niya. Hinabol niya ako kanina, baka sa makatakbo namin ay mahilog Ang kwintas. Kaya secret akong sumunod sa kanya at hinanap din ang kwintas.



Nasa hagdan na kami pero hindi niya pa rin pansin na nasa likod niya ako.


Bigla ko namang napansin yung kumikislap dun sa pinaka sulok na ilalim ng hagdan.

Tiningnan ko yun ng maigi at parang nakita ko na to. Hindi ko lang alam kung saan at kailan.


"San ko ba nakita to dati.?"


Napatingin ako sa taas ko ng makita ko si Breilla na pababa. Nagmadali pa siyang bumaba para makuha sa akin yung kwintas.



Nahulog tuloy sa akin..

★★★★★★★★★★★


Keep supporting ^_^

Have a nice sleep. Malamig ngayon guys. Maulan ulan na din. Love you love lotssss .

Love LimitHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin