|C|: Finally Found You

227 6 3
                                    

My Ex Is My Lover
Special Chapter no. 3

Erika Silverio and Primo Avisado's
Love Story

ERIKA'S POV
~○~☆○☆~○~

Hay naku! Nakakabagot talaga sa bahay. Lagi nalang walang ginagawa. My parents would always want me to work in the company. Pero ano ba ang maitutulong ko doon? Gusto nilang mag-design ako ng mga alahas. Like duh... ano naman ang alam ko sa mga yun. Mukhang nakakalimutan ata nilang graduate ako ng business management at hindi sa design design ng kung anong bagay.


Maybe I can help them in managing the business kasi nga, gaya ng sabi ko, that's my forte. But unfortunately, hindi pa daw hinog ang oras para mastress at magpakabusy ako sa pagpapatakbo sa kumpanya. Pero diba, dapat sinasanay na nila ako. Ay basta! I don't want to talk about it now.

Nandito nga pala ako sa mall ngayon. Minsan na nga lang din kasi akong nakakapunta dito dahil sa dami ng pinapagawa ng mga magulang ko. Oras na din ito para magrelax ako at maglibang.

"Hi Ma'am, buti naman at napadalaw po kayo. Kailan niyo ba kasi ima-manage dito. Tiwala naman po kami sayo ehh." Sabi ng isang saleslady dito sa branch ng shop namin sa mall.

"Leslie, I would love that also. Pero I guess magkakaroon muna kami ng magulang ko ng malawakang debate bago mangyari yun." Sagot ko naman sa kanya.


Bigla naman siyang napasimangot at napasinghap. Grabe itong mga ito, sobra na akong hinahanap hanap. Sayang lang at mukhang di pa mangyayari yun.

"Ayy sayang naman talaga oh. Sobra ka na talaga naming inaasahan dito. Sigurado kami, simbait at singgaling mo si Ma'am Debbie sa pagmamanage ng kumpanya noh." Dagdag pa niya.

"Hmm.. I don't know. Sa totoo lang hindi naman kasi ako magaling kagaya niya. Mas lalo namang mabait na parang siya." Sagot ko ulit.


Napairap naman siya. Ayaw niya akong paniwalaan. Diba alam niyo yun, hindi ako magaling at lalo namang mabait gaya ng parents ko.

"Si Ma'am Erika talaga. Mabait ka po tsaka magaling ka din noh. Witness kaya kami nun for three years. Hihilingin ka ba naming maging manager kung hindi ka ganun." Hirit pa niya.

"Okay.. okay. Whatever you say Leslie. Thank you for believing in me. Sana nga, maging manager din ako ng store na ito." Sabi ko naman bago magpaalam sa kanila.


Paglabas ko naman ng shop, bigla namang nag-vibrate ang cellphone ko. Agad ko naman itong kinuha at tinignan kung sino ang nagparamdam sa akin.

From: Mama Debbie
______________________________________

Anak, can you come to the office today. Darating kasi ang isa nating malaking business partner.
______________________________________


Pumayag naman ako. Sa mga ganitong event kasi, kailangan lagi din akong nandun. Kailangan buo kaming humaharap sa aming mga business partners.

Bigla naman akong may nabangga dahil sa pagka-busy ko sa kakatext. Grabe, ang sakit ah.

"Aray! Bakit ka ba humaharang sa daanan ng tao." Sambit ko naman.

Shocks! Ang gwapo niya. Ang tangkad tapos ang puti. Ang pogi pang pumorma pero bakit may tumutulong kape sa kamay niya at mukhang natapunan ang puti niyang polo.

My Ex Is My LoverWo Geschichten leben. Entdecke jetzt