|49|: Till The End

273 7 2
                                    

THE LAST 2 CHAPTERS○

SAE'S POV
~○~☆○☆~○~

              Hayy ang sarap matulog. Sobra talaga akong napagod sa biyaheng ito. Buti nalang pala at pinadala ni Raikko itong si Alex para sunduin ako. Atleast kahit papaano nakalibre na ako sa gas nakapagpahinga pa ako. Ayaw ko pa namang dumilat. Sobra akong inaantok. Tsaka ang ganda din kasi ng napapanaginipan ko. Hay Raikko, kapag gising ako ikaw lang ang nakikita ko. Sa pagtulog ko, ikaw lang ang laman ng mga panaginip ko. Mahal na nga talaga kita.



             Tama nga sila, pagkatapos ng isang matinding sakit ay nakasilip ang walang hanggang kasiyahan. Sobrang saya ko talaga sa mga nangyayari. Ngayon alam kong wala na talagang makakapigil sa amin. Wala nang kokontra. Alam kong sa pagkakataong ito, umaayon na sa amin ang mundo. Ngayon, alam kong road to forever na. Kaya kayo, wag na kayong bitter ha. Maniwala kayo sa walang hanggan. Treasure every moments of your life.


           Unti unti ko namang dinilat ang aking mga mata. Teka, saan na ba kami. Parang halos isa't kalahating oras na kaming nagbibiyahe. Ganun na ba kalayo ang Airport hanggang Quezon City?



"Alex nasaan na tayo?" Tanong ko naman habang kinukusot pa din ang kanyang mga mata.


"Good Morning Architect. Wag kang mag-alala, malapit na tayo. Konting tiis nalang ito na." Sabi naman niya


                Umayos naman ako sa pagkakaupo. Tinignan ko naman ang paligid. Bakit napaliligiran na kami ng bundok? Saang lugar na ba ito? Malayo na ito sa Manila ah. Asan nanaman ba ako dinala ni Alex?

"Alex, nasaan na tayo? Akala ko ba ihahatid mo na ako sa bahay. Balak mo pa bang mamasyal? Saang lugar ba ito?" Tuloy tuloy ko namang tanong sa kanya.


           Humarap naman siya sa akin mula sa shotgun seat. Tapos napakamot siya ng ulo at pinakalma ako.


"Wait lang, wait lang Architect. Alam kong masyado ka nang excited, so chill lang. Nandito tayo ngayon sa Tagaytay!" Sabi naman niya na ngiting ngiti pa.


"Nagpapatawa ka ba?" Mahinahong tanong ko naman sa kanya.


              Napaisip naman si Alex. Hay naku, nagawa pa niyang magbiro. Makalipas ang ilang segundo, sumagot naman siya sa akin.


"Uhmm.. hindi po. Nandito po talaga tayo sa Tagaytay! The Second Coldest Spot in the Philippines, next to Baguio City!" Pag-uulit naman niya.


"You're joking right? Anong ginagawa natin dito?! Alexandra! Quezon City ang bahay ko hindi Quezon Province!"  Pagsisisigaw ko naman.


           Nagulat naman siya sa inasta ko. Hindi ko alam pero mukhang na-trigger siya at na-rattle pa dahil sumisigaw ako sa loob ng kotse.


"Woah.. woah. Architect alam ko yun. Papunta talaga tayo sa bahay mo. Just wait." Mahinahong sabi niya sa akin.


"Ewan ko sayo." Tanging sambit ko naman.


           Bumalik nalang ako sa pagkakaupo ko. Pinagmasdan ko ang paligid. Kung sabagay, ginusto ko din namang tumira dito. Mas malapit kasi ito sa Manila, kaya kung hindi sa Baguio, dito ko gustong tumira.


          Bigla naman akong napaisip. Bakit naman ako idadala ni Alex dito ng walang dahilan?


"Wife, pag mag-asawa na tayo, saan mo gustong tumira?" Tanong naman ni Raikko.


My Ex Is My LoverWhere stories live. Discover now